Romance

Filter dengan

Isi kata
Semua<30k30k-50k50k-100k>100k
Sortir dengan

PopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Crimson Nostra #1: Trapped In My Professor - Romance novel & cerita
archercreovis
Some love were planted in a garden. Others were forged across the forest of sacrifices. Tanya Aleziandra Claveria has spent her entire life chasing perfection. Not because she was greedy for it, but because she was taught that love, freedom, and happiness always come with a price. Admired by everyone yet imprisoned by impossible expectations, she believes every dream demands a price. Until everything changed when Idrisvan Arcxel Buenaventura arrived at Aurea University as its successor and a new professor. Reserved, brilliant, and impossible to ignore, he awakened a part of Tanya she believed that her fragmented soul would never find. Little did she know that it was a love that had already found her before she did. Idrisvan has known her long before fate finally brought them together, and behind his carefully crafted identity lies a man living a life far more dangerous than anyone could imagine. As their stolen moments blossom into a forbidden romance, Tanya discovers the courage to dream and choose her own happiness. Until betrayal, deception, and hidden loyalties tear them apart, leaving each to believe the other has walked away. Yet, destiny played another twisted game, giving them one final chance. Beneath the weight of old wounds, long-buried secrets, and lives forever changed, Tanya and Idrisvan must confront the truth that time could never erase. As past and present collide, they were left with unanswered question. Can a love torn apart by lies survive when fate brings two lost hearts back together? A sweeping tale of forbidden romance, hidden identities, betrayal, redemption, and second chances, their love written in pages beneath the moonlight echoes that the greatest freedom wasn't found from escaping the past. It was in two lost souls, finding their way back to each other despite the cruel games of fate.
85
The Billionaire's Runaway Wife - Romance novel & cerita
Mrs.Jean
Nakita ng buntis na si Elara ang kanyang asawang si Damien—isang kilalang CEO—na may ibang babae sa opisina. Sa matinding sakit, umalis siya ngunit naaksidente at inakala niyang nawala ang kanyang sanggol. Agad siyang humingi ng diborsyo at lumipat sa ibang bansa, doon nalaman niyang kambal pala ang dinadala; isa lang ang nawala at may natitira pang ligtas na bata sa kanyang sinapupunan. Nang bumalik siya sa Pilipinas upang iligtas ang nalulugmok na negosyo ng kanyang pamilya, malaki na ang kanyang tiyan. Sa isang pagpupulong ng mga negosyante, muli silang nagkita ni Damien. Labis ang gulat nito nang makitang buntis pa rin si Elara, at doon nagsimula ang pagbubunyag ng katotohanan at ang muling pagharap sa kanilang nakaraan.
87
FORGET THE NIGHT I STRIPPED  - Romance novel & cerita
artoffloire
What if the supposed love potion turns out to be an aphrodisiac, and you mistakenly give it to the wrong person? Nagsimula iyon nang mamasukan si Katya bilang isang katulong. Kontento na siya na masilayan lamang ang kaniyang kababata at first love na si Markus Ville Fuente. She wants to devote her love through serving him. Ngunit may parte sa puso niya na nais maangkin si Markus. And that was when it all started... Katya decided to sneak into Markus' room, dala ang kaniyang love potion na nabili lamang niya sa isang sikat na albularyo, at inaasahan niyang may magiging epekto iyon. Ngunit iba ang epekto noon—it wasn't a love potion but rather an aphrodisiac. When the heat ignited, walang nagawa si Katya kundi ibigay ang sarili niya. But it didn't take her long to realize that it was not Markus, it was Markus' villainous brother—Silas. The one they called the devil of the clan. Now, that very man is willing to burn everything just to hunt her...
