KABANATA 9Maagang nagising si Damon Vale nitong Sabado. Hindi para sa isang corporate meeting, kundi para sa isang espesyal na lakad. Sa likod ng kanyang SUV, nakalagay ang isang bagong biling bisikleta. Kulay asul ito, may dalawang maliliit na training wheels sa likod, at may basket pa sa harap.Nasa sa isang maliit at tahimik na parke sila ngayon malapit sa apartment ni Jesza.“Mister Damon, sigurado ka bang hindi mo ako bibitawan?” kabadong tanong ni Eli habang nakahawak nang mahigpit sa manibela ng bisikleta.Ngumiti si Damon. Isang ngiti na bihirang makita ng kanyang mga empleyado sa opisina. “I won’t let go, buddy. Just look straight ahead. Huwag kang titingin sa ibaba.”“Okay, sabi mo ‘yan ah! Kapag ako natumba, minus ten points ka sa scorecard!” banta ng bata habang seryosong nakatitig sa unahan.Natawa si Damon nang mahina. Habang pinapanood ang bata, hindi niya mapigilang mapatitig sa mga ekspresyon nito. Kapag seryoso si Eli, bahagya nitong ibinababa ang kanyang kanang kil
Last Updated : 2026-06-06 Read more