Natakot si Trinana masaktan lalo si Naya, kaya sa huli, hindi na niya sinabi rito na ni hindi man lang sinagot ni Kael ang mga mensahe niya habang nasa ospital ang kaibigan.Kahit nang ma-discharge na si Naya sa ospital, hindi pa rin nagpakita si Kael.Pagkalabas niya ng ospital, lumipat sina Naya, Luna, at Grasya sa The Persimmon Wave—isang fully furnished condo unit na binili ni Naya anim na buwan na ang nakalipas.Nasa tapat lang ng unit niya ang condo naman ni Trina.Noong college pa sila, pangarap na nilang dalawa na balang-araw, bibili sila ng magkatapat na bahay para habang-buhay silang magkalapit.Kaya anim na buwan ang nakalipas, nang marinig ni Naya na ibinebenta ang unit sa tapat ng condo ni Tri
Read more