(ANG UNANG ARAW SA OPISINA AT ANG HIGH-BLOOD NA CEO)ALEXANDER'S POV"Good morning, Sir Alexander!" Sabay-sabay na bati ng aking mga empleyado habang naglalakad ako sa malawak na lobby ng Vance Enterprises Tower rito sa BGC.Karaniwan ay pormal akong tumutango lang bilang tugon, ngunit ngayong umaga, ramdam ko ang lahat ng mata na nakatitig sa akin.Ang iba ay pasimpleng bumubulong habang nakatingin sa kanilang mga cellphone. Alam ko ang iniisip ng mga ito—ang viral video ng press conference kagabi tungkol sa limang daang piso. Nagdidilim ang aking mukha sa galit, ngunit mas lalo akong naging biktima ng sitwasyon dahil sa dalawang taong kasabay kong lumabas ng pribadong elevator.Sa kanan ko ay si Celestia, suot ang isang pormal na pencil skirt at puting blouse na lapat na lapat sa kaniyang kurba. Sa kaliwa ko naman ay ang asungot kong anak na si Basti, na imbes na briefcase ang dala ay may yakap-yakap na isang malaking box ng Choco Krunch cereal."Daddy, sabi nung Tita na may mak
اقرأ المزيد