Rhenan POV Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang segundo matapos akong yakapin ni Alexandra. Hindi ko rin inaasahan iyon. Sa totoo lang, matagal na panahon na rin simula nang magkaroon kami ng ganitong katahimikan na hindi puno ng galit o sama ng loob. Marahan siyang kumalas sa yakap. Namumula ang kanyang mga mata. At halatang nahiya sa ginawa niya. "Sorry." Mahina niyang sabi. Napailing ako. "Wala kang dapat i-sorry." Muli niyang tiningnan ang singsing. Parang hindi pa rin siya makapaniwala. "Totoo ba ito?" Napangiti ako nang bahagya. "Hindi naman ako nagbibigay ng pekeng singsing." Napatawa siya. At sa pagkakataong iyon, parang bumalik ang dating Alexandra. Iyong masayahin. Iyong hindi pa sugatan ng nakaraan. At hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Pagdating namin sa opisina, agad kaming sinalubong ni Diego. "Good morning, Sir." "Good morning, Ma'am." Ngunit bago pa kami makalayo, napansin ni Diego ang singsing sa daliri ni Alexan
Read more