"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan!" excited na lumapit si Luis sa pwesto namin habang may malawak na ngiti sa labi. "Grabe, Ika! Ang tagal nating hindi nagkita! Parang huling balita ko sa'yo, sa isang café ka nagtatrabaho, ah? Nagpatuloy ka ba sa pag-aaral?""Ah... hindi pa sa ngayon, Luis. Siguro ’pag may ipon na ako, saka na. Oo nga pala, ang liit nga naman ng mundo, ’no? Dito pa talaga tayo magkakasalubong," pilit ang ngiting sagot ko.Gusto ko sanang matuwa dahil matagal ko na siyang hindi nakikita, kaya lang ay agad kong naramdaman ang matinding panganib sa tabi ko. Nang sulyapan ko si Ymilio ay tila ba nagbago ang ihip ng hangin. Ang kaninang medyo maaliwalas niyang mukha ay napalitan ng isang madilim at nakakatakot na ekspresyon. Kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang tustado na itong si Luis sa tindi ng titig sa kaniya ni Ymilio ngayon."Ganoon ba. Dito na pala ako nagtatrabaho ngayon bilang supervisor ng staff, kung hindi mo pa naitatanong," pagmamalaki pa ni Luis, ni hindi
Magbasa pa