author-banner
sabaylejannamarie
Author

Novels by sabaylejannamarie

My Little Baby Cupid Found Me a Billionaire

My Little Baby Cupid Found Me a Billionaire

Sa mismong araw ng kasal ni Mariel, handa na siyang mag “I do.” Pero bago pa siya makapagsalita, isang boses-bata ang biglang umalingawngaw sa kaniyang isip. Nanggagaling ito mismo sa kaniyang tiyan. “Mommy, huwag kang pumayag! Niloloko ka lang niya. Pinakasalan ka lang niya para sa mga shares mo, buntis ang stepsister mo at si Duanne ang ama!” Dahil sa babala ng kaniyang anak, iniwan ni Mariel ang lalaki sa altar. Pero paano siya tatakas sa galit na pamilya at mga bodyguard? Wala siyang ibang mapagpipilian, tumakbo si Mariel patungo sa pinakamakapangyarihang at kinakatakutang lalaki sa VIP seats na kilalang diring-diri sa mga babae. Humawak siya sa suit nito at sumigaw. "Mr. Elon Cartier, I’m pregnant and you’re the father of my child!" Akala ng lahat ay tuluyan na siyang nabaliw. Pero nang ibulong ni Mariel sa tainga ng CEO ang tungkol sa lihim na pulang balat sa katawan nito na nakita niya tatlong buwan na ang nakakaraan sa Xylo Club, natigilan ang lalaki. Ligtas nga ba si Mariel sa marangyang mansyon ng mga Cartier, kung ang kakampi lang niya ay ang kaniyang daldal na fetus na may sariling plano para gawing simp ang sarili nitong tatay?
Read
Chapter: Chapter 4
Tatlong segundo na tinitigan ni Elon Cartier si Mariel. Ang mga matang iyon ay tila ba isang malalim na balon na walang ipinapakitang kahit anong emosyon. Pagkatapos, bigla niyang hinubad ang kaniyang coat at sa ikinagulat ng lahat, isinabit ang mamahaling custom-made suit sa mga balikat ni Mariel.Ang kaniyang coat, na nagtataglay pa ng init ng kaniyang katawan at ng amoy ng cedar, ay bumalot sa hubad na balikat ng dalaga. Natigilan si Mariel sa pagkakataong iyon."Maglakad ka," maikling utos ni Elon Cartier sa mababa ngunit makapangyarihang boses.Ipinatong ni Elon ang kaniyang kamay sa baywang ni Mariel, ang pwersa ay hindi ganoon kadiin ngunit nagpapakita ng isang hindi mapagkakailang awtoridad. Bago pa man makapagreak si Mariel, ginabayan na niya ito palabas ng bulwagan.Sa kaniyang likuran, buong lakas na nagpupumiglas si Duanne habang hinaharangan ng mga tauhan."Mr. Cartier! Hindi mo siya pwedeng isama!" galit na sigaw ni Duanne habang sinusubukang sumunod. "Fiancée ko siya!"
Last Updated: 2026-07-15
Chapter: Chapter 3
Isang malakas na pwersa ang biglang tumama kay Mariel sa sumunod na segundo. Buong lakas siyang itinulak palayo ng lalaki. Lumabog at muntik na siyang matumba sa sahig, ngunit mabuti na lamang at mabilis niyang nahawakan ang katabing lamesa upang balansehin ang kaniyang sarili.Nakatayo si Elon Cartier doon habang nakatitig sa kaniya mula sa itaas. Ang mga mata nito ay kasinglamig ng tipak ng yelo sa gitna ng taglamig. Tumingin ito sa bahagi ng kaniyang suit kung saan siya hinawakan at nayupi ni Mariel na tila ba nakatingin ito sa isang maruming bagay."Umalis ka sa harap ko," malamig na utos ni Elon habang madilim ang mukha. "Hindi mo ba alam na diring-diri ako sa mga babae?"Hindi malakas ang pagkakasabi niyon, ngunit para itong isang balde ng masidhing yelo na ibinuhos kay Mariel mula ulo hanggang paa. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.Muling binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong bulwagan. Ang mga bisita na kanina lang ay nagbubulungan ay sabay-sabay na nagpigil ng hi
Last Updated: 2026-07-15
Chapter: Chapter 2
Hindi na napigilan ng lahat ang mag-usap-usap. Kilalang prominenteng pamilya sa Makati ang mga Hervera, kaya naman ang walang pag-aalinlangang pagtanggi ni Mariel ay ikinagulat ng lahat. Saksi ang bawat isa kung paano ipagmalaki at hantayin ni Mariel si Duanne noon, ngunit ngayong ikakasal na sila ay bigla siyang umayaw. Napakagulo ng sitwasyon."Mariel! Anong problema mo?" sigaw ni Emman habang galit na naglalakad paakyat ng entablado. "Ano ba ang nagawang kasalanan ni Duanne sa iyo? Ngayon ay sasabihin mong hindi mo siya pakakasalan? Saan mo gustong ilagay ang reputasyon ng pamilyang Infante?""Ikaw ang nagpumilit na pakasalan si Duanne noon, tapos ngayon ay sisirain mo ang kasunduan," dugtong pa ng kaniyang ama na halos lumabas ang ugat sa leeg. "Ginagawa mong laro ang kasal. Hindi mo ba kayang maging kasing-tino ni Sanya?"Nang makita ni Mariel na nagsimula nang magmura ang kaniyang ama dahil sa nakanselang kasal, binalingan niya ito ng tingin. Pagkatapos ay tinignan niya si Sany
Last Updated: 2026-07-15
Chapter: Chapter 1
Punung-puno ng mga eleganteng kababaihan ang banquet hall ng hotel, kaya naman buhay na buhay at pambihira ang kapaligiran. Araw ngayon ng kasal ni Mariel sa kaniyang kasintahan sa loob ng limang taon na si Duanne. Naroon ang buong elite circle ng Maynila, at lahat ay naiinggit sa kaniya dahil nakatagpo siya ng mabuting lalaki.Sa gitna ng seremonya, masiglang nagtanong ang emcee."Miss beautiful Mariel Infante, tinatanggap mo ba ang guwapong si Sir Duanne Hervera bilang iyong katuwang sa buhay?"Nakahanda na sanang sumagot si Mariel habang nahihiyang nakayuko ang kaniyang ulo. Subalit bago pa man siya makapagsalita, biglang umalingawngaw ang isang boses-bata."Ang tanga naman ng mommy ko, huwag kang pumayag! Gago si Duanne. Pinakasalan ka lang niya para sa mga shares ng kumpanya na pagmamay-ari mo. Tsaka, hindi siya ang tatay ko. Iba ang tatay ko," wika ng boses na tila nanggagaling sa kung saan.Natigilan si Mariel, lalo na nang magpatuloy ito."Ang bata sa tiyan ng stepsister mo ay
Last Updated: 2026-07-15
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status