94
THE CEO'S NAUGHTY WIFE - Romance novel & cerita
Miss R
Lumaki si Selena sa Isla Portobello, isang misteryosong isla na halos walang alam sa modernong mundo. Nang tumuntong siya sa tamang edad para umalis ng isla, nagpasya siyang hanapin ang nag-iisa niyang kapatid na matagal nang nawawala sa Maynila. Pero sa unang araw pa lang niya sa lungsod, puro gulo na ang nangyari. Muntik na siyang masagasaan, nahuli pang nanghuhuli ng isda sa loob ng aquarium, at hindi sinasadyang nabangga ang pinakaayaw mapahiya na CEO sa buong bansa—si Alexander Sebastian. Dahil sa isang malaking hindi pagkakaintindihan, napilitan si Alexander na ipakilala si Selena bilang girlfriend niya. Kapalit ng pagkain, matitirhan, at tulong sa paghahanap ng kapatid nito, pumayag si Selena sa isang pekeng relasyon na unti-unting gugulo sa tahimik at kontroladong buhay ng CEO. Pero habang natututo si Selena tungkol sa modernong mundo, may mga lihim ding unti-unting lumalabas—tungkol sa Isla Portobello, sa pagkawala ng kanyang kapatid, at sa sakit na pilit itinatago ni Alexander. Hanggang saan aabot ang isang pekeng relasyon kapag unti-unti nang nagiging totoo ang nararamdaman?
92
Sa Piling Mo, Señorito Maximo  - Romance novel & cerita
ysovel
“I want you to be my personal maid and my s*x slave.” Si Señorito Maximo Felipe Montenegro ay isang bilyonaryong kilala sa malamig na pagkatao, matinding awtoridad, at ganap na kontrol sa kaniyang mansyon at negosyo. Lumaki siyang sanay na nasusunod ang lahat ng gusto niya, hanggang sa maging ugali na niyang angkinin ang anumang pumupukaw ng kaniyang interes. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Ysabel Trinidad Samonte, isang desperadang katulong na nagtrabaho upang iligtas ang kapatid na may malubhang sakit. Sa unang pagkikita pa lang, may nakita si Maximo sa kaniya dahilan para mapukaw ang interes nito. Desperasyon at katapangan na tila umaakit sa pagkatao niya. “Sigurado ka bang gagawin mo ang lahat… ng gusto ko?” Isang kasunduang inihain sakanya, pang-aangkin na hindi niya lubos maintindihan, ngunit alam niyang wala nang atrasan kapag tinanggap niya. Bakit siya ang napili ni Maximo sa lahat? Dahil ba sa kaniyang desperasyon o sa kakaibang tapang na hindi niya inaasahang mapapansin ng isang lalaking tulad nito?
96
Ang Maid sa Bisig ng Dalawang Bilyonaryo - Romance novel & cerita
Eliana Asher
Si Violet ay isang simpleng maid sa mansyon ng mga Valmonte. Tahimik ang buhay niya hanggang sa isang gabing inutusan siyang maghatid ng pagkain sa kuwarto ni Killian—ang gwapo, mayaman, at kilalang playboy na anak ng kanyang amo. Ang simpleng utos ay nauwi sa isang gabing hindi niya malilimutan. Ngunit habang unti-unti siyang nahuhulog, ipinadama ni Killian na isa lamang siyang pampalipas-oras. Higit pa roon, nakatakda na itong pakasalan ang kababata nitong si Isabella Castellano. Durog ang puso, pinili ni Violet na lumayo. Ngunit pagbalik ni Killian mula Switzerland, nalaman ni Violet na buntis siya. Upang protektahan ang sarili at ang kaniyang anak, nagsinungaling siyang hindi si Killian kundi ang kababata niyang si Zenon Mallari ang ama. Ang hindi alam ni Violet, hindi ordinaryong construction worker ang kababata niya. Si Zenon ay isa palang makapangyarihang business tycoon na matagal nang nagtatago sa likod ng simpleng pagkatao—at matagal na rin siyang may lihim na pagtingin kay Violet. Habang pilit namang inaangkin ni Killian ang batang pinaniniwalaan niyang sa kanya, unti-unting inilalantad ni Zenon ang tunay niyang pagkatao. Sa pagitan ng lalaking unang dumurog sa puso niya at ng lalaking matagal nang handang protektahan siya, sino ang pipiliin ni Violet?
