登入Si Celeste Reyes ay ang perpektong asawa—tahimik, masunurin, at tinitiis ang kawalan ng pakialam ng kanyang asawang si Iñigo Samonte. Sa loob ng tatlong taon, naniwala siyang sapat na ang pagmamahal niya para baguhin ang matigas na puso ng bilyonaryo at makuha ang atensyon nito. Ngunit sa gabi ng kanilang ikatlong anibersaryo, napatunayan niyang siya ay isang "proxy" lamang. Walang pasabing iniwan siya ni Iñigo sa gitna ng selebrasyon—hindi dahil sa trabaho, kundi para sunduin ang nagbabalik na ex-girlfriend nito. Doon napagtanto ni Celeste na kahit anong pagsilbi niya, hindi kailanman magiging kanya ang pusong nakalaan na sa iba. Wasak at pagod na, ibinigay ni Celeste ang divorce papers. Ngunit sa halip na pirmahan, ginamit ni Iñigo ang impluwensiya nito para ikulong siya sa isang "90-day separation rule." Sa loob ng tatlong buwan, kailangan nilang magpanggap na masaya sa ilalim ng iisang bubong. Ngayong desidido na si Celeste na bumitaw, biglang nakaramdam ng selos si Iñigo nang lumitaw ang kanyang karibal na pinsan upang kunin ang atensyon ng kanyang asawa. Sa gitna ng pagnanasang makuha muli ang loob ni Celeste at ang pait ng kanilang nakaraan, matututunan kaya ni Iñigo na totoong mahalin ang asawa bago maubos ang natitirang mga araw? O huli na ang lahat para sa isang lalaking natututo lang magpahalaga kung kailan mawawala na sa kanya ang lahat?
查看更多Celeste Reyes POV
Malamig na ang steak na nasa harap ko. Ang mamahaling red wine na binuksan ko kaninang alas-otso ay kalahati na lang, hindi dahil nag-ce-celebrate ako, kundi dahil kailangan ko ng pampakalma. Ikatlong anibersaryo namin ngayon ni Iñigo Samonte. Tatlong taon na akong nakatali sa lalakeng pinapangarap ng lahat, pero tila isang magandang dekorasyon lang ako sa buhay niya. Tiningnan ko ang digital clock sa dingding. 11:45 PM. Labinlimang minuto na lang at matatapos na ang espesyal na araw na ito, pero ang tanging kasama ko ay ang katahimikan ng malawak naming dining hall. Narinig ko ang pag-ugong ng makina ng sasakyan sa labas. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at pumasok si Iñigo. Kahit pagod at medyo gulo ang buhok, hindi maitatago ang kisig niya. Ang itim niyang suit ay bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, pero hindi ang amoy niya ang unang sumalubong sa akin—kundi ang amoy ng pamilyar na pabango ng babae. "You're late," mahina kong sabi, sinusubukang panatilihing kalmado ang boses ko. Hindi siya tumingin sa akin. Inilapag niya ang kanyang briefcase sa couch. "I had a meeting, Celeste. Don't start." "Meeting?" Tumayo ako, ramdam ko ang init ng alak sa aking sistema. "Meeting ba ang tawag sa pagsundo kay Cassandra sa airport? Nakita ko ang post ng mga kaibigan niya, Iñigo. She’s back. At ikaw ang sumalubong sa kanya." Dito na siya lumingon. Ang kanyang madidilim na mata ay tumitig sa akin nang walang kahit anong emosyon. "She needed a ride. Her family wasn't available. It’s not a big deal." "Not a big deal?" Natawa ako nang mapait. "Anibersaryo natin ngayon! Tatlong taon, Iñigo! Pero mas pinili mong samahan ang babaeng nang-iwan sa’yo kaysa umuwi sa asawa mo?" "Dahil alam kong nandito ka lang naman!" bigla niyang bulyaw, ang boses niya ay gumaralgal sa galit. "Cassandra needed me. Ikaw, puro ka lang naman reklamo. Akala ko ba malinaw sa atin ang lahat bago tayo nagpakasal? This is a partnership, Celeste. Business. Don't act like a heartbroken teenager." Parang sinampal ako sa sinabi niya. Oo, business arrangement ang simula namin, pero ibinigay ko ang lahat. Ang oras ko, ang career ko, at ang puso ko. Pero para sa kanya, isa lang akong obligasyon na kailangang uwian. Lumapit siya sa akin. Ang bawat hakbang niya ay nagpapaliit ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Huminto siya sa harap ko, sapat na para maramdaman ko ang init na nanggagaling sa katawan niya. Ang matangkad niyang pigura ay halos matabunan ako. "Look at you," bulong niya, ang boses niya ay biglang naging paos. "Nag-aabang ka na naman ba ng atensyon ko? Ginagawa mo ba 'to para mapansin kita?" Hinawakan niya ang baba ko, pinilit akong tumingin sa kanya. Ang galit sa mga mata ko ay unti-unting napalitan ng pamilyar na kaba. Iyon ang epekto niya sa akin. Isang hawak lang, tila nalulusaw ang lahat ng pride ko. "Bitawan mo ako, Iñigo," pagmamatigas ko, pero traydor ang katawan ko dahil mas lalo akong uminit sa haplos niya. "Bakit? Hindi ba ito ang gusto mo?" Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa labi niya. "Kaya ka nagsuot ng manipis na silk dress na 'yan, 'di ba? Para akitin ako? Para makalimutan ko na mas gusto kong kasama ang ibang tao?" Masakit. Sobrang sakit ng bawat salita niya. Pero bago ko pa siya masampal, marahas niyang nilapat ang kanyang mga labi sa akin. Hindi ito ang halik na mapagmahal. Ito ay halik ng pagpaparusa. Isang halik na puno ng galit at pagnanasa na hindi ko mapigilan. Binuhat niya ako nang parang wala akong bigat habang ang aming mga labi ay nananatiling magkadikit. Dinala niya ako sa itaas, sa aming kuwarto na saksi sa lahat ng gabi ng pagpapanggap namin. Ibinagsak niya ako sa kama at agad na sumunod sa ibabaw ko. Sa loob ng kuwartong iyon, tanging ang tunog lang ng aming mabilis na paghinga at ang pagkiskis ng balat ang naririnig. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko sa itaas ng ulo ko, tinititigan ako habang unti-unti niyang tinatanggal ang harang sa pagitan namin. Sa bawat dampi ng kanyang mainit na palad sa aking hita, ramdam ko ang tensyong kayang lumusaw sa aming dalawa. "You're mine, Celeste," bulong niya sa tainga ko, ang kanyang hininga ay nagpadala ng kuryente sa buong katawan ko. "Kahit anong galit mo, sa akin ka pa rin uuwi." Hindi ako sumagot. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang bawat haplos niya. Alam ko ang laro niya. Gagamitin niya ang katawan ko para patahimikin ang isip ko. Gagamitin niya ang pisikal na koneksyon para hindi ko siya iwan. At ang nakakainis pa, hinayaan ko siya. Isang mahaba at mainit na gabi ang sumunod—puno ng ungol at pawis, pero walang kahit anong salita ng pagmamahal. Madaling araw na nang matapos ang lahat. Nakatalikod si Iñigo sa akin, ang malalim niyang paghinga ay senyales na nakatulog na siya nang mahimbing. Doon ko hinayaang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tiningnan ko ang likod niya. Napakatikas, napakalakas, pero hinding-hindi ko maaabot. Ang init na naramdaman ko kanina ay mabilis na napalitan ng matinding lamig. Hindi ko na kayang maging panakip-butas lang ni Cassandra. Hindi ko na kayang maging pampalipas-oras lang niya kapag bored siya. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Kinuha ko ang aking robe at naglakad patungo sa maliit na desk sa sulok ng kwarto. Binuksan ko ang drawer at kumuha ng isang pirasong papel at ballpen. Nanginginig ang kamay ko habang sinusulat ang mga salitang tatapos sa tatlong taon ng paghihirap ko. Walang mabulaklak na salita. Walang mahabang paliwanag. "I want a divorce. Let's end this, Iñigo."Kaelan POV Sira pa rin ang aircon ng truck ko kaya nakababa ang bintana habang pabalik kami sa farm. Mainit ang hangin sa daan, pero sanay naman ako. Tumingin ako sandali sa rear-view mirror. Sa backseat, magkatabi sina Iñigo at Celeste. Si Lucas naman ay bagsak na ang antok sa kandungan ng mommy niya, habang si Iñigo ay dahan-dahang hinahaplos ang maliit na paa ng bata para hindi ito magising sa mga tagtag ng daan. Napailing ako nang mahina habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. Kung may nagbago man nang todo sa islang 'to nitong nakaraang taon, hindi 'yung mga kalsada o 'yung library—kundi 'yung lalakeng nakaupo sa likod ko ngayon. Naalala ko pa noong unang araw na dinala ni Celeste si Iñigo rito sa probinsya. Putangina, akala mo kung sinong hari na naligaw sa gubat. Suot 'yung mamahaling polo shirt, sapatos na halatang hindi pa nakakatapak sa putik, at 'yung mukha niyang parang laging naluluha sa amoy ng pataba sa lupa. Noong unang gabi na nagka-inuman kami kasama si Mateo, p
