Trapped by the Governor
Si Karolina Korkova ay isang single mother na nagtatrabaho bilang stripper, handang gawin ang lahat para mabuhay ang dalawa niyang anak. Ngunit nang ma-diagnose ng cancer ang kanyang bunsong anak, hindi na niya kayang tustusan ang lumalaking gastusin sa pagpapagamot. Sa desperasyon, tinanggap niya ang isang VIP invitation para mag-perform sa harap ng makapangyarihang Gobernador ng Puerto Rosario, sa paniniwalang iyon na ang huling pag-asa ng kanyang pamilya.
Pero ang akala niyang simpleng trabaho lang ay nauwi sa bangungot.
Hindi sinasadyang nasaksihan ni Karolina si Governor Alejandro Volkov Delgado na walang awang pumatay ng isang lalaki sa loob ng kanyang mansyon. At para mailigtas ang sarili at mapagamot ang kanyang anak, napilitan siyang tanggapin ang alok ng gobernador—isang contract marriage.
Kapalit ng kasal, sasagutin ni Alejandro ang pagpapagamot ng anak ni Karolina, poprotektahan ang kanyang pamilya, at ibibigay ang buhay na hindi niya kailanman naisip na mararanasan, as long as she remains the obedient wife he demands.
Ngunit habang tumatagal, ang kasalang nagsimula sa takot at pamimilit ay nauwi sa isang mapanganib na obsession. At sa likod ng malamig at malupit na gobernador ay isang lalaking handang sunugin ang buong mundo para sa babaeng tinatawag niyang asawa.
Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, dugo, at mga lihim... may pag-asa pa bang mabuhay ang pag-ibig kung nagsimula ito sa isang controlling at abusive na relasyon?
Hot Chapters