97
THE COLD BILLIONAIRE HUSBAND WHO COULDN'T RESIST ME - Romance novel & cerita
NIGHT
One pregnancy test. One bankrupt family. And one terrifying billionaire who was never supposed to cross her path again. Nang malubog sa utang ang pamilya ni Nancy Manalo, wala siyang ibang nakitang paraan kundi hanapin ang lalaking aksidenteng nasangkot sa pinakamagulong gabi ng kanyang buhay—si Oliver Mendoza, ang malamig, makapangyarihan, at kinatatakutang CEO na walang sinumang nangangahas lapitan. To the business world, he is a legend. To his enemies, he is a nightmare. And to Nancy? He is the man who can either save her family... or completely destroy her. What started as a desperate deal slowly turns into a marriage neither of them wanted but neither of them could escape. She is loud, reckless, and impossible to control. He is cold, distant, and lives by his own ruthless rules. Magkaibang-magkaiba sila sa lahat ng bagay—except for one dangerous truth: The more they try to stay away from each other, the harder it becomes to let go. But secrets from the past, powerful enemies, and a marriage built on lies threaten to tear them apart. Can a woman who fears nothing melt the heart of a man who feels nothing? Or will loving the cold billionaire become the biggest mistake of her life? ............. He lowered his gaze and stared at her trembling fingers wrapped around his sleeve. "Mr. Mendoza... are you really going to help me?" His expression remained unreadable. "I hate complications, Ms. Manalo." Humugot siya ng malalim na hininga. "Then why did you marry me?" For the first time, the cold billionaire smiled. "Because despite everything, you're the one thing I can't seem to resist."
10
85
Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable - Romance novel & cerita
Sienna Fox
Sa mismong gabi ng kanyang kaarawan, gumuho ang buong mundo ni Althea. Pinagtaksilan siya ng sarili niyang pamilya, tinalikuran ng lalaking pinakamamahal niya, at ninakawan ng dangal dahil sa isang planong isinagawa ng mga taong pinagkatiwalaan niya. Pagmulat niya kinabukasan, katabi niya ang isang misteryosong estranghero—isang lalaking hindi niya kilala at hindi na niya muling nakita. Akala niya'y iyon na ang katapusan ng bangungot, ngunit makalipas ang ilang linggo, natuklasan niyang nagdadalang-tao siya. Mag-isa niyang pinalaki ang kanilang anak habang unti-unti niyang binubuo ang sarili mula sa mga pirasong winasak ng nakaraan. Kasabay nito, isa-isang nabubunyag ang mga kasinungalingan, pagtataksil, at lihim na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang buhay. Handa siyang bawiin ang lahat ng ninakaw sa kanya—ang kanyang dangal, pangalan, at kinabukasan. Ngunit paano kung ang lalaking minsang nakasama niya sa pinakamadilim na gabi ng kanyang buhay ay isa palang makapangyarihang bilyonaryo? At paano kung determinado itong angkinin hindi lamang ang kanyang anak, kundi pati ang kanyang puso? Sa mundong puno ng kasinungalingan, paghihiganti, at ikalawang pagkakataon, sapat ba ang isang gabing nagtagpo ang kanilang mga landas upang bumuo ng isang pamilyang itinadhana ng kapalaran?
99
THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY - Romance novel & cerita
MAYUMI
Isang aksidente sa mall ang nagpabago sa simpleng buhay ng barista na si Mayumi Ramos. Isang bibong apat na taong gulang na bata lang naman ang biglang yumakap sa kaniya at tinawag siyang "Mommy!" para takasan ang bodyguard nito. Ang malala, ang tatay ng bata ay walang iba kundi ang masungit at napakagwapong bilyonaryong si Zandro De Vega. Dahil sa katigasan ng ulo ng anak, napilitan si Zandro na kunin si Mayumi bilang personal nanny ng bata. Kaya ba ni Mayumi na paamuhin ang makulit na si Baste, kung ang supladong tatay nito ang dahan-dahang nagpapatibok ng puso niya?
