Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
755 viewsOngoingIdinagdag sa Library 18 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?

Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?

Sa araw na dapat sana'y pinakamasaya para kay Professor, Maya Trinidad, doon mismo winasak ang puso niya. Sa harap ng buong bansa, nasaksihan niya ang pagtataksil ng nobyo niyang si Kenji Sandoval, isang sikat na race car driver, ang ka-trabaho matapos manalo sa Grand Apex International Cup. Habang pilit niyang tinatakasan ang kahihiyan, aksidente siyang napadpad sa pribadong locker room ng malamig at aroganteng si Nikolai Sandoval—ang nakatatandang kapatid ni Kenji at kilalang "King of the Track." Sa unang pagkikita pa lang nila, nagbanggaan na ang kanilang mga personalidad. Akala ni Nikolai isa lamang siyang babaeng habol ang pera, habang para kay Maya, isa itong mayabang at walang pusong bilyonaryo. Ngunit isang hindi inaasahang pagkakataon ang magdudugtong sa kanilang dalawa. Ang munting si Tala Sandoval, ang makulit ngunit malungkot na anak ni Nikolai, na agad nagdesisyong si Maya ang gusto niyang maging bagong mommy. Mula sa isang simpleng pagkikita, nauwi ito sa isang nakakagulat na marriage proposal. Ngunit paano tatanggapin ni Maya ang alok ng lalaking naniniwalang lahat ay kayang bilhin ng pera? At paano kung ang pekeng relasyon na nagsimula dahil sa isang bata ay unti-unting maging totoo? Sa mundo ng karera, kayamanan, at mga lihim ng pamilya Sandoval, kaya bang lampasan nina Maya at Nikolai ang kanilang mga sugat sa nakaraan upang matagpuan ang totoong finish line ng pag-ibig?
103.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 140 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
The Mafia Boss and His Muse

The Mafia Boss and His Muse

"The Mafia Boss and His Muse" Si Ysabella Fuentes ay isang ambisyosong babae na handang gawin ang lahat upang maiahon ang sarili at pamilya mula sa kahirapan. Nang matanggap siya bilang personal secretary ni Zachariel Ezekiel Montenegro, ang misteryosong CEO ng Montenegro Industries, hindi niya inaasahan na mabubuksan ang pinto ng isang madilim at mapanganib na mundo. Si Zachariel ay hindi lamang isang makapangyarihang negosyante—siya rin ang pinuno ng pinakamalaking sindikato sa bansa, ang Montenegro Mafia. Sa kabila ng kanyang malamig na ugali at walang-awang reputasyon, natagpuan ni Bella ang isang lalaking puno ng sugat mula sa kanyang nakaraan, naghahanap ng dahilan upang muling magtiwala at magmahal. Habang nalalapit ang dalawa sa isa’t isa, unti-unting nalantad ang mga lihim na bumabalot sa buhay ni Zachariel, at si Bella ay naipit sa gitna ng alitan ng kapangyarihan, taksil na alyado, at mga kalabang walang awa. Ang kanilang pagmamahalan ay sinubok ng panganib at pagdududa—isang relasyon na maaaring magdulot ng kaligtasan o kapahamakan. Sa gitna ng baril, dugo, at pag-iibigan, mapapatunayan ba ni Bella na siya ang muse na magpapabago sa takbo ng madilim na mundo ni Zachariel? O masisira ang kanilang relasyon dahil sa mga lihim na hindi kayang takasan ng Mafia Boss? "The Mafia Boss and His Muse" ay kwento ng laban para sa pagmamahal, pagtitiwala, at pag-asa sa kabila ng dilim at panganib.
1.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 27 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
Trapped With The Crippled Billionaire

Trapped With The Crippled Billionaire

Limang taon ang lumipas mula nang magkalamat ang pangako nilang panghabambuhay—pag-ibig na nauwi sa paglayo at pagdurusa. Ngayon, muli silang nagtagpo. Mapapawi kaya ng panahon ang sakit ng nakaraan, o mananatili itong sugat na hindi na maghihilom? Para kay Angela, tapos na ang kanilang kwento, kwentong ayaw na niyang balikan pa. Pero para sa bilyonaryo, “As long as it’s you, there will be more chances.”
109.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 287 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)

My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)

Tatlong taon kong binuhat ang sumpa ng pagiging baog, ang lamig ng kama, at ang unti-unting paglayo ng asawang si Nathaniel. At sa araw na binigyan ako ng Diyos ng himala—isang dalawang pulang guhit—doon din gumuho ang aking mundo. Nahuli ko siya sa piling ng iba. Sa isang iglap, dahil sa selos at karahasan ng kanyang kalaguyo, dumanak ang dugo sa semento. Nalaglag ang aking anak. Ang masakit, sa harap ng aking pagluluksa, mas pinili ni Nathaniel na kampihan at protektahan ang babaeng pumatay sa aming supling kaysa sa akin. Tumakas ako. Lumipad patongong ibang bansa dala ang sirang kaluluwa, walang kamalay-malay na may kambal palang natira sa aking sinapupunan. Pitong taon ko silang itinago. Pitong taon kong pinalaki ang galit upang bumalik at durugin ang kumpanya ni Nathaniel. Gusto ko siyang makitang gumapang sa putik. Ngunit kung kailan dapa na siya at handa ko nang isaksak ang huling higanti, doon ko natuklasan ang pinakamalupit na biro ng tadhana: ang tatlong taong kataksilan niya ay ang tanging paraan upang iligtas ang aking pamilya mula sa mga halimaw. Hinayaan niyang kamuhian ko siya, hinayaan niyang mamatay ang sarili sa pangungulila sa isang pekeng puntod na iniyakan niya gabi-gabi, bastat manatili lang akong ligtas. Paano ko bubuhayin ang lalaking pinatay ko sa sarili kong mga kamay, ngayong alam ko nang ako ang dahilan ng lahat ng kanyang sugat?
102.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 101 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?
428 viewsOngoingIdinagdag sa Library 14 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
Reviving Our Scars

