Alexandra POV Tulad ng mga nakaraang gabi, matapos ang nagbabagang lagniniig kung saan halos matunaw ako sa kanyang mga bisig, mabilis na nagbago ang ihip ng hangin. Biglang bumalik ang pader sa pagitan namin. Walang kibot na humiwalay sa akin si Rhenan, binuhat ang kanyang sarili, at dumiretso sa banyo upang maglinis ng katawan, tila ba nais niyang mabilis na burahin ang anumang bakas ng aming maruming pagnanasa. Nang lumabas siya, suot na muli ang kanyang pormal na kasuotan, malamig at walang emosyon ang kanyang mga mata nang tingnan ako na nakahiga pa rin sa kama, balot ng kumot. "Dito ka na lang muna. Saka na kita ibabalik sa mansyon kapag nakausap ko na si Maui," maikli at malamig niyang utos bago siya humakbang patungo sa pinto. Gumuho ang kaunting pag-asa sa aking puso. Sa totoo lang, ayoko nang bumalik sa bahay ni Rhenan. Ayoko nang maranasan muli ang bawat gabing puno ng sakit, ang ituring na parang pampalipas-libog lamang, at ang makitang iba ang kanyang pinapahal
Baca selengkapnya