Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
1025.7K vistasCompletadoAñadido a la biblioteca 1.0K veces como eclipse kpop group
Leer
+Biblioteca
Marry Me Instead

Marry Me Instead

Akala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya. Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador. Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula. Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal. Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF. Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya! At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman. Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti. Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston. Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat. At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya. “Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.” Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba. “You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…” Napakunot-noo si Emery. “What?” “Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.” Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?
1016.5K vistasCompletadoAñadido a la biblioteca 380 veces como eclipse kpop group
Leer
+Biblioteca
ANTERIOR
1
...
8910111213
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status