Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa likod ng inosenteng mukha at mahinhin na kilos ni Diana Ross Lynch ay isang madilim na katotohanan siya ay si Ms.Goat. ang pinakamatapang na assassin ng isang lihim na organisasyon. Ngunit sa isang misyong nagkaproblema, napilitan siyang magtago sa ilalim ng isang bagong pagkakakilanlan. Ang paraan ng kanyang pagtatago? Ang maging asawa ng pinakamakapangyarihan at pinakamabangis na bilyonaryo sa bansa si Tyrone Zyrtec Glad. Para kay Tyrone, si Diana ay isang mahinang babaeng nakuha niya mula sa isang business deal. Siya ang kanyang "Unexpected Mrs." Isang pag-aari na maaari niyang kontrolin. Bilang isang ruthless billionaire, sanay si Tyrone na lahat ay sumusunod sa kanya. Hindi niya alam na ang babaeng inaakala niyang kailangang protektahan ay kaya siyang patayin sa loob lamang ng ilang segundo. Ang kanilang pagsasama ay naging isang mapanganib na laro ng pusa at daga. Habang ipinapakita ni Tyrone ang kanyang pagiging possessive at malupit, palihim namang tinatapos ni Diana ang kanyang mga misyon sa gabi. Ngunit habang tumatagal, ang pader na itinayo ni Diana ay dahan-dahang gumuguho. Ang bawat haplos ni Tyrone ay may hatid na kuryenteng hindi niya dapat nararamdaman, at ang obsesyon ng lalaki ay nagsisimulang maging totoo. Ngunit paano kung matuklasan ng isang Tyrone Zyrtec Glad na ang kanyang mahinang asawa ay ang assassin na inutusan ding pumatay sa kanya? Sa mundong puno ng kasinungalingan, ang pag-ibig ay isang lason na walang lunas. Sino ang mas nakamamatay ang bilyonaryong walang puso, o ang asawang may hawak na patalim sa likod ng kanyang mga yakap? Dito magsisimula ang totoong gulo, dahil sa oras na malaman ni Tyrone ang lihim ni Diana, sisiguraduhin niyang walang sinuman ang makakaagaw sa kanyang nakamamatay na Mrs.
158 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as maaari
Read
+Library
Love's Desire

