Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Hidden Wife

The Mafia's Hidden Wife

MissD
Para tantanan ni Robert sa panggigipit at pamimilit si Alexa na pakasalan ito ay pinakiusapan ng dalaga na pakasalan siya ni Travis; ang lalaking natagpuan niya na walang malay at duguan sa gilid ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa kanya ay pumayag si Travis sa pakiusap ni Alexa. Lihim na natuwa ang dalaga pagkat may lihim itong pagtatangi sa lalaking iniligtas niya kahit na ilang Linggo pa lamang silang magkakilala. Ngunit pagkatapos ng kanilang kasal ay sinundo ito ng mga kamag-anak ngunit nangako ito na babalikan siya para kunin. Isang Linggo ang lumipas ay sinundo siya ng tauhan ni Travis at isinama sa hotel kung saan ito nakatira. Ngunit sa halip na mahigpit na yakap ay isang contract marriage agreement ang isinalubong nito sa kanya. Napansin niya na ibang-iba na ito sa Travis na nakasama niya sa probinsiya. Seryoso at arogante ito na malayong-malayo sa mabait at mapagmahal na Travis na kilala at pinakasalan niya. At higit sa lahat ay natuklasan niya na isa pala itong miyembro ng mafia at tumatakbo bilang pinuno ng mafia organization. Paano haharapin ni Alexa ang tila naging estrangherong asawa lalo pa at itinatago nito sa lahat na siya ay asawa nito? Makakaya ba niyang makita na may kasama itong ibang babae o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang nag-iisa at legal nitong asawa kahit pa may contract agreement silang pinirmahan?
102.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 89 Beses bilang halip
Read
+Library
Vengeance and temptation: married to my ex's enemy

Vengeance and temptation: married to my ex's enemy

May mga tao pa rin pala na ang tanga pagdating sa pag-ibig, mga taong bulag pagdating sa halaga ng isang tao.  “Pumapayag na akong pakasalan ka.”  Sa araw ng pangatlong pagpaparehistro sana ng kasal nila ay muling hindi dumating si Lucas—para lang sa babaeng hindi nito makalimutan ay handa nitong kanselahin ang pagkuha sana nila ng wedding certificate.  Naghintay maghapon si Aeris ngunit walang Lucas na dumating. Kung hindi niya makukuha ang puso ni Lucas at atensyon ay ititigil na niya ang kanyang kahibangan at pag-aaksaya ng panahon sa paghihintay dito. At sa halip magmukmok ay pinili niyang pakasalan ang pinaka-mortal na kaaway ni Lucas—si Max Aaron Vistan Ledesma.  Sa loob lang ng pitong araw ay binigyan siya ni Max na pag isipan ang lahat, ngunit decidido na si Aeris na pakasalan ito, binura na ni Aeris si Lucas sa kanyang buhay. Sinunog niya ang kanilang mga larawan, ibinenta ang kanilang bahay, iniwan ang kanilang studio, at sinira ang wedding dress na pinagawa nito para sa kanya. Sa ikapitong araw, nagpakasal siya kay Max Aaron Vistan Ledesma  at tuluyang naglaho sa mundo ni Lucas. Tsaka lang narealize ni Lucas  ang katotohanan nang makita niyang nasa bisig na ng ibang lalaki si Aeris— Na ang babaeng tunay niyang minahal ay si Aeris at babaeng gusto niyang protektahan. Pero huli na ang lahat.
105.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 156 Beses bilang halip
Read
+Library
Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Contractual Divorce With My Billionaire Husband

