LOGINHindi na napigilan ng lahat ang mag-usap-usap. Kilalang prominenteng pamilya sa Makati ang mga Hervera, kaya naman ang walang pag-aalinlangang pagtanggi ni Mariel ay ikinagulat ng lahat.
Saksi ang bawat isa kung paano ipagmalaki at hantayin ni Mariel si Duanne noon, ngunit ngayong ikakasal na sila ay bigla siyang umayaw. Napakagulo ng sitwasyon.
"Mariel! Anong problema mo?" sigaw ni Emman habang galit na naglalakad paakyat ng entablado. "Ano ba ang nagawang kasalanan ni Duanne sa iyo? Ngayon ay sasabihin mong hindi mo siya pakakasalan? Saan mo gustong ilagay ang reputasyon ng pamilyang Infante?"
"Ikaw ang nagpumilit na pakasalan si Duanne noon, tapos ngayon ay sisirain mo ang kasunduan," dugtong pa ng kaniyang ama na halos lumabas ang ugat sa leeg. "Ginagawa mong laro ang kasal. Hindi mo ba kayang maging kasing-tino ni Sanya?"
Nang makita ni Mariel na nagsimula nang magmura ang kaniyang ama dahil sa nakanselang kasal, binalingan niya ito ng tingin. Pagkatapos ay tinignan niya si Sanya na nasa tabi nito. Kitang-kita niya ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ng kaniyang stepsister, tila may itinatagong labis na katuwaan.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata, lumapit si Sanya na may pekeng pag-aalala sa mukha.
"Ate, huwag ka namang maging matigas ang ulo," pakiusap ni Sanya sa kaniya habang nag-aari-ariang malungkot. "Napakabait ni Kuya Duanne sa iyo, paano mo siya nagawang ipahiya sa harap ng maraming tao? Humingi ka na ng paumanhin sa lahat at ituloy na natin ang seremonya."
Habang lumalapit ito, napansin agad ni Mariel ang kumikinang na diamond ring sa kamay ng kapatid. Napakakinang niyon, halos nakakasilaw.
"Mom, ang masamang babaeng 'yan ang naglagay ng gamot sa inumin mo noon," biglang sumingit ang boses-bata sa kaniyang isip. "At tsaka, ang diamond ring niya ay binili ng gagong 'yan, habang ang wedding ring mo naman ay fake!"
Agad na sinuri ni Mariel ang sariling singsing. Magkatulad nga ang disenyo ng dalawang singsing, ngunit ang kaniyang singsing ay maputla ang kulay at halatang gawa lang sa pekeng materyales. Sa isang saglit, tuluyang naintindihan ni Mariel na nagkasabwat nga ang dalawa upang gawan siya ng patibong.
"Oo nga naman, normal lang naman sa mga magkasintahan ang mag-away, huwag lang sanang gawing masyadong magulo ang eksena," singit ng isang bisitang malapit sa kanila.
"Dati-rati ay patay na patay si Mariel kay Duanne, bakit bigla siyang nagbago ng isip?" bulong naman ng isa pa.
"Baka naman kinakabahan lang bago ang kasal..."
"Talagang mas matino ang ikalawang dalaga kaysa sa kaniya. Malas ng mga Hervera na magkaroon ng ganyang manugang," komento ng isang matandang babae.
Para kay Mariel, nakakatawa ang mga naririnig niyang boses. Ngunit wala na siyang pakialam dahil sira na rin naman ang kaniyang reputasyon. Dati ay siya ang pinakapinagmamalaking anak ng mga Infante, may pinag-aralan, mahinhin, at elegante.
Subalit simula nang pumasok sina Liana at Sanya sa pamilya, nagsimula nang masira ang kaniyang pangalan. Siyempre, utang na loob niya iyon sa dalawang ito.
Huminga nang malalim si Mariel. Lumakad siya palapit kay Sanya, tinitigan ang mukha nitong nagbabalatkayong nag-aalala ngunit nagmamalaki sa loob, tsaka itinaas ang kaniyang kamay.
Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya.
"My dear sister, ilang buwan na ba ang isinusuka niyan sa tiyan mo?" malamig na tanong ni Mariel matapos ang mabilis at malakas na sampal.
Ang malutong na tunog ay agad na kumuha ng atensyon ng lahat ng naroon. Napabaling ang ulo ni Sanya sa lakas ng tama, agad na namaga ang kalahati ng kaniyang mukha, at mabilis na napuno ng luha ang kaniyang mga mata.
"Ate, anong sinasabi mo..." umiiyak na sagot ni Sanya habang tumitingin na parang isang kaawa-awang kuneho na tinakot.
"Mariel!" galit na galit na sigaw ni Emman, halos lumabas ang mga ugat sa kaniyang noo sa tindi ng galit. "Nababaliw ka na ba? Nanununtok at nananampal ka ng kapatid mo sa harap ng maraming nakatatanda!"
