Hindi niya alam kung sino ang mas masaya ngayon, si janus ba o si Adrian. Sa loob ng halos tatlumpung minuto, walang ginawa ang dalawa kundi magtalsikan ng tubig, maghabulan sa pool, at gumawa ng kung anu-anong laro na sila lamang ang nakakaintindi."Ako ang shark!" Sigaw ni Janus."No, I'm the shark!" Sagot agad ni Adrian."Ikaw po ang octopus, Tito!""Why am I the octopus?""Dahil matanda ka na!"Halos mabulunan sa kakatawa si Sophia. Maging ang ate niya ay napailing na lamang habang nakaupo sila sa gilid ng pool."Alam mo..." Mahinang sabi nito. "Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang seven years old. Ang anak ko ba o ang asawa mo."Napatawa si Sophia. "Same, ate. Same."Sa pool ay biglang sumisid si Adrian. Pagkatapos ay lumitaw sa likod ni Janus at agad na napasigaw ang bata."CHEATER!""That’s what we call strategy." Seryosong sagot ni Adrian sa bata."Tinuruan ka ba ni Batman, Tito?"Napapailing na lang siya ng Ate niya at nang magtapo ang mga mata nila ay sabay silang
Magbasa pa