Ilang araw na gumugulo sa isip ni Adrian na parang may mali talaga. At habang tumatagal, mas lalo lamang lumalakas ang pakiramdam na iyon. Parang may malaking bahagi ng buhay niya na pilit itinatago ng lahat. Parang may lihim na alam nila ngunit ayaw nilang sabihin. At siya lamang ang naiwan sa dilim.Nakatitig siya sa bintana ng hospital room habang pinagmamasdan ang mga sasakyang dumaraan sa ibaba. Tahimik ang kwarto niya pero ang utak niya, hindi. Paulit-ulit niyang naaalala ang mga reaksyon ng mga tao sa tuwing nagtatanong siya.Ang pag-iwas ng tingin ng ama niya at ang pilit na pagngiti ng ina niya. Ang pananahimik ng mga kaibigan niya.At higit sa lahat, si Sophia.Hindi niya maintindihan kung bakit parang may pader sa pagitan nila. Sa mga alaala niya, masaya sila. Mahal nila ang isa't isa. Oo, may mga problema at may mga away ngunit wala namang sapat na rason para tingnan siya ng asawa niya na parang isa siyang stranger.O mas masahol pa.Parang isa siyang taong minsan nang nan
Magbasa pa