INICIAR SESIÓNNag-post ng “husband application” online ang genius baby na si Eli dahil gusto niyang muling sumaya ang kaniyang mommy. At ang sumagot? Si Damon Vale—ang pinakamakapangyarihang CEO sa bansa. Ang tunay niyang daddy… at ang lalaking minsang nagwasak sa puso ng kaniyang mommy. Fake Marriage. Secrets. Betrayal. Forgiveness. Sa larong inumpisahan ng kanilang munting baby matchmaker, sino kaya ang unang matatalo? Dahil kapag si baby na ang cupid… imposibleng hindi mahulog sa pag-ibig.
Ver másKabanata 1
Malamig ang aircon sa loob ng Le Petit. Sobrang lakas ng bawat bugso nito, sapat para manginig ang mga kamay ni Jesza Reyes. O baka naman hindi lang talaga dahil sa aircon ang panginginig na iyon. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa malaking salamin sa tabi ng mesa. Isang simpleng babae ang nakatitig sa kanya. Naka-cream dress na nabili lang sa isang mall sale, walang mamahaling alahas, at may manipis na make-up na halos mabura na dahil sa pawis. Napakalayo niya sa karangyaan ng lugar na ito. Ang Le Petit ang uri ng restaurant kung saan ang isang baso ng tubig ay katumbas na ng isang araw na sweldo niya bilang pediatric nurse. Pero hindi ang presyo ng pagkain ang nagpapakaba sa kanya. Kundi ang taong hinihintay niya. Huminga siya ng malalim. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kanang kamay patungo sa kanyang tiyan. Flat pa rin ito. Walang kahit anong bakas ng umuusbong na buhay sa loob. Ngunit alam niyang nandoon ito. Three months. Tatlong buwan na siyang nagdadalang-tao. At sa loob ng tatlong buwang iyon, nanatili itong lihim. Hindi pa niya nasasabi kay Damon. Mahal na mahal niya si Damon Vale. Para kay Jesza, hindi si Damon ang malamig, mailap, at makapangyarihang CEO ng Vale Corporation na kinatatakutan ng lahat sa business world. Para sa kanya, si Damon lang ang lalaking yumayakap sa kanya sa gabi kapag pagod siya galing sa ospital. Siya ang lalaking nagpapatibok ng puso niya sa paraang hindi niya akalaing posible. Kaya bago niya sabihin kay Damon ang tungkol sa pregnancy, naisipan niyang kausapin muna ang mama nito. Gusto niyang maging tapat. Gusto niyang makuha ang basbas ng pamilya Vale para sa bubuuhin nilang pamilya. Isang desisyon na hindi niya alam kung tama ba o isang napakalaking pagkakamali. Narinig niya ang mahinang tunog ng takong sa sahig. Lumingon si Jesza. Naglalakad patungo sa kanya si Veronica Vale. Ang chairwoman ng Vale Corporation. Elegante ito sa suot nitong navy blue na business suit. Bawat galaw nito ay may awtoridad na tila ba pag-aari nito ang buong silid. Sa bawat hakbang nito papalapit, lalong sumisikip ang dibdib ni Jesza. “You’re early,” bati ni Veronica. Walang ngiti sa mga labi nito. Cold. Mabilis na tumayo si Jesza at yumuko ng bahagya bilang paggalang. “Magandang hapon po, Madam Veronica. Kararating ko lang din po.” “Sit down,” utos ni Veronica sabay upo sa katapat na upuan. Isang marangyang designer bag ang inilapag nito sa mesa. Tinitigan niya si Jesza mula ulo hanggang paa. Isang tingin na walang emosyon, ngunit sapat para iparamdam kay Jesza kung gaano siya kaliit. Umupo si Jesza. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Dumating ang isang waiter at mabilis na nag-order si Veronica ng tsaa. Nang lumingon ang waiter kay Jesza, umiling lang siya. Hindi yata papasa sa lalamunan niya kahit simpleng tubig sa tindi ng kaba. “Let’s not waste time, Jesza,” panimula ni Veronica nang makaalis ang waiter. Ipinatong nito ang mga kamay sa mesa. “I am a very busy woman. Bakit mo ako gustong makausap? Pakiusap, huwag mong sabihin na hihingi ka na naman ng donasyon para sa pediatric ward ng ospital.” Nalunok ni Jesza ang sariling laway. Nasaktan siya sa tono nito, pero nilabanan niya ang hiya. Kinuha niya ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya. “Hindi po tungkol sa ospital, Madam,” mahinang simulain ni Jesza. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ng matanda. “Tungkol po ito sa amin ni Damon.” Bahagyang itinaas ni Veronica ang kanyang kilay. Dumating ang tsaa at eleganteng humigop ang matandang babae bago muling nagsalita. “Si Damon? Bakit, may problema ba sa pagitan ninyo?” Huminga ng malalim si Jesza. Ipinatong niya ang kamay sa kanyang kandungan, malapit sa kanyang tiyan. “Buntis po ako, Madam. Tatlong buwan na po.” Napatigil si Veronica. Ibinalik nito ang tasa sa platito nang walang nilikhang tunog. Walang gulat sa mukha nito. Walang galit. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang mesa. Ang katahimikang iyon ang lalong nagpabilis sa tibok ng puso ni Jesza. “Buntis ka,” ulit ni Veronica. Flat ang tono ng boses nito, walang mababasang reaksyon. “Opo. Hindi ko pa po ito nasasabi kay Damon,” mabilis na paliwanag ni Jesza, pilit na hinahanapan ng emosyon ang mukha ng matanda. “Gusto ko po sanang kayo ang unang makaalam. Pamilya niya kayo. Gusto ko pong maging maayos ang lahat bago ko sabihin sa kanya.” Isang mahinang tawa ang kumawala sa mga labi ni Veronica. Pero… hindi ito tawang nagagalak. “Gusto mong maging maayos ang lahat?” tanong ni Veronica. Sumandal ito sa upuan at pinagkurus ang mga braso. “Jesza, napakababaw mo naman kung mag-isip. Sa tingin mo ba, ang pagdadalang-tao mo ang mag-aayos ng lahat sa mundong ginagalawan namin?” Napakunot ang noo ni Jesza. Ramdam niya ang unti-unting pag-atake ng matanda. “Madam, mahal ko po si Damon. At alam kong mahal niya rin ako. Magiging tatay na siya, at alam kong matutuwa siya kapag nalaman niya ito.” “Mahal?” Ngumiti si Veronica. Isang ngiti na puno ng lason. “Ang pag-ibig ay para lang sa mga taong walang ibang kayang ibigay sa mundo, Jesza. Si Damon ay isang Vale. Ang buhay niya ay nakaplano na bago pa man siya ipanganak. Ang bawat galaw niya, bawat desisyon, ay may epekto sa libo-libong empleyado ng kumpanya namin.” “Pero hindi naman po hadlang ang anak namin sa kumpanya niyo,” giit ni Jesza. Pilit niyang ipinagtatanggol ang kanyang sarili at ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Tinitigan siya ni Veronica nang matagal. Biglang nagbago ang ekspresyon ng matanda. Naging mas malambot ito. Naging mas magiliw ang tono ng boses. “Jesza, alam mo ba kung anong klaseng stress ang pinagdadaanan ni Damon ngayon?” mahinahong tanong ni Veronica. “Ang Vale Corporation ay kasalukuyang nasa kalagitnaan ng isang malaking international merger. Ang kinabukasan ng pamilya namin ay nakasalalay dito. Kung malalaman ng media na ang CEO ng Vale Corporation ay nakabuntis ng isang simpleng nurse... ano sa tingin mo ang mangyayari sa stocks ng kumpanya?” Natigilan si Jesza. Napalunok siya. “Hindi naman po ito iskandalo—” “Para sa mundo namin, iskandalo ang anumang bagay na hindi pinagplanuhan,” pagputol ni Veronica, swabe ngunit mariin. “Sisisirin ng media ang buhay mo. Kakalkalin ang nakaraan mo. At ang masakit pa, iisipin ng mga tao na ginamit mo lang ang pagbubuntis mo para makapasok sa pamilya namin. Do you want people to