INICIAR SESIÓNThe next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.
Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano pang gawin niya ay hindi siya magising-gising. “Mula nang malaman mo na wala na ang daddy mo ay hindi ka pa kumakain, señorita. Sa ginagawa mo ay baka ikaw naman ang magkasakit,” ani Yaya Jona. Ang dalawa ay kasalukuyang nakaupo sa first-class cabin. “Kung nandito lang sana ang daddy mo, tiyak na magagalit ‘yon sa ginagawa mo sa sarili mo. Hindi ‘yon matutuwa na ginugutom ng kaniyang unica hija ang sarili niya.” Mula sa pagkakatulala sa bintana ng eroplano ay nilingon ni Adriana si Yaya Jona. Malalim siyang nagbuntong hininga bago ito tingnan ng matalim. “Are you thinking, yaya? Kung buhay si dad, wala tayo dito. Hindi tayo sasakay sa eroplanong ito para lang makita siya.” Napakagat labi si Jona dahil sa naging reaksyon ng alaga niya. “Huwag kang sumigaw, señorita. Nakakahiya sa ibang mga pasahero. Tingnan mo oh! Pinagtitinginan na nila tayo.” Isa-isang tinapunan ni Adriana ng tingin ang mga taong nasa paligid nila tsaka isa-isa itong sinikmak. “Oh ano’ng tinitingin-tingin niyo riyan? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang nagsisisigaw sa first-class? Ang tatanda niyo na, mga chismoso at chismosa pa kayo.” Labis na kahihiyan ang naramdaman ni Yaya Jona noong sandaling iyon kaya mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Adriana at muli itong pinabalik sa upuan nito. “Ano ba, yaya… bakit mo ako pinipigilan? Gusto mo bang sa iyo ko ibuhos ang init ng ulo ko sa mga taong ‘yan?” magkasalubong ang magkabilang kilay na tanong ni Adriana. Puwersahan pa niyang tinanggal ang braso niya mula sa mahigpit na kapit ni Jona. “Kung puwede lang… kanina ko pa pinagsasampal ang mga ‘yan! Masyadong mga chismoso at chismosa! Ano bang tinitingin-tingin nila? May show ba ako para tingnan nila ako?!” Napakamot sa ulo si Jona. “Hayaan mo na lang sila. Maupo ka na lang diyan at huminga ng malalim. Huwag masyadong mainit ang ulo mo. Sige ka imbis na sa burol ng daddy mo tayo dumiretso, sa derma clinic na dahil maglalabasan ang wrinkles mo sa mukha. Hindi mo naman siguro gustong humarap ng pangit sa mga taong kakilala ng daddy mo!” “Whatever!” inis na wika ni Adriana sabay ikot ng mga mata niya. “Sana hinintay ko na lang ang private jet ng Ferrer group. Eh ‘di sana hindi ako nai-stress sa mga taong ‘to. Mga buwisit.” “Uminom ka na muna ng tubig para kumalma ka! Huwag mong ibuhos ang init ng ulo mo sa mga taong walang ginagawa sa ‘yo.” “Huwag mo nga silang i-defend, yaya! Pamilya ko ang nagpapa-sweldo sa ‘yo kaya dapat sa akin ang loyalty mo!” “Kilala mo ako, señorita! Hindi ako ganiyang klase ng tao kaya kapag mali ka, hindi ako para kampihan ka. Itatama kita kaya tama na, please! Ipahinga mo na muna ang isip mo. Gigisingin na lang kita kapag nag-take off na tayo.” Nagbuntong-hininga si Adriana bago muling isinandal ang likod sa kaniyang upuan. Hindi na siya sumagot pa hindi dahil wala siyang sasabihin kung hindi dahil alam niyang tama si Yaya Jona. Alam niya na sa kabila ng kaniyang inis at galit, wala naman talagang kasalanan ang mga taong nakatingin sa kanila. Itinutok na lamang ng dalaga ang kaniyang tingin sa bintana ng eroplano. Tahimik na ang paligid noong sandaling iyon habang ang natatanaw niya mula sa labas ay kadiliman at para bang kasingsikip ng dibdib niya ang kalangitan noong gabing iyon. Makalipas ang ilang oras… "Ladies and gentlemen, we are now preparing for takeoff. Please fasten your seatbelts and make sure your seats are in their upright position. Thank you." Matapos marinig ang boses ng piloto mula sa intercom ay isa-isa ng nag-seatbelt ang mga pasahero. Ganoon din si Adriana at si Yaya Jona. “Hay! Buti naman at nasa pilipinas na tayo. Sa haba ng biyahe ay sumakit na ang puwit at likod ko.” Ang birong iyon ni Yaya Jona ay hindi pinansin ni Adriana. Bagkus, inuna niyang tingnan ang kaniyang