Namilog agad ang mga mata ko sa narinig. "Luis? Teka, paano mo nalaman ang numero ng kwarto na 'to? At anong nangyayari?""Si... Sir Remington," sumbong ni Luis sa kabilang linya, dinig ang matinding takot sa boses niya. "Ika, pinatatanggal niya ako sa trabaho ngayon lang... at hindi lang 'yun, may mga lalaking dumating dito sa staff quarters, hinahanap ako at gusto akong hulihin. Ika, parang awa mo na, tulungan mo ako kay Sir Remington... baka kung anong gawin nila sa'kin!""Ano?!" napasigaw na ako sa gulat.Bago ko pa muling matanong si Luis ay bigla na lang naputol ang linya. Ibaba ko sana ang telepono para harapin ang lalaking prenteng nakaupo sa gilid ng kama, pero naunahan na niya ako sa pagsasalita."Who was that?" malamig na tanong ni Ymilio.Nanginginig ang mga kamay kong ibinaba ang wireless phone sa side table. Hinarap ko siya na punong-puno ng galit at pagkabigo ang mga mata ko. "Si Luis ang tumawag, Lord master….”"Oh, the guy earlier—”"Totoo po ba?!” asik ko nang putol
Magbasa pa