97
The Secret Beneath Clarendon - Romance novel & cerita
Md Quinceañera
Akala ni Keila ay simpleng trabaho lang ang papasukin niya sa isang eksklusibong golf club para matulungan ang kanyang pamilya. Ngunit nang matuklasan niya ang lihim na nakatago sa ilalim ng malinis at magagarang golf course, nagbago ang lahat. Sa ilalim ng marangyang imahe ng club ay isang lihim na underground kink club, kung saan ang mayayamang miyembro ay nagbabayad nang napakalaki para matupad ang kanilang pinakamatitinding pantasya. Ang mas nakakagulat? Inaanyayahan ang mga staff na sumali kapalit ng malaking bayad. Kasama ang kanyang dominante at mapang-angking asawa na handang suportahan ang kanyang bagong karanasan, unti-unting sumisid si Keila sa mundong puno ng tukso, tuklas, at mga hangganang hindi niya akalaing kaya niyang lampasan. Matatagpuan kaya niya ang tunay niyang sarili—o tuluyan siyang malulunod sa larong puno ng pagnanasa?
91
Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce - Romance novel & cerita
PILOSOPOTASYO
Dalawang taon nang kasal si Jade Ashbourne-Kingsley kay Evren Kingsley sa pamamagitan ng arranged marriage. Sa loob ng dalawang taong iyon, ginawa ni Jade ang lahat upang makuha ang pagmamahal ng kaniyang asawa. Inakala niyang sadyang malamig lang talaga ang puso ni Evren... hanggang sa isang gabi, nahuli niya itong masayang kasama ang first love nito, si Charlotte. Doon niya napagtanto na marunong pa lang magmahal ang kaniyang asawa—hindi lang siya ang pinili nitong mahalin. Sa gabing iyon, tuluyan na siyang nagpasya na wakasan ang lahat. "I want a divorce." Ngunit bago pa man niya tuluyang iwan ang lalaking minahal niya sa loob ng dalawang taon, isang mas malupit na katotohanan ang sumalubong sa kaniya. Hindi pala siya tunay na isang Ashbourne. Sa isang iglap, nawala sa kaniya ang lahat—ang pamilyang kinalakihan niya, ang mana, ang apelyidong ipinagmamalaki niya, at ang tahanang itinuring niyang sa kaniya. Pero ang mas masakit... Ang lalaking paulit-ulit na nagsasabing hindi siya mahal ay ayaw pa rin siyang pakawalan. Habang isa-isang nabubunyag ang lihim ng tunay niyang pagkatao, mapipilitan si Jade na pumili. Mananatili ba siya sa piling ng lalaking sumira sa puso niya... o tuluyan na niyang iiwan si Evren at pipiliin ang sarili, kahit wala na siyang ibang matatawag na tahanan?
10
91
Love Me, Salvatoire Twins - Romance novel & cerita
velisse
“Sino ang mahal mo sa dalawang Salvatoire?” tanong ni Aurelia, ang nag iisang prinsesa ng mga Salvatoire. Si Atreus Reis Salvatoire ay kilala bilang isang masungit at mapanganib na bilyonaryo, habang ang kanyang kakambal na si Alessio Remus Salvatoire ay kilala bilang maloko at matinik sa mga babae pero mapanganib sa pagnenegosyo. Ang kambal na Salvatoire na si Atreus at Alessio ay kasalukuyang nag hahanap ng maid para sa spoiled brat nilang kapatid. Habang si Sydelle Elodie Rosseau ay kasalukuyang nagtatago sa mga kamaganak niyang gusto siyang ipapatay para makuha ang minana niya galing sakanyang lolo at mga magulang. Sa kanyang pagtatago ay napadpad siya sa isang probinsya, natunton niya ang napakalaking mansiyon na naghahanap ng katulong. “Are you sure you can do chores? You look like a fragile princess..” nang iinsultong sambit ni Atreus. Paano kung ang pagtatago ni Sydelle ay mas lalo lamang siyang napasok sa napaka laking gulo sa pagitan ng magkapatid na Salvatoire? Paano niya paninindigan ang pagtatago kung sabay na nahulog ang dalawang Salvatoire sa kanyang bitag?
