Maaga pa lamang ay nasa kusina na si Seraphina upang maghanda ng almusal para kay Damian. Batid niyang kailangan nito ng lakas upang harapin ang mga suliranin sa kumpanya.Nais sana niyang sumama upang magbigay ng suporta, subalit hindi ito pumayag. Gayunpaman, nauunawaan niya ito, at ayaw rin niyang maging dagdag na alalahanin. Ang tanging magagawa niya ay ipakita ang kanyang suporta at tiyakin na may laman ang tiyan nito bago umalis.Naghanda rin siya ng baon para kung sakaling magutom ito, ay may makakain anumang oras."Good morning sa misis ko, ang aga mong nagising ah. At saka ang bango ng niluluto mo, nakakagutom." Wika ni Damian kaya napalingon siya dito. "Siyempre, gusto ko kasing busog ka bago umalis. O siya maupo ka na at kumain, magtitimpla lang ako ng kape mo." Aniya bago iniwan ang niluluto. Kinuha niya ang tasa na nakahanda na at sinalinan ng mainit na tubig."Kain na, baka ma-late ka sa trabaho," aniya pa habang hinahalo ang kape."Ehem hinay-hinay, naglalabasan ang m
Magbasa pa