Mabilis na binawi ni Aiah ang kamay niya mula sa akin na para bang napaso siya dahil sa biglaang presensya ni Ymilio. Sunod ay yumuko siya habang ang kaniyang mga balikat ay nagsimula nang manginig, siguro'y dahil sa takot."S-Sir Ymilio... pasensya na po. Pinaghanda ko lang po siya ng pagkain," nauutal niyang paliwanag, nakayuko pa rin at pilit pinapatatag ang boses.Hindi siya pinansin ni Ymilio. Sa halip ay humakbang ang lalaki papasok sa kusina saka huminto sa mismong tapat ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at pinatayo."I told you to rest in your room, didn't I? Bakit nandito ka at nakikipag-usap sa kaniya?" galit niyang tanong, ang kaniyang mga mata ay nag-aapoy na sa galit habang nakatitig sa akin."N-nagutom kasi ako, Lord master. Wala naman po kaming masamang ginagawa," depensa ko, sinusubukan ko na rin ikalma ang sarili dahil sa totoo lang ay gusto ko na ring maiyak sa binibigay niyang ekspresyon ngayon. Pakiramdam ko tuloy mangangain na siya n
Read more