sarili sa salamin upang makasigurong hindi siya haggard na bababa sa eroplano. Makalipas ang halos labing-anim na oras ay lumapag na ang eroplano na sinasakyan nila sa Ninoy Aquino International Airport. Pagkabukas pa lamang ng pinto ay agad na bumungad sa kanila ang mainit na hangin ng Pilipinas. "Welcome home, señorita," nakangiting bati ni Yaya Jona sa alaga niya. Hindi umimik si Adriana. Tinarayan lamang niya ang kaniyang yaya. Bitbit ang kaniyang mamahaling handbag, dahan-dahang bumaba ang dalaga sa hagdan ng eroplano habang kasunod naman ang kaniyang tagapag-alaga. Pagbaba nila, agad na natigilan ang unica hija ng mga Ferrer matapos pumukaw sa kaniyang atensyon ang tatlong makisig na lalaking matalim at diretso ang tingin sa kanila. Napansin din iyon ni Yaya Jona kaya agad siyang nagtanong. “Señorita, parang masama ang tingin sa iyo noong mga lalaki doon,” ani Yaya Jona. Itinuro pa nito ang kinaroroonan ng naturang tatlong lalaki. “Kilala mo ba sila?” “I don’t know them! Let me call Lorenzo to clear things out. Baka mamaya, masasamang loob ang mga ‘yon kaya mas mabuting dito muna tayo at huwag masyadong lalayo just in case.” Agad na tinawagan ni Adriana ang numero ng cellphone ni Enzo. Agad naman itong sumagot makatapos ang ilang ring. [“I’m pretty sure na nasa Pilipinas ka na, Miss Adriana. I’ll be there in a minute. Huwag kayong aalis sa airport ha? Susunduin ko kayo.”] “Bilisan mo! I think someone’s spying on us. Kanina ko pa nararamdaman na parang may gustong gumawa ng masama sa akin. Ito nga oh… nakikita ko sila mula sa direksyon kung nasaan ako at sa tingin ko, nakikita din nila ako.” [“Don’t move! Wait for me…”] Naputol na ang naturang tawag. Gaya ng utos ni Enzo, nanatili sa kanilang kinaroroonan sina Adriana at Yaya Jona. Hinintay nila si Enzo. Makalipas ang ilang minuto, isang mamahaling sasakyan ang pumarada sa harap ng dalawa. Isa iyong bugatti chiron na tanging mayayamang tao lang ang may kakayahang makabili. Paghinto ng naturang sasakyan ay lumabas na rin ang nagmamaneho nito. “Ang guwapo naman no’n!” bulalas ni Yaya Jona matapos mapatulala sa lalaking lumabas mula sa magarang sasakyan na nakaparada sa kanilang harapan. “Sino kaya ang susunduin niya dito sa airport!” Mataray na inikot ni Adriana ang mga mata niya saka kinontra ang tinuran ni Jona. “Yuck, yaya! You’re too old para kiligin sa mga gwapong mas bata sa ‘yo. Mahiya ka nga. Ang edad yata niyan ay dapat doble bago maging kasing edad mo.” “Pasmado talaga ang bibig mong bata ka! Pasalamat ka—” natigil sa pagsasalita si Yaya Jona nang ang guwapong lalaking pinag-uusapan nila ay tumindig sa harap ni Adriana. Kapwa sila nagkatitigan. "Welcome back to the Philippines, Miss Adriana,” wika nito sabay lahad ng kamay sa babae. “Señorita… m-magkakilala kayo? W-wait… iisa lang ang tumatawag sa ‘yo ng gano’n. Don’t t-tell me si Lorenzo ‘yan?!” ang tingin ni Yaya Jona ay binaling niya sa guwapong si Lorenzo. “I-ikaw nga si Lorenzo?!” Nakangiting tumango si Enzo. “Enzo na lang po, Yaya Jona. Masyado naman po kasing formal ang Lorenzo.” “Hindi kita nakilala. Ang guwapo mo na. Tsaka ang ganda ng kotse mo. Ang mahal siguro niyan ‘no!” Ngumisi si Enzo bago tumugon. “Nako, hindi naman po. Regalo po ‘yan sa akin ni Don Alejandro. Balak ko lang sanang itambak ‘yan sa bahay pero ang sabi niya ay gamitin ko kaya ‘yan… ginamit ko pang-sundo sa anak niya.” “Tama naman si Don Alejandro. Binili ‘yan para gamitin. Hindi para itambak,” nakangiting pagsang-ayon ni Jona. “Ehem,” Nang tumikhim si Adriana ay agad siyang nilingon ng dalawa. Nag-ikot naman siya ng mata dito. “You’re talking as if I didn’t exist ‘no?! Baka naman puwedeng imbis magdaldalan kayo, puntahan na natin ang daddy ko. Gusto ko na siyang makita kaya puwede bang dalhin mo na ako sa kaniya, Lorenzo?” mataray na hiling ni Adriana. “Makakapaghintay naman siguro ‘yang chismisan niyo!” “Sorry po, Miss Adriana! Anyways, Yaya Jona, sa