Ang ina ni Sanya na si Liana ay lumapit din at itinuro ang ilong ni Mariel habang nagmumura.
"Walang hiya ka!" galit na sigaw ni Liana habang pilit na inilalayo si Sanya. "Sinusubukan ka lang kausapin nang matino ni Sanya, tapos hindi mo lang pinasalamatan, nagawa mo pang manakit? Sabihin ko sa iyo, hindi pa ito tapos!"
Dahan-dahang ibinaba ni Mariel ang kaniyang kamay. Medyo namamanhid ang kaniyang palad, ngunit labis ang kaniyang kasiyahan.
"Mariel, paano mo nagawang manakit ng tao?" tanong ni Duanne na may kasamang salubong na mga kilay.
"Ano? Naaawa ka ba sa kanila?" nakangising sagot ni Mariel habang nakatingin sa dalawa. "Mas mabuti pang magsama kayong dalawa para hindi na kayo makapaminsala ng ibang tao."
"Ate, nagkakamali ka ng akala," pilit na pagtatanggol ni Sanya habang naninigas ang mukha.
"Nagkakamali? Kung ganoon, tatanungin kita muli," mariing sabi ni Mariel habang humahakbang palapit. "Ilang buwan na ba ang dinadala mo sa tiyan mo?"
Muling natahimik ang buong bulwagan. Lahat ng mata ay sabay-sabay na lumingon patungo kay Sanya.
Ang mukha ni Sanya ay nagpalit-kulay mula sa maputi, naging berde, at pagkatapos ay naging pula sa tindi ng hiyang naramdaman. Kusang napahawak ang kaniyang mga kamay sa kaniyang puson habang nanginginig ang mga labi.
"Ate... pinagbibintangan mo ako..." nauutal na depensa ni Sanya. "Hindi pa ako kasal, paano naman ako magkakaroon ng anak..."
"Talaga?" kalmadong sagot ni Mariel habang nakataas ang isang kilay. "Kung ganoon, bakit hawak-hawak mo ang tiyan mo?"
Mabilis na iniwas ni Sanya ang kaniyang kamay na tila ba napaso ito sa init.
"Mariel! Nababaliw ka na ba talaga?" pagtatanggol ni Liana sa kaniyang anak habang nakaharang sa harap nito. "Ayaw mo lang magpakasal, tapos idadamay mo pa ang kapatid mo? Ano ba ang nagawa niyang masama sa iyo?"
"Wala naman siyang ginawang masama sa akin," sagot ni Mariel habang nakatitig nang diretso sa kaniyang ina-inahan. "Natulog lang naman siya kasama ang fiancé ko."
"Ikaw!" galit na sigaw ni Liana, ngunit tuluyan nang nawalan ng kulay ang mukha ni Sanya sa kaniyang likuran.
"Mariel!" galit na sigaw ni Duanne habang sumusugod pasulong upang hawakan siya. "Huwag kang magsalita ng kung ano-anong kalokohan!"
Labis ang naging tensyon sa buong paligid. Ang buong madla ay tuluyan nang nag-ingay at nagkagulo. Kitang-kita ang pagbabago sa mukha ni Duanne na naging sobrang dilim. Binalot ng galit ang kaniyang mukha nang sunggaban niya ang pulso ni Mariel gamit ang nakakagulat na lakas.
"Mariel! Alam mo ba talaga ang mga sinasabi mo?" may halong banta at poot na bulong ni Duanne habang nakatitig nang matalim.
"Siyempre, alam na alam ko," kalmadong sagot ni Mariel habang nakatingin nang diretso sa kaniya.
Limang taon na ang lumipas.
Ilang beses niyang naisip noon kung gaano kasaya ang tumayo sa harap nito habang nakasuot ng pangkasal, at kung paano nito dahan-dahang itataas ang kaniyang belo upang halikan ang kaniyang mga labi. Ngunit sa sandaling ito, naramdaman niyang ang lalaking nasa harap niya ay isang nakakatakot na estranghero.
"Duanne, akala mo ba ay wala akong alam?" panimula ni Mariel na binibigkas ang bawat salita nang may kalinawan. "Tatlong buwan na ang nakakaraan, niloko mo ako para pumunta sa Xylo Club. Nilagyan mo ng drug ang inumin ko at nag-hire ka ng lalaking sisira sa reputasyon ko para makontrol mo ako sa buong buhay ko."
Biglang nangontrata ang mga balintataw ng mga mata ni Duanne sa narinig.
"Ngunit hindi mo inaasahan ang nangyari, hindi ba? Dahil nagkamali ako ng napasukang kwarto," natatawang dagdag ni Mariel na may halong pang-uuyam. "Kaya ang taong hinahanap mo ay umuwing luhaan, habang ako naman ay nagpalipas ng gabi sa ibang kwarto."