call you a gold digger, Jesza? Kaya mo ba ang ganoong klaseng dumi sa pangalan mo?” Umiling si Jesza, nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. “Hindi po ako ganoong klaseng tao. Alam niyo po 'yan.” “I know. At naniniwala ako sa ’yo,” malambing na sabi ni Veronica. “Kaya nga pinoprotektahan kita. At pinoprotektahan ko rin ang anak ko. Si Damon ay responsableng lalaki. Kung malalaman niya na buntis ka, pananagutan ka niya. Pipilitin niya ang sarili niya na pakasalan ka dahil sa obligasyon. Pero tanungin mo ang sarili mo, Jesza. Gusto mo bang pakasalan ka niya dahil lang sa awa at obligasyon? Gusto mo bang maging pabigat sa karera niya?” Parang sinakal si Jesza. Hindi siya makasagot. Gusto niyang sumigaw na hindi ganoon si Damon, ngunit ang mga duda ay nagsisimula ng gumapang sa kanyang isipan. Paano kung tama ang matanda? Paano kung obligasyon na lang ang maging tingin sa kanya ni Damon? “Tingnan mo sa labas,” biglang sabi ni Veronica, sabay turo sa malaking glass wall ng restaurant na nakaharap sa tapat ng kalsada. Automatic na lumingon si Jesza. Isang marangyang itim na sports car ang huminto sa tapat ng katabing gusali. Kilalang-kilala ni Jesza ang sasakyang iyon. Kay Damon ’yon. Bumukas ang pinto ng driver’s seat. Lumabas si Damon. Napakagwapo nito sa suot nitong charcoal gray suit. Mukha itong hari na naglalakad sa sarili nitong kaharian, seryoso ang mukha, walang kapintasan. Ngunit… Hindi siya nag-iisa. Umikot si Damon patungo sa kabilang pinto at binuksan iyon. Isang napakagandang babae ang lumabas. Si Celeste Laurent. Isang sikat na international model at kilalang anak ng isang bilyonaryong pamilya. Naka-dress ito ng pula, elegante, at bagay na bagay sa tabi ni Damon. Gumuho ang mundo ni Jesza nang makitang hinawakan ni Damon ang siko ni Celeste para alalayan ito habang naglalakad patungo sa kabilang gusali. May ngiti sa mga labi ni Damon habang nakikinig sa sinasabi ng babae. Ang ngiting akala ni Jesza ay para sa kanya lang. “Sila ang magkasama kagabi pa para sa isang napakahalagang business gala,” paninira ni Veronica, ang boses nito ay parang bulong ng demonyo sa tainga ni Jesza. “Bagay sila, hindi ba? Celeste has the name, the wealth, and the power to support Damon. Siya ang babaeng kailangan ni Damon para mas lalong mapatunayan ang sarili niya sa board of directors. Siya ang magdadala ng tagumpay sa anak ko.” Hindi na makahinga si Jesza. Parang may nakadagan na mabigat na bato sa kanyang dibdib. Ang panonood kay Damon na kasama si Celeste ay tila isang malinaw na sampal sa kanyang mukha. Sila ang totoong nababagay sa mundong iyon. Siya? Isa lang siyang lihim na itinatago sa dilim. Isang nurse na walang kayang ibigay kundi ang sarili niyang pag-ibig. Humarap muli si Veronica kay Jesza. Nawala ang pekeng lambing sa mukha ng matanda. Ang natira na lang ay ang malamig at malupit na katotohanan. “Hindi ikaw ang babaeng pakakasalan ng anak ko, Jesza.” Ang mga salitang iyon ay tuluyang nagpabagsak sa mga pangarap ni Jesza. Parang nabasag ang isang kristal na baso sa loob ng kanyang puso, at ang mga piraso nito ay sumasaksak sa bawat ugat niya. Napakapit siya nang mahigpit sa laylayan ng kanyang damit, pilit na pinipigilan ang sarili na humagulgol sa harap ng matanda. “Kung talagang mahal mo si Damon, pakakawalan mo siya,” patuloy ni Veronica habang kinukuha ang kanyang designer bag at tumatayo. “Huwag mo siyang pabigatin ng isang responsibilidad na sisira sa kinabukasan niya. Ang