(Ang Charity ball sa forbes park)ALEXANDER’S POV"Huwag kang malikot, Celestia. Baka matanggal ang alchemical hidden earpiece natin," bulong ko habang inaayos ko ang aking itim na tuxedo. Gawa ng mga magagaling kong staff ang hidden earpiece, na nilagyan ni Celestia ng mahiwaga niyang potion gamit ang kapangyarihan ng pagiging alchemist. Nasa loob kami ngayon ng aking sasakyan na limousine ng Vance Group, patungo sa Forbes Park para sa charity ball ni Fernando Gomez. Sa harap ko, si Celestia na mukhang isang diyosa sa kanyang suot na gown. Ang kaniyang mahabang emerald green na gown ay bumagay sa kaniyang balat, at ang kaniyang buhok ay nakataas na may kasamang maliliit na diamond pins."Hindi ako malikot, Alexander. Kinakabahan lang ako," sagot niya habang pilit na ngumingiti. "Paano kung makilala tayo ng mga tauhan ni Lola Euphemia doon?""Kaya nga tayo naka-disguise," sagot ko sa kanya habang inilalabas ko ang isang maliit na vial ng Alchemy Masking Potion."Ang potion na i
Baca selengkapnya