Si Celeste Reyes ay ang perpektong asawa—tahimik, masunurin, at tinitiis ang kawalan ng pakialam ng kanyang asawang si Iñigo Samonte. Sa loob ng tatlong taon, naniwala siyang sapat na ang pagmamahal niya para baguhin ang matigas na puso ng bilyonaryo at makuha ang atensyon nito. ​Ngunit sa gabi ng kanilang ikatlong anibersaryo, napatunayan niyang siya ay isang "proxy" lamang. Walang pasabing iniwan siya ni Iñigo sa gitna ng selebrasyon—hindi dahil sa trabaho, kundi para sunduin ang nagbabalik na ex-girlfriend nito. Doon napagtanto ni Celeste na kahit anong pagsilbi niya, hindi kailanman magiging kanya ang pusong nakalaan na sa iba. Wasak at pagod na, ibinigay ni Celeste ang divorce papers. Ngunit sa halip na pirmahan, ginamit ni Iñigo ang impluwensiya nito para ikulong siya sa isang "90-day separation rule." Sa loob ng tatlong buwan, kailangan nilang magpanggap na masaya sa ilalim ng iisang bubong. Ngayong desidido na si Celeste na bumitaw, biglang nakaramdam ng selos si Iñigo nang lumitaw ang kanyang karibal na pinsan upang kunin ang atensyon ng kanyang asawa. Sa gitna ng pagnanasang makuha muli ang loob ni Celeste at ang pait ng kanilang nakaraan, matututunan kaya ni Iñigo na totoong mahalin ang asawa bago maubos ang natitirang mga araw? O huli na ang lahat para sa isang lalaking natututo lang magpahalaga kung kailan mawawala na sa kanya ang lahat?
109.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 213 Beses bilang halip
Read
+Library
Our New Family Doctor is My Ex Husband

Our New Family Doctor is My Ex Husband

Akala ni Jade Naive Guaren-Severa, sapat ang pagmamahal para manatiling buo ang isang relasyon. Akala niya, kaya nilang tuparin ang mga pangako nila—na mamahalin ang isa’t isa sa hirap at ginhawa, habang-buhay. Pero nasaan na ang lahat ng iyon ngayon? Once, she had everything she ever wanted. A loving husband, a happy life, a family they were supposed to build together. Pero ngayon, ang naiwan na lang sa kanya ay sakit, pagkaduda, at mga tanong na walang kasagutan. “Ako ba ang may pagkukulang? Hindi ba ako naging sapat? Mas mahal niya ba talaga ang babaeng ‘yon kaysa sa akin?” The woman who tore their world apart. The woman who pushed Jade down the stairs, causing her miscarriage, yet Azriel, blinded by anger and grief, chose her over Jade. The same woman who stole Azriel's heart and left Jade with nothing but broken promises. Nang muli siyang mabuntis, inisip ni Jade na baka may pag-asa pa. Baka sakaling maayos pa nila ang lahat. Pero imbes na yakapin ang panibagong simula, tinulak siya ni Azriel palayo. Sa halip na lumaban, binigyan siya ng divorce papers at tuluyang iniwan—kasabay ng lahat ng pangakong binitiwan noon. Lumipas ang ilang taon. Akala ni Jade, tuluyan na silang tapos. Hanggang sa muli silang pagtagpuin ng tadhana. Azriel is marrying his mistress, and Jade is hired to design their wedding gown. Ngayon, kailangang harapin ni Jade ang lahat ng nangyari. Handa na ba siyang magpatawad? O huli na ang lahat para bumalik sa dati?
8.312.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 371 Beses bilang halip
Read
+Library
You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon

You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon

Ilang taon nang kasal si Adelaide Rufino sa nag-iisang tagapagmana ng Villareal Group. Sa mata ng lahat, isa siyang masuwerteng asawa. Pero sa loob ng bahay ng mga Villareal, isa lang siyang bisita na hindi kailanman tinanggap. Ginawa niya ang lahat para mapabilang. Nagpakapagod, nagpakasakripisyo, at halos mawala ang sarili, basta lang may mapatunayan sa pamilya ng asawang si Felix Villareal. Hanggang sa isang araw, gumuho ang mundo niya. Nalaman niyang peke ang kasal nila. Hindi siya ang tunay na Mrs. Villareal. Ang pangalan sa likod ng lahat ng papeles ay sa matalik niyang kaibigang si Angela. Mas masakit pa, alam ito ng mga magulang ni Felix mula pa sa simula. At ang dahilan kung bakit hindi siya kailanman tinanggap ay simple at malupit. Hindi siya makapagbigay ng tagapagmana. Baog siya dahil sa isang aksidenteng nangyari habang inililigtas ang lalaking inakala niyang asawa. Sa araw na iyon, nawala ang pagmamahal. Napalitan ito ng pagsisisi. Pero hindi si Adelaide ang babaeng mananatiling nakaluhod sa sakit. Sa halip na magmukmok, gumawa siya ng plano. Isang planong sisira sa mga taong nagnakaw ng tiwala, panahon, at buhay niya. At ang unang hakbang ng kanyang paghihiganti ay ang pagtanggap niya ng kontrata bilang Mrs. Yuchengco. Hindi para magmahal. Kundi para gumanti. Gagawin niya ang lahat, mapagbagsak lang ang mga ito, kahit pa ipagkuno niya ang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala.
9.921.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 652 Beses bilang halip
Read
+Library
Claim Me Harder, Mr. Playboy