100
THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE  - Romance novel & cerita
Ellise
SYNOPSIS Si Fiona Angelyn Perez ay nabuhay sa isang perpekto at masayang pamilya kasama ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na sina Piolo at Ferlyn. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang kanyang mundo nang isang vehicular accident ang kumuha sa buhay ng kanyang mga magulang. Sa gitna ng labis na pagdadalamhati, napagtanto ni Fiona na may dalawang bata pang umaasa sa kanya. Lalo pang sumubok sa kanyang katatagan nang magkasakit ang tatlong taong gulang na si Ferlyn. Upang matustusan ang panggamot at pangaraw-araw na pangangailangan, iniwan ni Fiona ang kanyang pag-aaral at pumasok bilang isang cleaning lady sa mansyon ng bilyonaryong si Miles Lawrence Martinez. Si Miles ay isang malamig, walang puso, at mapang-aping lalaki na naniniwalang lahat ng babae ay mukhang pera. Agad niyang pinag-initan si Fiona, ginawa itong miserable, at itinuring na isang gold digger. Subalit habang tumatagal, unt-unting natutuklasan ni Miles ang katotohanan sa likod ng mga sakripisyo ni Fiona. Sa halip na matuwa, natakot si Miles sa namumuong nararamdaman dahil hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Bumalik siya sa pagiging masungit at mapang-abuso, hanggang sa isang gabi ay magawa niya itong saktan nang pisikal at pagsamantalahan. Hindi na nakayanan ni Fiona ang impiyernong buhay kaya tumakas siya mula sa mansyon, bitbit ang isang sikretong hindi niya alam siya ay nagdadalang-tao. Tatlong taon siyang hinanap ng nagsisising si Miles. Nang sa wakas ay mag-abot ang kanilang mga landas, haharapin ni Miles ang isang matigas at galit na Fiona na handang protektahan ang kanilang anak mula sa kanya. Makuha pa kaya ni Miles ang kapatawaran ng cleaning lady na unti-unting bumihag sa kanyang pusong bato?
97
BILLIONAIRE'S EX-WIFE IS BACK, SHE'S PREGNANT?! - Romance novel & cerita
MR.ROMANTICO
Billionaire's Ex- Wife Is Back, She's Pregnant?! Blurb: Nagsimula sa contract marriage ang pagiging mag-asawa nina Spencer at Purple. Hindi sukat akalain ni Purple na mamahalin niya nang lubos si Spencer kahit pa contract marriage lang ang naganap sa kanilang dalawa. Spencer wants a kid, sobrang hangad nito ang magkaroon ng anak. Pero hindi naging madaling magbuntis si Purple, kung kaya't ginawa nila ang lahat para magdalang tao siya. At nang maganap ang hangarin iyon ni Spencer saka natuklasan ni Purple ang pagbabalik ng unang pag-ibig ng kanyang asawa. At dahil ayaw niyang mawala si Spencer nang tuluyan ay sinabi niyang buntis siya ngunit nakunan lamang siya. Because of despair umalis si Purple pinirmahan niya ang divorce papers nila ni Spencer. After a month's bumalik si Purple, malaki ang tiyan at buntis ito. Shocked malala si Spencer papaano nangyari iyon kung nakunan naman si Purple bago sila nagkahiwalay?
96
Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED. - Romance novel & cerita
onyourwetdreams
"Everything in this world comes with a price, and my help isn't free. Leave that boy when you find out the truth. Because from that moment on, you are mine.” Iyon ang mga katagang binitawan ng bilyonaryong si King Imperial nang humingi ng tulong si Aline Buenavista sa kanya para makaalis sa isla at mapatunayang ikakasal na nga sa iba ang kanyang nobyo. Apat na taon nang nagtitiis si Aline sa kanyang live-in partner na si Ejay. Dahil sa paninindigan niyang ibigay lamang ang sarili kapag kasal na sila, madalas siyang iwanan nito para maghanap ng aliw sa ibang babae. Ngunit sa isang gabing nalunod siya sa alak at labis na sakit, napuno si Aline ng galit. Sa gitna ng kalasingan, pumasok sa isip niya ang kagustuhang maghiganti at iparanas din sa nobyo ang sakit na nararamdaman niya. Doon niya naialay ang kapurihang apat na taon niyang iningatan sa isang hindi kilalang estranghero. Labis ang pagsisisi ni Aline nang magising. Ang akala niya ay kaya niyang ibaon sa limot ang gabing iyon upang isalba ang kanyang relasyon sapagkat si Ejay na lamang ang makakatulong sa kanya para maiahon siya sa hirap. But it was already too late. King Imperial was already onto her—the man who made her moan in pleasure during that unforgettable night.
