Pregnant with My Possessive CEO Husband
Nakatakda nang hiwalayan ni Klaire ang asawa niya nang malaman niyang bumalik na ang kaniyang kapatid, ang ex girlfriend ng kaniyang asawa na si Ethan. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama, alam niyang ni kailan man ay hindi siya minahal ni Ethan Roswell, pinakasalan lamang siya nito dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya.
Ngunit ngayong handa na siyang magparaya, nalaman niyang nagdadalang tao siya!
Anong pipiliin ni Klaire?
Ang manatili para mabigyan ng kumpletong pamilya ang magiging anak nila? O hiwalayan ang asawa para magpaubaya sa kaniyang kapatid?
Pero ang tanong, papayag ba si Ethan Roswell na hiwalayan siya nito ngayong alam niya nang nagdadalang tao siya?