Reviving Our Scars

ALIYA, isang babaeng may hindi magandang karanasan. Ramdam niyang siya na ang pinakamalas na tao sa mundo. Simula nang mawala ang kaniyang mga magulang ay naging mag-isa na lang siya sa buhay. DEAN GAVIN, katulad ni Aliya, may hindi rin itong magandang karanasan. Ngayon ay natatakot na siyang magmahal dahil lahat ng taong minamahal niya ay nawawala. Magagamot pa kaya nila pareho ang isa't-isa? Magagamot pa ba ang mga sugat na dulot ng kanilang nakaraan?
5.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 150 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
A Mistake Worth Keeping

A Mistake Worth Keeping

Sabi nila, relationships come and go but friendship stays forever. Kaya para kela Julian at Belinda, kahit may namumuong spark sa pagitan nila, mas mahalaga ang kanilang pinagsamahan mula pagkabata. Bakit mo nga naman isusugal ang panghabambuhay na pagkakaibigan para sumubok sa walang kasiguraduhang pag-ibig? But values and boundaries become blurred when the heart is vulnerable. Kaya noong gabing nabasag ang puso ni Julian dahil sa hiwalayan ng kaniyang ex-girlfiriend, si Belinda ang sumalo sa bawat piraso nito. Drunk, hurting, and seeking comfort, Julian crossed the line, and Belinda let him. Ang gabing ito ang naging saksi ng mapusok na pag-iibigan na matagal nilang ipinagkait sa sarili. Ngunit kinabukasan, ang malamig na katotohanan ang agad ding gumising sa kanila. “It was a mistake,” pag-amin ni Julian. Lubos na nasaktan si Belinda sa narinig, at hindi niya maatim na patawarin si Julian when that ‘mistake’ left her pregnant. So Belinda packed her bags and disappeared, carrying a secret that would redefine who they were. Seven years later, sinubok silang muli ng tadhana. Julian crosses paths with Belinda and a six-year-old child who looks exactly like him. Unti-unting nabunyag ang sikreto, ngunit mabilis na sumiklab ang galit na nararamdaman nila para sa isa’t isa, as if the trust they spent a lifetime building is gone. But their son has other plans. Longing for the father he never knew, the little boy becomes the unexpected bridge between two estranged hearts, encouraging them to risk all that they have for a second chance. Kaya ba ng inosenteng pagmamahal ng kanilang anak na hilumin ang malalalim na sugat ng kanilang nakaraan? Or will the seven years of secrets keep them from becoming the family they were always meant to be?
246 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
White Lies: Bud Brothers Series 2

White Lies: Bud Brothers Series 2

Warning: Mature content. Read at your own risk!!! -------------------- Joyce Jillian Montecellio is a hard working woman. Simula nang iwan sila ng kanyang ama ay natuto s'yang tumayo sa sarili n'yang mga paa. Lahat ng oportunidad na dumating sa buhay n'ya ay kaagad n'yang sinusungaban. Hanggang sa isang araw ay natagpuan n'ya ang isang lalaking estranghero sa gilid ng sapa na pinaglalabhan nila na puno ng sugat at walang malay na si Jeff Marco Del Carpio. A happy-go-lucky guy and turn to be an adventurer. Simula ng lukuhin s'ya ng babaing pinakamamahal niya't nakatakdang pakasalan ay nahilig s'ya sa pagka-camping. He started to hide his identity and live in a simple lowkey life. Sa paglipas ng mga araw na nakakasama ni Jillian ito ay unti-unting rin nahuhulog ang loob n'ya sa binata. Kinalimutan n'ya ang sumpang hinding-hindi iibig kanino man. Kung kailan naibigay n'ya na ang buong tiwala at sarili n'ya dito saka n'ya naman natuklasan ang buong pagkatao nito. Paano n'ya haharapin ang bukas ngayon kung sa araw ng pag-alis nito ay kasama ang puso n'ya? At paano kung ang gabing nakalimot sila ay nagbunga? Hanggang sa makalipas ang apat na taon ay muling nagkrus ang landas nila mismo sa building ng opisina nito. Ano ang gagawin n'ya kung inakala n'yang may mahal na pala itong iba? At paano kung ang nag-iisang taong hinuhugutan n'ya ng lakas ay ninakaw nito sa kanya? Mapapatawad n'ya ba ito or patuloy n'ya pa ring mamahalin?
105.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 196 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
The Vampire who will fall inlove with me

The Vampire who will fall inlove with me

Iam Sorowenpein
Habang nagtatago sa grupong humahabol sa kanya ay di sinasadyang napadpad si Erinn sa mapunong parte sa likod ng kanilang eskwelahan. Nung gabing iyon, di niya lubos akalain na Magtatagpo ang landas nila ni Volt, na isang bampira, na puno ng sugat ang buong katawan at may pana pang nakabaon sa likudan nito. Dahil sa pagtulong ni Erinn, ay di niya akalain na mapapaloob siya sa isang ugnayan na ang tanging makakapagpasawalang bisa lang ay kamatayan. Magiging obligasyon ni Volt na protektahan si Erinn hanggang sa pinakadulo ng buhay nito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya.
2.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 80 Beses bilang walang sugat script
Read
+Library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status