Celeste Reyes POVMabilis na lumipas ang mga araw matapos ang unang Sabado ng reading program. Kung akala ko ay mababawasan ang trabaho namin ngayong bukas na ang center, nagkamali ako. Mas lalo kaming naging abala dahil bukod sa pag-asikaso kay Lucas at sa pagpapatakbo ng farm kasama si Mateo, kailangan na rin naming harapin ang susunod na malaking event sa pamilya—ang binyag ng anak namin.Lunes ng umaga, nakaupo ako sa hapag-kainan habang hawak ang isang baso ng gatas. Si Lucas ay nasa bouncer niya sa tabi ko, mahinahong naglalaro sa kanyang sariling mga kamay. Sa harap ko naman, nakabukas ang isang lumang planner kung saan sinusubukan kong i-set ang mga posibleng petsa para sa susunod na buwan."Maria, ubusin mo muna 'yang gatas mo bago ka mag-isip nang malalim dyan," sita sa akin ni Mateo habang inilalapag ang isang plato ng bagong lutong pandesal sa gitna ng lamesa. "Kanina ka pa nakatitig sa kalendaryo. May problema ba sa mga araw?""Wala naman po, Mateo. Tinitignan ko lang kun
Iñigo POV Alas-sais na ng gabi pero ramdam ko pa rin ang pagod sa mga binti ko mula sa maghapong pagtakbo sa center. Naupo ako sa mahabang wooden bench sa veranda ng main house, pinapanood ang dahan-dahang pagkulay-ube ng langit sa ibabaw ng lawa. Si Lucas ay mahimbing nang natutulog sa loob, pagod din yata sa pakikinig sa ingay ng mga bata kanina. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng aking khaki shorts. Pagbukas ko ng screen, sumalubong sa akin ang labing-dalawang missed calls mula sa Manila office at ilang sunod-sunod na emails tungkol sa isang naudlot na property acquisition sa Makati. Tinitigan ko lang ang mga notification. Isang taon o buwan lang ang nakalipas, sigurado akong magpapanic na ako kapag nakakita ako ng ganito karaming unread messages. Baka kanina ko pa sinisigawan ang secretary ko o kaya ay nagpapa-book na ako ng unang flight pabalik ng Maynila. Ganoon ang buhay ko noon—bawat segundo ay may katumbas na pera, bawat tao ay kailangang may pakinabang, at ang tagump
Celeste Reyes POVAlas-siyete pa lang ng umaga, gising na gising na ang buong farm. May kakaibang energy sa hangin ngayon, 'yung tipong alam mong may malaking mangyayari pero hindi mo alam kung maiiyak ka ba sa excitement o sa kaba. Bitbit ko si Lucas na mahimbing pang natutulog sa carrier, bumaba ako sa kusina para tignan kung anong lagay doon."Dahan-dahan ang apoy, Iñigo! Baka masunog ang ilalim, mahirap tanggalin ang amoy-sunog sa champorado," marinig kong utos ni Mateo mula sa labas ng dirty kitchen.Sumunod ako sa ingay at doon ko nakita si Iñigo. Suot ang isang lumang jersey shirt at may nakasabit na tuwalya sa leeg, seryosong-seryoso siya sa pag-halo ng isang dambuhalang kaldero gamit ang kahoy na sandok. Pawisan na siya kahit maaga pa, at ang mukha niya ay parang nakatutok sa isang multi-million dollar business proposal.Naisip ko tuloy kung paano kami nagsimula. Kung may nagsabi sa akin noon sa Makati na ang isang Iñigo Samonte ay tatayo sa harap ng nagbabagang kalan sa isan
Celeste Reyes POV Maaliwalas ang gabi. Pagkatapos ng hapunan, dinala namin si Lucas sa sala para doon magpalipas ng oras bago matulog. Nakalatag ang isang makapal na comforter sa sahig kung saan nakadapa ang anak namin, sinusubukang abutin ang isang makulay na rubber blocks na binili ni Iñigo sa b
Celeste Reyes POV Nakaalis na sina Iñigo at Kaelan papuntang library bitbit ang mga bagong sako ng libro. Naiwan ang main house sa nakabibinging katahimikan na bihirang mangyari nitong mga nakaraang buwan. Katatapos lang dumedede ni Lucas at ngayon ay mahimbing na siyang natutulog sa kanyang bassi
Iñigo POV Alas-singko pa lang ng umaga, gising na ako. Hindi dahil sa alarm clock kundi dahil sa maliit na sipa at ungol na narinig ko mula sa tabi ng kama namin. Nang lumingon ako, nakita ko si Lucas na nakadilat na ang malalaking mata, nakataas ang dalawang kamay habang sinisipa ang kanyang kumo
Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay ramdam na ang excitement at tensyon sa loob ng main house. Halos hindi mapakali si Iñigo sa pag-aayos ng mga throw pillows sa sofa, habang si Mateo naman ay kanina pa pabalik-balik sa kusina para siguraduhing perpekto ang nakahandang tanghalian. "Iñigo, relax. H












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
評論更多