Alas-tres na ng madaling araw, pero pakiramdam ko ay tirik na tirik pa rin ang araw sa loob ng utak ko.Nandito ako ngayon sa silid na inilaan sa akin ng Supremo. At nang sabihin kong silid, ang ibig kong sabihin ay isang kwartong mas malaki pa sa buong barangay hall namin sa Quiapo.May king-sized bed na gawa sa mahogany, mga unan na parang gawa sa ulap, at isang chandelier na siguro ay kayang bumili ng limang jeepney kapag isinangla. Pero kahit anong lambot ng kama, hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko.Bawat segundo na lumilipas, ang nakikita ko lang ay ang itsura ng anak ko sa video.Nakatali. Umiiyak. Tinatawag ang pangalan ko habang ang demonyong si Leonrei ay nakangiti sa likuran niya.Napabangon ako mula sa kama, hindi mapakali.Pumunta ako sa tapat ng malaking salamin. Sinuot ko ang itim na tactical jacket na ibinigay nila sa akin mula sa armory kanina.Makapal ito, mabigat, at amoy bagong pabrika—malayo sa mga ukay-ukay na jacket na sanay kong sinusuot tuwing madaling ar
Read more