Claim Me Harder, Mr. Playboy

Madalas sabihin ng marami na ang mga anak ang nagsisilbing angkla ng buhay ng isang ina. Para kay Catriona Lavender Carias, tumimo sa puso ang paniniwalang iyon mula sa sandaling mapag-isipan niya ito—hanggang sa subukin ng panahon ang kanyang tibay at paninindigan. Dumating ang sandaling kinailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Dahil sa matinding desperasyon, napilitan siyang pasukin ang mundong hindi niya kailanman inakalang kakapitan—ang Dream Fortress, isang lihim na bahay-aliwan kung saan ang mga lalaking may matataas na pangalan sa lipunan ay nagbabayad kapalit ng panandaliang aliw. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang serbisyong minsan niyang ibinigay sa isang estrangherong naging nag-iisa niyang kliyente ay nagbunga ng isang alaala na hindi mabubura ng panahon—isang anak. Pagkalipas ng isang taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Si Trever de Gracia, ang dating kliyente at ang tunay na ama ng kanyang anak, ay muling pumasok sa kanyang buhay—ngunit hindi siya nakilala nito. Sa halip, inalok siya ni Trever ng isang kakaibang trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan, at ang kanyang anak bilang sariling dugo, upang pagselosan ang dating kasintahan nito. Ano ang mararamdaman ni Trever kapag nalaman niyang ang batang inaakala niyang bahagi lamang ng isang palabas ay tunay niyang anak? At paano niya haharapin ang katotohanang ang babaeng inupahan niya noon ay ang inang minahal at isinakripisyo ang lahat para sa kanilang anak?
407 viewsOngoingIdinagdag sa Library 8 Beses bilang halip
Read
+Library
Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”
1019.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 493 Beses bilang halip
Read
+Library
Pleasure Me Uncle Wild (SPG)

Pleasure Me Uncle Wild (SPG)

BABALA: Hindi ito kwento ng tamang pag-ibig. Ito ay kwento ng tukso, init, at bawal na pagnanasa. Rated SPG – Striktong Patnubay at Gabay ng matatanda ang kailangan. May maiinit na eksena, maseselang tagpo, at wild na panunukso na hindi para sa mahihina ang loob. Kung ikaw ay inosente, konserbatibo, o madaling ma-turn on… basa sa sariling pananagutan. Pero kung handa ka sa isang kasalanang hindi mo pagsisisihan... then come closer. Uncle Wild is waiting. ******* Pleasure Me, Uncle Wild An Erotic Romance by [Zairaliyah_dezai] ******* Cheerleader. Campus darling. Girlfriend ng pinakapopular na varsity player sa unibersidad. Sa mata ng lahat, perfect na ang buhay ni Asia—hanggang sa masaksihan niyang mismo ang pagkawasak nito. Sa loob ng madilim at amoy-klorox na banyo ng gym, nakita niya ang pinakamalupit na pagtataksil—ang nobyo niyang si Jasper, nakikipagtalik sa mismong bestfriend niyang si Trista. Punit ang puso, nanginginig ang katawan... pero bago pa man siya tuluyang masiraan ng bait, isang lalaking estranghero ang biglang sumugod sa eksena. Matangkad. Mapanganib. Matipuno. At may tinig na parang kasalanan ang bawat salitang binibitawan. "Uncle Wild!" sigaw ni Jasper. Asia's breath hitched. Sa halip na galit at luha, isang mas matinding init ang gumapang sa kanyang katawan. Sino siya? Bakit ang isang titig lang niya'y parang kayang burahin ang lahat ng sakit? At bakit, sa bawat iglap, tila gusto na niyang isuko ang sarili sa lalaking masyadong bawal... pero masyadong masarap? Handa ka na bang matukso sa lalaking hindi mo dapat ginugustong mahalin? Dahil minsan, ang kasalanan… ay nagsisimula sa isang sulyap. ---
1021.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 490 Beses bilang halip
Read
+Library
Losing My Virginity To A Stranger

