Hindi pa man tuluyang nakakababa si Seraphina sa salas, pero rinig na rinig na niya ang malakas na tawanan ng mga bisita mula sa kanyang kinaroroonan. Para tuloy ayaw na niyang tumuloy, kaya lang siguradong magagalit sa kanya ang asawa kung hindi siya magpapakita sa pamilya nito.“Ma’am, tara na, kanina pa silang naghihintay sa iyo. Kung hindi ka magpapakita sa kanila, siguradong magagalit si Mr. Black at baka kung ano pa ang gawin sa iyo,” ani Ate Kathleen sa kanya, pero kahit anong gawin niya ay ayaw namang kumilos ng kanyang mga paa.Para tuloy siyang ipinako sa kinatatayuan.“Natatakot ako, baka kung ano ang sabihin nila sa akin. Paano kung husgahan nila ako, saktan, at palayasin dito sa mansiyon?” puno ng pag-aalalang wika niya.“Ma’am, hindi mo pa nga nasusubukan, suko ka na agad. Saka huwag kang matakot, asawa ka na ni Mr. Black, walang sinuman ang puwedeng magpalayas sa iyo maliban sa kanya. Saka huwag mo munang husgahan ang pamilya niya, malay mo naman magkasundo kayo. Kaya t
Read more