"Paano... paano mo nalaman ang..." nauutal at hindi makapaniwalang tanong ni Duanne.
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman," pagputol ni Mariel sa kaniyang sasabihin. "Ang mahalaga ay sadyang niloko mo ako at nakipagtalik ka pa kay Sanya. Buntis na siya ngayon!"
Nakatayo lang sa tabi si Sanya, ang mukha ay naging kasingputi na ng papel. Sinubukan niyang magsalita at magtanggol, ngunit mabilis siyang hinawakan nang mahigpit ni Liana sa braso.
Bilang isang taong marami nang naranasan sa buhay, alam ni Liana na hindi sila pwedeng magsalita nang basta-basta ngayon dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon.
Subalit hindi na napigilan ni Sanya ang kaniyang sarili. Nang makita niya ang paraan ng pagtitig ni Duanne kay Mariel, naramdaman niyang tila may apoy na sumusunog sa kaniyang dibdib.
"Ate!" matalim na sumbat ni Sanya, ang boses ay mataas at matinis. "Anong karapatan mong siraan ako? Walang namamagitan sa amin ni Duanne, malinis ang konsensya namin! Ikaw ang buntis sa anak ng ibang lalaki tapos gusto mong si Duanne ang sumalo at maging tatay. Ikaw ang kadiri!"
"Manahimik ka! Malinis ang konsensya?" bulyaw ni Mariel habang hinaharap ang kapatid. "Gusto mo bang pumunta tayo sa ospital ngayon para magpa-DNA test?"
"Mom, harapin natin ang dalawang salbahe na 'yan! Lalo na ang malandi mong kapatid, siya ang palaging nagpapakalat ng masasamang kwento tungkol sa iyo kahit saan," galit na galit na udyok ng boses-bata sa kaniyang isip.
Natahimik at hindi nakasagot si Sanya nang hamunin ng DNA test. Ayaw na silang kalinggain pa ni Mariel. Masyadong magulo at nakakasuffocate na ang paligid, kaya nais na niyang umalis agad.
Hinila ni Mariel ang kaniyang belo, buong lakas na tinanggal ito, at tumalikod upang lumakad palayo. Gayunpaman, mabilis na humarang si Duanne sa kaniyang daraanan.
"Gusto mong umalis? Hindi kita papayagan," mahinang banta ni Duanne sa mababang boses. "kaya ms mabuting makisama ka at tapusin ang seremonya, kundi ay huwag mo akong sisihin kung maging marahas ako sa iyo."
Nang-uuyam na humagikhik si Mariel nang tuluyan nang lumabas ang tunay na kulay ng lalaki. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad, ngunit dalawang lalaking mukhang bodyguards ang biglang pumaligid sa kaniya.
"Mommy! Kailangan mong humingi ng tulong sa daddy ko!" sigaw ng maliit na dumpling na may halong takot. "Handang-handa na sila. Pagkatapos ng kasal, ikukulong ka nila at papahirapan! Bilisan mo!"
Nang marinig ito, biglang sumikip ang dibdib ni Mariel sa takot. Agad na napadpad ang kaniyang paningin patungo kay Elon Cartier. Tila ba dahil sa sobrang ingay sa loob ng bulwagan, tumayo na ang lalaki at handa nang umalis.
Sa takot na maiwan, mabilis na tumakbo si Mariel patungo sa direksyon ng lalaki. Nang makita ito ng dalawang bodyguards, sinubukan nilang hawakan siya upang hilahin pabalik.
"Umalis kayo sa daan ko!" sigaw ni Mariel habang buong lakas na itinulak at ibinaligtad ang isang lamesa upang harangan sila, tsaka mabilis na nakipagsiksikan sa gitna ng maraming tao.
Tila tumigil ang ikot ng mundo sa buong bulwagan dahil sa kaniyang ginawa.
Sa kaniyang pagmamadali, nabangga at napasandal si Mariel sa isang dibdib na naglalabas ng malamig na amoy ng cedar trees.
Bahagyang nanigas ang katawan ng lalaki sa kaniyang pagkakayakap.
Subalit wala nang pakialam si Mariel sa magiging reaksyon nito.
Puno ng takot na hinawakan niya nang mahigpit ang suit jacket ng lalaki gamit ang kaniyang mga daliri, tila ba isang taong nalulunod na kumakapit sa huling piraso ng kahoy.
"Isama mo ako! Please, take me with you," nanginginig na pakiusap ni Mariel habang nakatingala sa kaniya.