isang bastardo ay walang lugar sa pamilya Vale. At ikaw, hinding-hindi ka magiging sapat para sa kanya. Kahit kailan.” Nag-iwan si Veronica ng ilang libong piso sa mesa para sa tsaa, bago naglakad paalis ng hindi man lang muling nililingon si Jesza. Naiwang mag-isa si Jesza sa mesa. Pumatak ang unang luha sa kanyang pisngi, kasunod ng marami pang iba na hindi na niya mapigilan. Ang restaurant na kanina ay napakaganda sa kanyang paningin ay tila naging isang hawla na sumasakal sa kanya. Pakiramdam niya ay napakaliit niya at napakawalang-kwenta. Gusto niyang magmakaawa. Gusto niyang takbuhin si Damon sa labas, hawakan ang kamay nito, at sabihing may anak sila. Pero ang imahe ni Damon kasama si Celeste ay paulit-ulit sa kanyang isipan. Ang mga sinabi ni Veronica ay tila isang sumpa na nakatatak na sa kanyang isipan. Hindi ikaw ang babaeng pakakasalan ng anak ko. Ang isang bastardo ay walang lugar sa pamilya Vale. Pinunasan ni Jesza ang kanyang mga luha gamit ang nanginginig na mga kamay. Tumayo siya, halos mawalan ng balanse dahil sa labis na panghihina. Naglakad siya palabas ng restaurant, hindi pinapansin ang mga tingin ng mga waiter at ibang customer na nakasabay niya. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang makalayo sa lugar na iyon bago siya tuluyang magbago ng isip at gumawa ng eksena. Paglabas niya ng hotel, saktong paalis na ang sasakyan ni Damon. Nakita niya ang pag-andar ng itim na sports car, mabilis at walang preno, papalayo sa kanya. Papalayo sa buhay na binuo niya sa kanyang isip. Walang pag-aalinlangan, pumara si Jesza ng isang dumarating na taxi. Sumakay siya agad sa back seat. “Manong, pakiusap, sundan mo ang itim na sasakyang iyon,” basag ang boses na utos ni Jesza sa driver habang itinuturo ang sports car ni Damon na medyo malayo na ngunit nakikita pa rin. Tumingin ang driver sa rear-view mirror. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at pag-aalala nang makita ang iyak at labis na pamumutla ng mukha ni Jesza. “Sige po, ma’am. Susubukan ko pong habulin.” Mabilis na umandar ang taxi, sumusunod sa marangyang sasakyan sa gitna ng abalang kalsada ng lungsod. Nakasandal si Jesza sa bintana ng taxi. Tumingin siya sa labas habang ang mga luha ay patuloy na umaagos, bumabasa sa kanyang mga pisngi. Ang kanyang kanang kamay ay nakaprotekta sa kanyang tiyan, mahigpit, tila ba doon lang siya nakakakuha ng lakas. Ang pamilyang pinapangarap niya. Isang masayang buhay kasama si Damon, isang kasal, at ang kanilang magiging anak, ay tila isang bula na biglang naglaho sa isang iglap. Habang tinitingnan ang likod ng sasakyan ni Damon mula sa malayo, isang bagay lang ang naging malinaw kay Jesza… Wasak na ang lahat. At kailangan niyang protektahan ang kanyang anak mula sa pamilyang Vale, kahit na ang kapalit nito ay ang tuluyang pag-iwan sa lalaking pinakamamahal niya.KABANATA 27Hindi nakatulog si Jesza nang gabing iyon. Paulit-ulit na umuugong sa kanyang isipan ang bawat salitang narinig niya mula sa usapan ni Damon sa telepono. Ang posibleng pagbagsak ng kumpanya, ang pagkakakulong ng ina nito, at ang tuluyang pagkasira ng pangalan ng mga Vale. Lahat ng ito ay parang isang malaking itim na ulap na unti-unting lumalapit sa kanila.Kinabukasan, habang nasa trabaho si Damon para lihim na makipagkita sa kanyang mga abogado, nagpasya si Jesza na lumabas muna para bumili ng ilang gamit sa grocery malapit sa apartment. Ngunit bago pa man siya makarating sa mall, isang itim na marangyang sasakyan ang huminto sa kanyang tapat.Bumaba ang glass window ng backseat. Doon ay nakita niya si Veronica Vale, nakasuot ng pormal na itim na kasuotan at may hawak na mamahaling abaniko.“Pumasok ka sa loob, Jesza. Kailangan nating mag-usap,” malamig na utos ni Veronica.Tumingin si Jesza sa paligid. Batid niyang hindi siya tatantanan ng matandang babae. Dahan-dahan s
