"You can go, Atty. Santos. I’ll handle this," seryosong utos ni Ymilio matapos matigil sa katatawa."But Sir, the warrant—""I said, leave. I know what to do," may diin na ang boses niya kaya walang nagawa ang abogado kundi ang yumuko at sumakay pabalik sa kaniyang sasakyan.Nang makaalis ang sasakyan ay hinarap ko agad si Ymilio. Halos maiyak na ako sa halo-halong takot at inis."Eros naman! Paano mo pa nagawang magbiro?!" bulyaw ko, sa unang pagkakataon ay nabigkas ko ang pangalan niya. "Ipapahuli na pala ako! Eh wala naman akong ninakaw! Araw-araw tayong magkasama kaya paanong makakapagnakaw pa ako?!”"Hey, calm down," lumapit siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko, pero mabilis ko iyong tinabig."Paano ako kakalma?! Gusto mo ba akong makulong? Sabi ko na nga ba maling sumama ako sa'yo, e! Maling tinanan mo ako!""Blessica!" mariing saway niya, sapat para mapatahimik ako. Hinila niya ako palapit sa kaniya at ikinulong sa kaniyang mga bisig. "Listen to me. No one is going to p
Magbasa pa