kanila ka na sumabay.” Itinuro ni Enzo ang kinaroroonan ng tatlong weirdong lalaki na tinutukoy ni Adriana kanina. “Pang dalawahan lang kasi ang upuan ng kotse ko.” Napatingin si Adriana sa tatlong lalaking tinutukoy ni Enzo. "Who are they?" tanong ni Adriana habang nakataas ang isang kilay. “Sila ‘yong sinasabi kong parang sumusunod sa akin kanina.” “Sila ba? Huwag kang matakot. They are your security detail." "Security detail?" ulit niya. Tumango si Enzo bago tumugon. "They'll be working directly under me." Isa-isang lumapit at tumayo nang tuwid ang tatlong lalaki. “Miss Adriana, I’d like you to meet the TRIO. Your father ordered them to protect you.” “Trio? What kind of tag is that? It stinks,” ani Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. “Anyways, seriously… Dad sent me four bodyguards?" "Three bodyguards and one head of security," walang emosyon na sagot ni Enzo. Napairap siya. "Whatever.” “Are you ready to see your dad? KAsi kung ready ka na, tara na!”“Ano namang ginagawa mo dito?” magka-krus ang magkabilang braso na tanong ni Adriana sa nakababata niyang kapatid. Hindi ito sumagot kaagad. Bagkus ay humakbang ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga at yumakap dito.Hindi nagustuhan ni Adriana ang ginawa ni Marco kaya agad niya itong tinulak palayo. “Don’t you ever try to do that again. Baka hindi lang ‘yan ang abutin mo sa akin.”Lumunok si Marco. Nanatili siyang kalmado sa kabila ng sungit na tinatamasa niya. “Huwag ka nang magalit sa akin. Nagpunta lang naman ako dito dahil nag-alala ako sa’yo. Tinawagan ko kasi iyang si Enzo kanina. Nabanggit niyang dinala ka niya dito kaya nagmadali akong pumunta.”“Hindi ka na sana nag-abala. Wala ka rin namang maitutulong!”“Grabe ka namang magsalita, Ate Adriana. Kapatid mo pa rin ako, of course nag-aalala ako sa’yo.”Ngumisi si Adriana. Makailang beses siyang umiling bago tumugon. “Hindi ko kailangan ng simpatya mo kaya puwede ba… umalis ka na!”Ramdam ni Yaya Jona ang bigat ng sitwasyon. Al
“I want to go home…”Napakagat labi si Enzo dahil sa tinuran ni Adriana. “Wala pang sinasabi ang doktor na pwede ka ng lumabas kaya magahinga ka na muna diyan.”“Where’s Yaya Jona?” tanong ng dalaga. “Sabihin mo sa kaniya na ilabas na ako dito. Mas magkakasakit ako kapag nag-stay ako dito ng mas matagal.”“Wala siya. Pinauwi ko muna para kumuha ng ilang gamit mo.”Pilit na tumayo si Adriana. Pinaiiral na naman niya ang katigasan ng ulo niya.“I said I want to go home! Ano bang mahirap maintindihan do’n?” Hinawakan ni Adriana ang heplock na nakakabit sa kaniyang kamay. Tinakot niya si Enzo at sa kaba nito ay wala itong nagawa kung hindi ang sumunod. “Fine! Tatawag lang ako ng nurse o ng doktor para magtanong kung puwede ka ng lumabas. Diyan ka lang ha? Huwag kang gagawa ng kahit ano’ng kalokohang ikapapahamak mo.”Baka magtungo sa nurse’s station ay muling tinapunan ng tingin ni Enzo ang dalaga. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging seryoso. “Excuse me… may I ask kung may result n
“Kumusta po siya, doc?”Halos sabay na napatayo sina Enzo at Yaya Jona nang lumabas ang doktor mula sa emergency room.Tinanggal ng doktor ang suot nitong face mask bago sumagot. “She's stable now.”Sabay na nakahinga nang maluwag sina Enzo at Yaya Jona.“Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ni Yaya Jona. “Bakit po siya nawalan ng malay?”“Severe exhaustion. Mataas ang stress level niya. M-may problema ba ang pasyente? Dahil bumigay ang katawan niya kaya siya nawalan ng malay.”Hindi nakaimik si Enzo. Parang may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya.“Sa totoo lang po ay kamamatay lang po ng ama niya. Nagluluksa po siya sa pagkawala nito kaya po siguro siya nawalan ng malay.” Kinagat ni Yaya Jona ang ibabang bahagi ng labi niya. Sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili kahit pa alalang-alala na siya sa alaga niya. “Pwede na ba namin siyang makita?”Tumango ang doktor. “Maari pero isa-isa lang dahil kailangang magpahinga ng pasyente.”Matapos umalis ng doktor a
