(OUR FIRST MORNING AFTER WE KISS)CELESTIA'S POVGrabe, hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Sa tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko, bumabalik agad sa isip ko 'yung nangyari sa kusina.'Yung hawak ni Alexander sa baywang ko, 'yung init ng katawan niya, at higit sa lahat… 'yung halik niya. Parang nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang pakiramdam na parang kuryente sa mga labi ko. Shocks talaga! Ano ba 'tong pinapasok ko?Maaga akong bumangon para umiwas sa kaniya. Nakakahiya, baka kung ano ang isipin niya kapag nagkasalubong kami.Pumasok agad ako sa kusina ng penthouse para maghanda ng almusal. Nagprito ako ng bacon, nag-gisa ng sinangag, at naghanda ng gatas para kay Basti.Habang nag-aayos ako ng mga plato, nakarinig ako ng mabibigat na yabag mula sa pasilyo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.'Huyyy, puso, tumigil ka sa lakas ng tibok. Juskoo!'Paglingon ko, nandoon na nga si Alexander. Kakaligo lang niya, basa pa ang buhok, at suot lang ang isang simpleng putin
Magbasa pa