Samantala, hindi naman mapakali si River sa kanyang opisina. Pabalik-balik siya sa pagtingin sa monitor. Parang may pumipilit sa kanyang malaman kung nasaan ito at ano ang ginagawa nito.Nang makita niya si Elowen na naghahanda para magluto, hindi na siya nag-isip. Tumayo siya, kinuha ang kanyang coat at mabilis na nagtungo sa pinto!Sa loob ng kusina, tahimik na nagmamasa ng harina si Elowen."Ma'am, tumawag po si Sir," sabi ni Manang Rosa, kita ang pagtataka sa mga mukha ng matanda. "Uuwi raw po siya para mananghalian. Ano pong gusto niyong ipaluto ko?"Sumulyap si Elowen sa niluluto niya, "Sige po, magluto na rin kayo ng dalawa pang putahe. Magbi-bake din kasi ako ng dessert eh."Nitong mga nakaraang araw, nagiging maselan na siya sa pagkain dahil sa kanyang pagbubuntis at naisipan niyang ipaghanda ang sarili ng paborito niyang banana loaf, mula noong bata pa siya. Pero hindi niya inaasahang uuwi si River ngayon!Araw-araw naman itong nagtatanghalian sa kumpanya. Bakit biglang uuwi
อ่านเพิ่มเติม