Love's Desire

Anastasia Celeste Montano — a secretive, manipulative, and ambitious wife of the number one business tycoon in the country — Frederick Maxwell Dominguez. Dahil sa kagustuhang umangat at makaahon sa kahirapan ay nagawang akitin ni Anastasia ang nag-iisang tagapagmana ng KeyStone Legacy Builder — isang kumpanya na siyang nangunguna sa bansa pagdating sa construction supplies. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia ay hindi lamang pala siya ang nagmamanipula sa mga nangyayari. Dahil sa kagustuhan ni Frederick na magustuhan ng ama at maipamana sa kanya nang tuluyan ang kumpanya ay pumayag siyang maikasal kay Anastasia kahit hindi niya naman talaga mahal ito, sa kadahilanang ang angkin nitong talino at galing sa lahat ng bagay ay lubos na makakatulong sa kanyang sariling pag-angat. Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob nina Frederick at Anastasia sa isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagpapanggap at lihim na kanilang itinatago sa bawat isa. Ngunit walang kasinungalingan ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Frederick at ng kanyang pamilya na si Anastasia ay hindi pala nagmula sa mayamang pamilya dahilan upang kamuhian siya ng mga ito dahil sa kanyang ginawang panloloko, lalo na ng ina ni Fred na isang matapobre. At hindi rin nakaligtas ang pagbunyag ng isang sikretong tuluyang nakasira sa kanila. Nalaman ni Anastasia na ang nakababatang kapatid ni Frederick ay anak pala nito sa unang kasintahan. Naging sanhi ito ng kanilang paghihiwalay. Ngunit dahil sa tagal nilang naging magkasama ay napalapit na pala ang loob ng ina ni Fred kay Anastasia kung kaya’t siya mismo ang nagpumilit na makipagbalikan ang kanyang anak sa asawa nito. Maaari pa kayang maibalik ang relasyong nasira? O tuluyan na itong mawawala?
10449 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as maaari
Read
+Library
Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Matagal nang engaged si Maria Cassandra Tolentino sa kanyang fiancé na si Leon Hernandez, ngunit kahit ganoon ay wala pa rin silang napag-uusapan na plano para sa kasal. Nang hindi makatiis si Cassandra, sinugod niya ang fiancé sa opisina nito. Laking gulat niya nang makita niya itong kahalikan ang kaibigan nitong babae na pinagseselosan niya sa buong relasyon nila. Ang akala niyang tapat at tunay na pag-ibig nilang dalawa ay isang malaking kasinungalingan lang pala. Ginamit lang siya ni Leon para makuha ang approval ng magulang nito sa lahat sapagkat galing sa mayamang pamilya si Cassandra. Ginamit niya lang si Cassandra para makuha ang lahat ng gusto nito. Umiiyak at nasaktan si Cassandra. Gusto niyang maghiganti ngunit hindi niya alam ang gagawin. Niloko na siya at pinahiya. Nagawa pa rin ni Leon na paniwalain ang mga magulang ni Cassandra na ang dalaga ang nagloko sa kanilang dalawa. Dahil doon ay naglayas siya at nagpunta sa isang kilalang isla kung saan napupunta ang karamihan upang magsaya at makalimot. Doon niya nakilala si Theodore Gio Hernandez. Gwapo, matangkad, at mayaman ito, ngunit matanda ito ng sampung taon sa kanya, ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang makalimot, kaya nakipagtalik siya rito. Nang may mangyari sa kanila ay saka niya nalaman na tiyuhin ito ni Leon. Dahil doon, nakaisip siya ng paraan kung paano makakapaghiganti kay Leon nang hindi nagmamalupit. Inaya niya sa isang kasal si Theo para ipamukha kay Leon na hindi ito kawalan. Pumayag si Theo sa kadahilanang kailangan niya rin ng asawa para makuha ang mana na mapupunta sana kay Leon kung mauunahan siya nito sa pagpapakasal. Magiging mag-asawa lamang sila sa papel at magkakasundo pagdating sa kama sa tuwing gusto nila, ngunit maaari kayang buksan muli ni Cassandra ang puso sa pamilya ng taong sumira sa buhay at tiwala niya?
10450 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as maaari
Read
+Library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
1018.8K viewsOngoingAdded to Library 715 Times as maaari
Read
+Library
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
1037.5K viewsCompletedAdded to Library 936 Times as maaari
Read
+Library
Billionaire Marry Me For A Bet

Billionaire Marry Me For A Bet

Nagsimula ang lahat sa isang taya, isang pustahan na ginawa ni Stanford Guzman sa kanyang dating kasintahan, isang pustahan na nagpapahintulot kay Veronica Montenegro na pakasalan ang kanyang lihim na pag-ibig. Naisip ni Stanford na palagi siyang mananalo ngunit hindi inaasahan, na ang pagkawala ni Veronica ang magiging pinakamalaking pagsisisi niya. Nakahiga pa rin ako sa kama, hubo't hubad, na may mga marka sa buong katawan ko, nang binitawan niya ang malamig na mga salitang iyon, "Melissa Johnson is back. I want a divorce." Nagulat ako kung gaano siya ka-callus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Makakalimutan ba niya si Melissa at ipagpapatuloy ang kasal na ito kung sasabihin ko sa kanya? "Malinaw na nakasaad sa kontrata na maaari nating tapusin ang kasal na ito kung hindi tayo magmamahalan sa isa't isa sa loob ng isang taon. Hindi kita mahal, Veronica. You failed to win my heart." Walang emosyon niyang sinabi ang mga salitang iyon, nakatingin sa mga mata ko. Naiintindihan ko na hinding-hindi ko mapapalitan si Melissa sa puso niya, kaya nagpasiya akong ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko. "Maghiwalay na tayo," sabi ko Naisip ni Veronica na mabubuhay siya nang masaya kasama ang kanyang sanggol na malayo kay Stanford at sa kanyang malamig at walang pusong mundo. Ngunit gumawa na ng ibang plano ang tadhana para sa kanya. Sa huli ay tumawid siya sa kanyang landas. "Naglakas-loob kang itago sa akin ang anak ko. Ngayon humanda ka sa mga kahihinatnan." Nang muling lumitaw si Stanford sa buhay ni Veronica, naging buhawi ng kaguluhan ang lahat. Paano niya ilalayo ang kanyang sarili at ang kanyang anak sa kanya? Maililigtas kaya niya ang sarili na hindi na muling masaktan?
212.9K viewsCompletedAdded to Library 296 Times as maaari
Read
+Library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status