Tatlong segundo na tinitigan ni Elon Cartier si Mariel. Ang mga matang iyon ay tila ba isang malalim na balon na walang ipinapakitang kahit anong emosyon. Pagkatapos, bigla niyang hinubad ang kaniyang coat at sa ikinagulat ng lahat, isinabit ang mamahaling custom-made suit sa mga balikat ni Mariel.Ang kaniyang coat, na nagtataglay pa ng init ng kaniyang katawan at ng amoy ng cedar, ay bumalot sa hubad na balikat ng dalaga. Natigilan si Mariel sa pagkakataong iyon."Maglakad ka," maikling utos ni Elon Cartier sa mababa ngunit makapangyarihang boses.Ipinatong ni Elon ang kaniyang kamay sa baywang ni Mariel, ang pwersa ay hindi ganoon kadiin ngunit nagpapakita ng isang hindi mapagkakailang awtoridad. Bago pa man makapagreak si Mariel, ginabayan na niya ito palabas ng bulwagan.Sa kaniyang likuran, buong lakas na nagpupumiglas si Duanne habang hinaharangan ng mga tauhan."Mr. Cartier! Hindi mo siya pwedeng isama!" galit na sigaw ni Duanne habang sinusubukang sumunod. "Fiancée ko siya!"
Isang malakas na pwersa ang biglang tumama kay Mariel sa sumunod na segundo. Buong lakas siyang itinulak palayo ng lalaki. Lumabog at muntik na siyang matumba sa sahig, ngunit mabuti na lamang at mabilis niyang nahawakan ang katabing lamesa upang balansehin ang kaniyang sarili.Nakatayo si Elon Cartier doon habang nakatitig sa kaniya mula sa itaas. Ang mga mata nito ay kasinglamig ng tipak ng yelo sa gitna ng taglamig. Tumingin ito sa bahagi ng kaniyang suit kung saan siya hinawakan at nayupi ni Mariel na tila ba nakatingin ito sa isang maruming bagay."Umalis ka sa harap ko," malamig na utos ni Elon habang madilim ang mukha. "Hindi mo ba alam na diring-diri ako sa mga babae?"Hindi malakas ang pagkakasabi niyon, ngunit para itong isang balde ng masidhing yelo na ibinuhos kay Mariel mula ulo hanggang paa. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.Muling binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong bulwagan. Ang mga bisita na kanina lang ay nagbubulungan ay sabay-sabay na nagpigil ng hi
Hindi na napigilan ng lahat ang mag-usap-usap. Kilalang prominenteng pamilya sa Makati ang mga Hervera, kaya naman ang walang pag-aalinlangang pagtanggi ni Mariel ay ikinagulat ng lahat. Saksi ang bawat isa kung paano ipagmalaki at hantayin ni Mariel si Duanne noon, ngunit ngayong ikakasal na sila ay bigla siyang umayaw. Napakagulo ng sitwasyon."Mariel! Anong problema mo?" sigaw ni Emman habang galit na naglalakad paakyat ng entablado. "Ano ba ang nagawang kasalanan ni Duanne sa iyo? Ngayon ay sasabihin mong hindi mo siya pakakasalan? Saan mo gustong ilagay ang reputasyon ng pamilyang Infante?""Ikaw ang nagpumilit na pakasalan si Duanne noon, tapos ngayon ay sisirain mo ang kasunduan," dugtong pa ng kaniyang ama na halos lumabas ang ugat sa leeg. "Ginagawa mong laro ang kasal. Hindi mo ba kayang maging kasing-tino ni Sanya?"Nang makita ni Mariel na nagsimula nang magmura ang kaniyang ama dahil sa nakanselang kasal, binalingan niya ito ng tingin. Pagkatapos ay tinignan niya si Sany
Punung-puno ng mga eleganteng kababaihan ang banquet hall ng hotel, kaya naman buhay na buhay at pambihira ang kapaligiran. Araw ngayon ng kasal ni Mariel sa kaniyang kasintahan sa loob ng limang taon na si Duanne. Naroon ang buong elite circle ng Maynila, at lahat ay naiinggit sa kaniya dahil nakatagpo siya ng mabuting lalaki.Sa gitna ng seremonya, masiglang nagtanong ang emcee."Miss beautiful Mariel Infante, tinatanggap mo ba ang guwapong si Sir Duanne Hervera bilang iyong katuwang sa buhay?"Nakahanda na sanang sumagot si Mariel habang nahihiyang nakayuko ang kaniyang ulo. Subalit bago pa man siya makapagsalita, biglang umalingawngaw ang isang boses-bata."Ang tanga naman ng mommy ko, huwag kang pumayag! Gago si Duanne. Pinakasalan ka lang niya para sa mga shares ng kumpanya na pagmamay-ari mo. Tsaka, hindi siya ang tatay ko. Iba ang tatay ko," wika ng boses na tila nanggagaling sa kung saan.Natigilan si Mariel, lalo na nang magpatuloy ito."Ang bata sa tiyan ng stepsister mo ay







