Matapos tulungan si Vier sa paglilinis ng kaniyang katawan, hinatid ko na siya sa kaniyang kwarto at inintay makatulog. Pagod siya sa mga nangyari ngayong araw, kaya naman wala pang ilang minuto ay nakapikit na at hindi na ako nagtagal doon. Sinilip ko lang din si Aria at Aya sa kabilang kwarto na parehas nakasuot ng earphones, may sari-sariling mundo habang nag-aaral. Saka pa lang ako lumabas ng bahay, kung saan naghihintay si Maverick sa patio, may hawak ng bukas na beer sa kamay. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kumuha ng aking beer sa lamesa. It took me a few sips before I gathered enough courage to look at Maverick, na pansin kong kanina pang nakatitig sa akin at nag-aantay ng pulutan—ang problema ko.“Nawala si Vier noong nagpunta kami ng MOA,” panimula ko. “Pagkakita ko sa kaniya, kasama niya na si Julian… Sa dami ng tao roon that time, si Julian pa talaga… Alam mo, Maverick, parang teleserye lang eh… Nawala lang saglit ‘yung anak ko, tapos kasama niya na agad ‘yung tatay
Baca selengkapnya