One Hundred Billion Pesos Baby
Sa kamay ni Marion, naroon ang tablet kung saan niya pwedeng makita nang mabuti ang bawat anggulo ng mga damit.
Halos isang oras at kalahati ang lumipas habang naroon sila sa loob. Nasa tatlumpung mga damit ang sinuot at hinubad ng mag-ama kaya halos lumawit na ang dila ng mga ito kakalabas-pasok sa fitting room. Nang matapos ang lahat ng pamimili ni Marion ng damit, inakala ng mag-ama na tapos na ang kalbaryo ng mga ito.
“Hindi pa tayo tapos. Kailangan pa nating bumili ng mga accessories, lalo na ‘yong para kay Eclaire. Kahit nga relo o necktie para sa iyo, hindi pa rin tayo nakakabili.”
الفصول الرائجة