10
90
Played by the Billionaire - Romance novel & cerita
Senyorita
Joy Reyes is running out of options. One missed rent payment away from homelessness, she makes a desperate call to the last person she expects to answer, Alexander Montalban, the billionaire whose name appears more often in business headlines than in public. She asks for a job. He offers something stranger. "Make me laugh." For three months, Joy will live in his estate, follow his schedule, and earn more money than she's ever seen. Her task sounds ridiculous, but the paycheck is real and desperation leaves little room for pride. What begins as an arrangement quickly becomes something neither of them anticipated because Alexander isn't looking for entertainment. He's searching for something he's lost. And Joy is beginning to realize that behind the wealth, the power, and the carefully controlled image is a man carrying wounds no amount of money can fix. The more she learns about him, the harder it becomes to remember that her stay has an expiration date. Three months. That was the deal. But when you're the only reason a billionaire smiles, walking away may cost more than either of you expected.
80
Ang lalaking hindi ko dapat mahalin - Romance novel & cerita
CESSYPRINCE
Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa nakaraan, isang kasunduan ang muling bubuhay sa mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghilom. Si Cielo Arcega ay isang kilalang arkitekto at nag-iisang tagapagmana ng Arcega Group. Buong buhay niyang pinatunayan na kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa apelyido ng kanilang pamilya. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang lahat ng plano niya nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa lalaking pinakaaayawan niya—si Aelion Voss. Matalino. Makapangyarihan. At imposibleng basahin. Bilang CEO ng pinakamalaking shipping empire sa bansa, sanay si Aelion na kontrolado ang lahat ng bagay sa paligid niya. Maliban kay Cielo. Ang dapat sana'y simpleng kasunduan sa negosyo ay unti-unting naging isang mapanganib na laro ng damdamin. Habang mas nakikilala nila ang isa't isa, natutuklasan nilang hindi lamang negosyo ang dahilan kung bakit sila pinagtagpo ng kanilang mga pamilya. May isang lihim na koneksyon sa pagitan ng kanilang mga magulang. Isang pagtataksil. Isang trahedya. At isang kasalanang naghintay ng maraming taon upang singilin sila. Habang pilit nilang nilalabanan ang damdaming hindi dapat umusbong, mas lalo silang hinihila ng tadhana palapit sa isa't isa. Ngunit paano kung ang mismong pagmamahalan nila ang bunga ng mga kasinungalingang sumira sa dalawang pamilya? Paano kung ang lalaking unti-unti mong minamahal ay bahagi ng nakaraan na matagal mo nang sinusubukang takasan? At paano kung ang tanging paraan upang maging masaya ay ang piliing mahalin ang taong hindi mo dapat mahalin? Sa pagitan ng galit, paghilom, obligasyon, kalayaan, at ng nakaraan at hinaharap, susubukin nina Cielo at Aelion kung sapat ba ang pag-ibig upang putulin ang siklong matagal nang bumihag sa kanilang mga pamilya. Dahil minsan, ang pinakamalaking trahedya ay hindi ang mawala ang taong mahal mo. Kundi ang matagpuan siya sa panahong hindi mo na dapat siyang mahalin.
82
The Ruthless Billionaire's Little Maid - Romance novel & cerita
Lilianna Jade
Bata pa lamang ay lingid na sa kaalaman ni Victoria na isa siyang ampon. Napulot lamang siya ng kaniyang Lola Azon sa simbahan noong siya ay sanggol pa lamang at mula noong araw na iyon ay itinuring na siya nito bilang tunay na apo.  Makalipas ang halos dalawang dekada, dahil na rin ng katandaan ay dinapuan ng malubhang sakit ang matanda. Kulang na kulang ang kinikita nito sa pagtitinda ng tinapa at daing kaya nang magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa Maynila ay walang pagdadalawang isip na pumayag si Victoria. Lahat ay gagawin niya para sa kaniyang lola kaya kahit wala siyang kaalam-alam sa buhay doon ay handa siyang sumugal magkapera lamang. Ano nga kayang buhay ang naghihintay kay Victoria sa Maynila? Pera nga lamang kaya para sa kaniyang lola ang makukuha niya, o ang tunay din niyang pagkakakilanlan? Saan nga kaya siya nagmula? Nasaan ang tunay niyang pamilya?
