Samantala, nasa opisina pa rin si Elowen. Nabili na niya ang ticket niya pa-France para bukas ng tanghali. Ginawa niya ang lahat para matapos ang mga naiwang trabaho niya. Ayaw niyang mag-iwan ng problema pero hindi niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na yun.Para siyang binabantayan. Bawat galaw, bawat tingin, pakiramdam niya nakamasid si River sa kanya. Natatakot siyang baka may malaman ito at pigilan ang pag-alis niya.Kaya para pakalmahin ang sarili, niyaya niyang mag-lunch si Luna.Alam na ni Luna ang sikreto niya. Alam nito ang tungkol sa pagbubuntis niya at ang kumplikadong relasyon nila ni River. Habang kumakain, napansin ni Luna ang pagiging matamlay ni Elowen, paminsan-minsan nitong tinatakpan ang bibig para pigilan ang pagduduwal.“Normal lang 'yan sa first trimester, Elowen,” malambing na sabi ni Luna, sabay abot ng tubig. “Mahirap sa simula, pero gagaan din 'yan. Kaso, pagdating ng huling buwan, babigat na naman. Mamanasin ka at mahihirapan ka pan
Baca selengkapnya