Mas maagang dumating si Dylan sa opisina kaysa karaniwan. Hindi dahil may meeting. Kundi dahil maaga siyang naiinip. Tatlong beses niyang inayos ang files sa mesa, kahit maayos naman na ang pagkakalatag nito. “Sir, here are the reports from marketing.” Napatingin siya agad. Si Leila. Nakaugalian na nitong pumasok nang maayos—kulang na lang ay sobrang tahimik, sobrang controlled, parang laging may invisible rule na hindi dapat lumampas sa personal space. “Leave it there,” sagot niya. “Opo.” Aalis na sana ito. Pero hindi pa siya handa. “Leila.” Napahinto ito agad. “Yes, sir?” Hindi niya alam kung bakit niya itinanong ang unang lumabas sa isip niya. “May kapatid ka ba?” Napakurap si Leila, parang hindi sigurado kung tama ang narinig. “Po?” “Siblings,” ulit niya, mas diretso. “Ah… meron po.” “Close kayo?” “Opo.” Tumango siya, parang sinusubukan i-verify ang isang bagay na hindi pa malinaw sa kanya. “Pag holidays, saan kayo?” “Sa bahay po.” “Alone?” “Hindi po. Mi
Read more