Ilang hakbang pa ang layo ni Adriana mula sa kuwarto ng kaniyang ama ngunit hindi na niya maiangat ang kaniyang mga paa. Para na itong dumikit sa sahig. “Fúck, Adriana! Bakit ba apektadong-apektado ka sa pagkawala ng ama mo, samantalang hindi ka naman naging mabuting anak dito noong nabubuhay pa ito? Hindi ba’t mas pinili mo nga na magpakalayo at mamuhay mag-isa sa ibang bansa kaysa tulungan siya lalo na noong kailangan ka niya?” Halos iuntog na nito ang kaniyang ulo sa pader habang kausap ang kaniyang sarili. Noong sandaling iyon ay pinipilit pa rin niya na pasukin ang kuwarto ng kaniyang yumaong ama.Makalipas ang ilang minuto ay nahawakan na rin niya ang doorknob ng pintuan ng kuwarto ni Don Alejandro. Kung tutuosin ay mabilis niya lamang sana na mapapasok iyon ngunit hindi niya mawari kung bakit hirap na hirap siya.“I’m home, dad! Nakabalik na ako dito sa bahay at nandito ako sa kuwarto mo ngayon. Naaalala ko pa noong bata pa ako… palagi mo akong pinagbabawalan na pumasok dito.
Nanatiling tahimik si Adriana matapos marinig ang sinabi ni Enzo. Hindi na siya sumagot pa.Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Pilipinas, pakiramdam niya ay wala siyang sapat na salita para ilarawan ang bigat na nararamdaman niya. Galit siya. Nasasaktan siya. At higit sa lahat ay nalilito siya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya noong sandaling iyon."Kung buhay pa si dad..." mahinang sambit niya habang nakatingin sa kawalan. "Siguro sinigawan ko na siya."Bahagyang ngumiti si Enzo. "Sigurado akong sasagutin ka rin niya.""At sigurado rin akong hindi ko siya papatahimikin hangga't hindi niya ipinapaliwanag ang lahat."“Hindi na natin maibabalik ang panahon,” napabuntong hininga si Enzo tsaka itinuon ang tingin kay Adriana. “Kaso wala na siya. Siguro mas kailangan siya ng langit kaya siya kinuha kahit kailangan pa natin siya.”Ngumisi si Adriana. Pinitik niya ang noo ni Enzo bago tumugon. “Stúpid! Ano’ng kinuha ng langit ang pinagsasabi mo?! ‘Di ba sa ‘yo na mismo n
“Did you fúcking hear me, Lorenzo?! Ano’ng klaseng tao ang Marco na ‘yon? Dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi?”“Kung ako ang tatanungin ay oo. Dapat—dahil kapatid mo siya. Tsaka pinagkakatiwalaan din naman siya ng daddy mo. Binigyan pa nga siya ng mataas na posisyon sa kumpanya ‘di ba?! Kaya bakit hindi…” Enzo bit his lower lips. “Kayong dalawa na lang ang naiwan ng daddy niyo. Dapat siguro ay simulan mo nang kilalanin ang kapatid mo para mapadali ang buhay mo. Siya lang ang makakatulong sa ‘yo lalo na’t malaking responsibilidad ang gagampanan mo.”“Malaking responsibilidad? Ano’ng ibig mong sabihin?” Bumwelo si Enzo. Tumikhim siya bago sumagot. “Nakalagay sa last will and testament ng daddy mo na ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Kasama doon ang posisyon niya bilang presidente.”Sa gulat ay umawang ang bibig ni Adriana. Napaliyad siya mula sa kaniyang kinauupuan. “Seryoso ka ba diyan, Lorenzo?! Masyadong mabigat ‘yang sinasabi mo. Alam mong bata pa lang ay buhay prin
“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dala
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."] Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa
Nanatiling tahimik si Adriana habang nakatitig lamang sa lalaki. Nakatikom ang labi niya at bakas sa kaniyang mukha ang galit at sakit.“Answer me, Lorenzo! Huwag kang umasta na parang wala kang alam!” Napabuntong-hininga si Enzo bago isinandal ang likod sa driver's seat. “Hindi ko alam ang buong
"What do you mean murdered?"Natigilan si Adriana matapos marinig ang tinuran ni Enzo. Hindi niya niya binalak pa na maglakad palayo. Bagkus ay unti-unti siyang lumingon kay Enzo. Nanatili namang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso."W-what did you just say?" tanong ni Adriana. Bakas s







