Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss
Apat na taon na nagmahalan si Sariah Marie Quiambao at si Zayne Benj Suarez.
Mula sa pagiging magkaklase sa kolehiyo hanggang sa pagiging mag-asawa, akala nila ay sapat na ang pagmamahalan para malampasan ang kahit anong pagsubok.
Pero dalawang taon matapos ang kasal nila, si Sariah mismo ang humiling ng divorce sa lalaki.
"Isang linggo lang akong nawala, hiwalayan agad ang gusto mo?" masakit na tanong ni Zayne.
"Hindi na kita mahal," malamig na sagot ni Sariah. "Nagsawa na ako. At isa pa... wala kang pera."
Sa huli, pinakawalan ni Zayne ang babaeng pinakamamahal niya at tuluyan silang nagkanya-kanyang landas.
Pagkaraan ng apat na taon, muling nagtagpo ang dalawa sa paraang hindi inaasahan ni Sariah.
Ang dating lalaking pinili niyang iwan ay isa na ngayong bilyonaryong negosyante. Mas masakit pa rito? Binili ni Zayne ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. At mula sa pagiging ex-husband... naging boss niya ito.
Inihanda na ni Sariah ang sarili para sa paghihiganti. Para sa mga masasakit na salita. Para sa lahat ng sama ng loob na maaaring itinanim niya noon.
Ngunit sa bawat pagkakataong inaasahan niyang pababagsakin siya ni Zayne, ito pa ang lihim na nagpoprotekta sa kanya. Sa bawat pangarap na matagal na niyang binitiwan, si Zayne ang tahimik na tumutupad. At sa bawat hakbang na ginagawa niya para lumayo, mas lalo siyang hinihila ng lalaking akala niyang matagal nang tumigil sa pagmamahal sa kanya.
Hanggang sa isang gabi, nang akalain niyang pansamantalang kasunduan lang ang namamagitan sa kanila, isang bagay ang nagpayanig sa buong mundo niya.
Dahil hindi pala pagbabayad ng utang o paghihiganti ang pakay ni Zayne…
Mula pa noong araw na iniwan ni Sariah si Zayne, iisa lang ang plano ng lalaki, ang bawiin ang Ex-Wife at ikulong sa mga bisig niya.
At sa pagkakataong ito, hindi na niya ito pakakawalan.