HALATANG natigilan din ito sa sinabi ni CAssandra. Bigla tuloy siyang nahiya, baka mamaya ay sumama ang loob nito o ma-offend ito at akmang sasawayin na sana niya ang kanyang anak nang magsalita ang lalaki. “Okay, that’s a great idea!” masayang sabi nito kay Cassandra.“Yehey!” masayang bulalas naman ng anak niya at bago pa siya makatutol ay inilabas na ng lalaki ang cellphone nito at pagkatapos ay nakiusap sa isang staff doon para magpakuha ng litrato.Nasa gitna nila si Cassandra, isang malawak na ngiti ang nasa labi nito at siya naman ay medyo may alanganing ngiti. Nakailang shot din sila at pagkatapos pumili ng lalaki ay ipinadala nito iyon sa isa nitong tauhan para ito na ang magpa-frame. ~~~~~~~WALANG ekspresyon ang mukha ni Alberto na pumasok sa loob ng villa ni Nathan. Sinadya niya na ito doon dahil ayaw nitong sagutin ang kanyang mga tawag na para bang iniiwasan siya nito. Bukod pa doon ay sa susunod na linggo na ang kasal nito kaya hindi siya matahimik. Gusto niya pa rin s
Baca selengkapnya