ROSELEI.WUUUUUUUSSSSH!Umihip nang napakalakas ang malamig na hanging taglamig mula sa nakabukas na dambuhalang pintuan ng katedral, nagpapalipad sa mga puting niyebe papasok sa mismong aisle.Ngunit sa kabila ng yelo sa paligid, pakiramdam ko ay nasusunog ang buong pagkatao ko.Tila huminto ang pag-ikot ng mundo, ang pagpatak ng oras, at ang paghinga ng sandaang caporegime sa loob ng simbahan.Ang lahat ng mata ay nakapako sa mabilis, nakakabigla, at hindi inaasahang paglipad ng dambuhalang blue diamond ring na hinubad ni Snyder mula sa aking daliri.Sa isang iglap, itinaas ni Leonrei ang kaniyang malaki, magaspang, at duguan na kanang kamay.PAK!Sinalo niya ang singsing. Mahigpit. Walang kahit anong pag-aalinlangan.Dug-dug. Dug-dug. Dug-dug.Halos sumabog ang dibdib ko habang nakatitig kay Snyder. Ang asul niyang mga mata ay nanatiling yelo, ngunit sa likod nito ay isang tahimik na kapayapaan.Ibinigay niya ako.Ibinigay niya ang laban, hindi dahil mahina siya, kundi dahil alam n
Read More