Losing My Virginity To A Stranger

Isang gabi. Isang estranghero. Isang pagkakamaling magpapabago sa buong buhay niya. Matapos mahuli ang kanyang fiancé na nagtataksil, tumakas si Alessandra Cruz sa isang pribadong isla upang takasan ang sakit ng kanyang nasirang mga pangarap. Ngunit sa gitna ng isang malakas na bagyo, nakilala niya ang isang misteryosong lalaki—guwapo, malamig, at may mga matang puno ng lihim. Wala silang alam tungkol sa isa't isa. Walang pangalan. Walang pangako. Isang gabi lamang na akala nila ay mananatiling alaala. Ngunit nang mawala ang estranghero kinabukasan, naiwan si Alessandra na may mas mabigat na sorpresa—buntis siya. Desidido siyang harapin ang lahat mag-isa hanggang sa muli niyang makita ang lalaking hindi niya makalimutan. Si Drake Kingston. Ang pinakamakapangyarihang billionaire sa bansa. Arrogante. Dominante. At kilalang walang puso. Ngunit sa halip na tanggapin siya, malamig siyang itinaboy ni Drake at itinangging may nararamdaman para sa kanya. Habang pilit nilang nilalabanan ang matinding atraksyon sa isa't isa, unti-unting nabubunyag ang mga sikretong mag-uugnay sa kanilang mga pamilya sa isang madilim na nakaraan. Sa pagitan ng kapangyarihan, kasinungalingan, selos, at pagtataksil, kailangang ipaglaban ni Alessandra hindi lamang ang kanyang puso kundi pati ang kinabukasan ng kanyang anak. Ngunit paano kung ang lalaking sumira sa kanyang puso ang siya ring tanging lalaking kayang buuin ito muli? At paano kung ang isang gabing nagsimula bilang pagkakamali ay nakatakdang maging pinakamapanganib at pinakamatinding pag-ibig ng kanilang buhay? Minsan, ang estrangherong hindi mo dapat minahal... ang siya palang nakatakdang maging iyong tadhana.
10889 viewsOngoingIdinagdag sa Library 31 Beses bilang halip
Read
+Library
Divorce is not an option, Mrs. Lombardi

Divorce is not an option, Mrs. Lombardi

Pitong taon ang inaksaya sa kanyang buhay ni Gailyn Espinoza upang piliin lang na manatili sa tabi ng kanyang asawang si Leon Lombardi. Hindi dahil sa may anak sila kung hindi dahil naniniwala siyang hindi magtatagal ay makikita rin ng asawa ang halaga niya. Subalit taliwas at hindi iyon ang nangyari dahil biglang nahulog ang lalaki sa ibang babae na harap-harapang pinakita niya kay Gailyn.  Sa mismong araw ng kaarawan niya ay piniling umuwi ng Isla ni Gailyn upang makasama ang kanyang mag-ama na doon nakatira, ngunit sa halip na salubungin ng mainit na pagbati at yakap, isang malutong na sampal ng katotohanan ang natuklasan. Ito ang naging wake up call kay Gailyn para magising. Sawang-sawa na siya sa paulit-ulit na pagtitiis kaya sa araw na iyon ay naging buo ang desisyon ni Gailyn na palayain na ang kanyang asawa. She drafted divorce papers, signed away custody of their son, and walked away without a backward glance. Returning to her career, Gailyn chose to silently build a fortune for herself. Sa puntong ito ay sarili naman niya ang uunahing piliin bukod sa mga nagpapasakit sa kanya. Kung kailan handa na ang puso, katawan at kaluluwa ni Gailyn na makipaghiwalay saka naman noon bumaliktad ang ikot ng mundo. Tila nagising siya sa matagal na niyang pangarap dahil ang mag-ama niyang ayaw sa kanya noon ngayon ay humahabol na. “Divorce is not an option, Mrs. Lombardi. Kailanman ay hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Hindi kita hihiwalayan. Walang sinuman ang makakapalit sa papel mo bilang ina sa buhay ng ating anak.”
1019.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 495 Beses bilang halip
Read
+Library
PREV
1
...
91011121314
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status