SWEET PUNISHMENT
pahabol pa niya pero hindi ko na lamang siya pinansin at mabilis kong tinungo ang kotse.
"Blaggggg...."
Hinampas ko ng malakas ang manibela at tahimik na umiyak. Bakit ba ang malas-malas ko? Para ngang ayaw na sa akin ng mundo.
Wala nang pagmamahal sakin si Dwayne, kahit kailan ay hindi ko makukuha ang kapatawaran mula kay Allison, Itinakwil ako ng totoo kong nanay, wala na rin ang tatay na nagsilbing kakampi ko sa lahat. Wala kong kaibigan dahil tingin sa akin ng lahat, maarte, bitch, malandi at kung ano-ano pang tawag nila.