91
Accidentally Met Mr. Billionaire - Romance novel & cerita
Md Quinceañera
Si Isabella Sanchez ay isang masipag at madiskarteng babae na naniniwalang siya mismo ang humuhubog sa sarili niyang kapalaran. Namumuhay siya nang buong puso at laging sinisigurong may ngiti sa labi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Nang pilitin siya ng kanyang lola na makipag-blind date, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Hindi kailanman naging prayoridad ni Isabelle ang pag-ibig o ang mga lalaki. May bahagi ng kanyang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Ngunit habang patuloy siyang tumatakbo palayo rito, lalo naman siyang hinahabol ng mga alaalang nais niyang ibaon sa limot. Si Arc Fritz Chivalry naman ay isang matagumpay na bilyonaryo. Mula nang siya ang humawak sa kanilang negosyo, lalo itong umunlad. Nasa kanya na ang lahat—gwapo, matalino, mayaman, at hinahangaan ng maraming babae. Ano pa nga ba ang kulang sa kanya? Pag-ibig. Siya ay naghahanap ng taong mamahalin. Samantalang si Isabelle ay gusto lamang… Mabuhay nang malaya. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi inaasahang nagtagpo ang kanilang mga landas?
87
My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker - Romance novel & cerita
Jeszeil
Sa araw ng kanyang kasal, akala ni Ayella Macaraig ay nahanap na niya ang kanyang happy ending kay Mateo Mallari. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang boses ng bata ang biglang sumabog sa kanyang isip. “Mommy, huwag kang magpapakasal sa kaniya! Mateo is a scumbag! Gagamitin ka lang niya, at buntis na ang malandi mong stepsister sa anak niya!” Laking gulat ni Ayella nang matuklasang ang boses na iyon ay nagmumula sa mismong fetus sa loob ng kanyang sinapupunan Matapos malaman ang kataksilan ng fiance at ng sarili niyang pamilya, nagkagulo sa altar. Walang ibang matakbuhan si Ayella, kaya naman ayon sa utos ng kanyang daldalitang anak, kumapit siya sa pinakamakapangyarihan at pinakadelikadong lalaki sa silid—si Wyatt Fitzwilliam, enigmatic billionaire na nagmamay-ari ng elite circles ng lungsod. Sa harap ng lahat, nagpasabog ng bomba si Ayella. "Mr. Fitzwilliam, the child I’m carrying is yours!" Kakayanin kaya ni Ayella ang bagong mundong pinasukan niya? At paano haharapin ng isang ruthless tycoon ang isang runaway bride at ang makulit nitong secret heir?
83
Sebelumnya
1
...
303304305306307
...
309
Anda juga akan menyukai
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat
Urban · Skykissing Wolf
9.7M Dibaca
Ang Maalindog na Charlie Wade
Ang Maalindog na Charlie Wade
Urban · Lord Leaf
4.8M Dibaca
Isa pala akong rich kid?!
Isa pala akong rich kid?!
Urban · Two Ears is Bodhi
3.4M Dibaca
Nagkakamali kayo ng Inapi
Nagkakamali kayo ng Inapi
Urban · A Potato-Loving Wolf
2.8M Dibaca
Ang Alamat ng Dragon General
Ang Alamat ng Dragon General
Urban · Crazy Carriage
1.9M Dibaca
Novel Baru Update
Mr. PLAYBOY
Mr. PLAYBOY
Romance · KYLIEROSE
2.4K Dibaca
Mini Me, Instant Daddy!
Mini Me, Instant Daddy!
Romance · Black_ink
190 Dibaca
Pregnant by my Playboy Boss
Pregnant by my Playboy Boss
Romance · Moonlitwrites
134 Dibaca
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status