“Kaya huwag kayong magtaka kung malambot ang puso niya sa bata dahil alam niya kung anong nararamdaman ni Cassandra. Alam niya kung gaano kahirap ang lumaking walang ama.” patuloy na sabi niya.Nang lingunin niya ito ay kitang kita niya kung paano nagdilim ang mukha nito. “Hindi niyo siya masisisi para maramdaman iyon. Nandiyan lang kayo, yet hindi niyo ipinaramdam sa kaniya ang pagiging ama niyo sa kaniya.” Ni minsan, hindi niya narinig si Nathan na sumbatan ang kanilang ama. Ni minsan ay hindi ito nagsalita ng masama para sa kanilang ama. Wala siyang narinig mula rito. Pero alam niya na sa pinakasulok ng puso nito ay napakarami nitong hinanakit na pinili na lang ibaon at hindi na muling inungkat pa.Noong bata pa siya, palagi niya itong nakikita na palaging nakatingin sa kanila ng kanyang ama at halata ang inggit sa mga mata kaya alam niya na kaagad na iyon ang nakita niya sa mga mata ni Cassandra.“Please, this time… pwede bang suportahan niyo na lang siya sa gusto niya? Sa mga de
Read more