KABANATA 26Sa kabila ng ingay at naglalakihang headlines sa telebisyon tungkol sa Vale Group, tila may sariling mundo ang maliit na apartment nina Jesza. Nagpasya si Damon na mag-file muna ng indefinite leave sa kumpanya. Ipinasa niya sa kanyang mga pinagkakatiwalaang abogado ang paghawak sa kaso ng leak. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, pinili niyang patayin ang kanyang corporate phone. Gusto niyang ibuhos ang buong oras niya sa dalawang taong nagbigay sa kanya ng tunay na kapayapaan.“Sigurado ka ba na ayaw mong pumasok sa opisina ngayon?” tanong ni Jesza habang nag-aayos ng kanyang buhok sa harap ng salamin. “Baka isipin ng mga shareholders mo na tinatakbuhan mo ang problema.”“Hayaan mo sila, Jesza,” sagot ni Damon habang nakasandal sa pinto ng kwarto. Nakasuot lang siya ng simpleng t-shirt at shorts. Isang porma na hinding-hindi makikita ng mga business partners niya sa Makati. “Mas importante ang schedule natin ngayong araw. Sabi ng manager ko, bawal akong ma-late.”“Dadd
KABANATA 25Mabilis na nag-empake ng mga gamit sina Damon at Jesza pagkatapos matanggap ang emergency call. Wala na ang kalmadong simoy ng hangin at ang kapayapaan ng beach resort sa Batangas. Habang bumabyahe sila pabalik ng Maynila, walang kibuan sa loob ng sasakyan. Mahigpit ang hawak ni Damon sa manibela. Ramdam ni Jesza ang tindi ng tensyon na nakabalot sa buong katawan ng lalaki.Sa likod, mahimbing na natutulog si Eli, kayakap ang kanyang asul na notebook. Ligtas ang bata sa magulong mundong paparating sa kanila.Pagdating sa opisina ng main headquarters ng Vale Group sa Makati, sinalubong sila ng nagkakagulong mga empleyado at mga ilaw ng camera ng mga media sa labas. Iniwan muna ni Damon sina Jesza at Eli sa isang pribado at ligtas na holding room bago siya dire-diretsong naglakad patungo sa tapat ng pinto ng board room.Nang buksan niya ang pinto, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ng mga shareholders. Sa dulo ng mahabang lamesa, nakaupo ang kanyang ina na si Vero
KABANATA 24Malamig at madilim ang tubig sa ilalim ng dike. Sa loob ng ilang segundo na parang walang katapusan, walang ibang narinig si Damon kundi ang ugong ng dagat at ang sarili niyang mabilis na pagtibok ng puso. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang isang nakatatakot na tanong, “Paano kung hindi ko siya maabutan?”Lumangoy siya pababa nang buong lakas, pilit na idinilat ang mga mata sa kabila ng alat ng tubig. Doon ay nakita niya ang puting beach dress ni Jesza na dahan-dahang tinatangay ng agos. Agad niyang hinawakan ang braso ng dalaga at binuhat ito pataas.Sa isang malakas na pag-ahon, muling nakahinga si Damon. Sumunod na umahon si Jesza, humihingal at umuubo dahil sa nainom na tubig-dagat.“Hawakan mo ako, Jesza! I’ve got you,” hingal na sigaw ni Damon habang pilit silang pinapanatiling nakalutang. Inilagay niya ang isang braso sa ilalim ng mga kili-kili ni Jesza.Mabilis silang tinulungan ng mga lifeguard ng resort na agad na rumesponde bitbit ang mga life ring. Nang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas