تسجيل الدخول
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."]
Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa harap ng bathroom mirror ng kaniyang luxury villa na matatagpuan sa Madrid. Bago tuluyang sumagot ay makailang beses pang tinitigan at pinag-isipan ni Adriana kung sasagutin ba niya iyon sapagkat mula naman ang tawag sa isang unknown caller. Isa sa pinaka-ayaw nito ay nai-invade ang peace niya lalo na kung alanganing oras na ngunit matapos niyang mapagtanto na tila hindi sumusuko ang naturang caller ay napilitan na siyang sumagot. "Who is this?" she asked impatiently. Sandaling binalot ng katahimikan ang magkabilang linya hanggang sa um-echo sa tainga ni Adriana ang isang pamilyar na boses. “Enzo?” tanong ni Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. Pilit nitong kinilala ang boses ng lalaking nasa kabilang linya. May kung ano sa kaniyang nagkumpirmang pag-aari nga iyon ni Lorenzo Reyes, ang pinaka pinagkakatiwalaang lalaki ng kaniyang ama. [“Miss Adriana, I’m glad you remembered me. Kanina ko pa po kayo tinatawagan pero hindi po kayo sumasagot.”] “What do you expect? Do you have a watch? Do you know what time it is?” masungit na tanong ni Adriana. Of all people, Enzo was the last person she expected to call her. Especially at this hour. "What do you want?" Bakas sa boses nito ang pagkairita. Hindi nito gusto ang lalaki dahil unang-una, si Enzo ang paborito ng kaniyang ama kahit pa hindi naman ito tunay na anak ni Don Alejandro Ferrer. ["Miss Adriana..."] Napalunok si Adriana nang muling marinig ang boses ni Enzo sa kabilang linya. His voice sounded strange and heavy. Almost hesitant and for some reason, the sound immediately made her uneasy. "What happened?" tanong ni Adriana. Mariin niyang hinawakan ang cellphone niya nang katahimikan ang isinagot sa kaniya ni Enzo. “What the hell is wrong with you? You don’t want to answer… then fine! Stop messing with me. Magsama kayo ni dad…” Sa init ng ulo ay gusto nang ibaba ni Adriana ang tawag ngunit may kung ano sa kaniya na pumipigil na gawin iyon. Hanggang sa ilang sandali pa, nagsalita na si Enzo. ["You need to come home."] Inikot ni Adriana ang mga mata niya. "Seriously? Is that why you've been calling me nonstop?" ["Miss Adriana—"] "If this is another one of my father's attempts to drag me back into the company, tell him to stop." Naglakad ito palabas ng banyo at nagtungo sa kwarto. "I already told him I have no interest in running Ferrer Group." [“Hindi ang kumpanya niyo ang dahilan kaya ako napatawag, Miss Adriana. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang masamang balita.” “What are you trying to say, Lorenzo? Anong masamang balita ang pinagsasabi mo?” “I’m sorry, Miss Adriana! Your father is dead, so whether you like it or not… you have to go back to the Philippines. Your father needs you.”] Noong sandaling iyon ay walang ibang marinig si Adriana kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pilit niyang inabot ang swivel chair at naupo doon. “No! Stop messing with me, Lorenzo. No es un buen chiste lo que estás diciendo (Hindi magandang biro ang sinasabi mo). Eres un mentiroso (Sinungaling ka)!” [“Totoo ang sinasabi ko. Bakit naman ako magsisinungaling?”] “Imposible ang sinasabi mo dahil kausap ko pa siya noong isang araw. Okay naman siya noong kausap ko siya. Pinapauwi pa nga niya ako ng Pilipinas at pinapagalitan na sinasayang ko ang buhay ko imbis na tumulong sa kumpanya. Ikinukumpara pa nga niya ako sa iyo, so no… hindi ako maniniwala sa ‘yo. Hindi pa siya patay. Nasa’n ba siya? Gusto ko siyang makausap.” [“Sorry, Miss Adriana, pero hindi ko na magagawa ‘yon. Hindi mo na makakausap si Don Alejandro dahil wala na siya. Natagpuan siyang wala ng buhay kaninang umaga.”] Nagsimula ng manginig ang kamay ni Adriana kaya mas mahigpit niyang hinawakan ang cellphone niya. “No! You’re lying. Dad isn’t dead! He can’t be…” [I’m sorry—”] "Stop it. Stop playing with me!" ["Miss Adriana—"] "STOP IT!" Her voice cracked. For the first time in years, fear gripped her heart and that is a real fear and not the kind she felt when making bad decisions. Not the kind she felt before an exam. This was different. This felt like the ground beneath her feet had suddenly disappeared. Tears blurred her vision. "No..." she shook her head repeatedly. "No, no, no..." Maka-ilang beses iginiit ni Adriana sa kaniyang sarili ang masamang balita tungkol sa kaniyang ama ngunit kahit ilang beses niya pang itanggi iyon ay hindi na magbabago pa ang katotohanan na wala na ang kaniyang ama. Makalipas ang tatlong oras… “Uminom ka muna ng tubig, señorita. Baka ma-dehydrate ka na kasi kanina ka pa umiiyak diyan.” Dahan-dahang inilapag ni Yaya Jona ang isang baso ng tubig sa coffee table tsaka marahang naupo hindi kalayuan sa kaniyang alaga. Ang naturang kasambahay ang inatasan ni Don Alejandro na personal na tumutok at mag-alaga sa kaniyang anak. Si Jona rin lamang ang kaisa-isang nagtiyaga sa ugaling mayroon si Adriana. “¡Estoy bien, así que déjame en paz! (I’m fine, so leave me alone!)” “Hindi kita puwedeng iwan, señorita. Alam mo ‘yan dahil ibinilin ka sa akin ng daddy mo. Gusto niyang tutukan kita at alagaan ng mabuti kaya iyon ang ginagawa ko.” Lumunok si Yaya Jona bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Nakikiramay ako sa pagkawala ng daddy mo.” "I have no time to argue with you, yaya! So please, leave me alone!" "Alam kong masakit para sa 'yo ang pagkawala niya dahil kahit hindi kayo okay ay ama mo pa rin siya kaya naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling. Iiyak mo lang 'yan." Hindi umimik si Adriana. Nakatitig lamang siya sa lumang litrato nilang mag-ama sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng antique cabinet na salamin ang pinto. Inaalala niya ang mga sandaling kasama niya ang ama kahit pa karamihan sa mga iyon ay hindi sila magkasundo." “Nakakalungkot ‘no?! Hindi mo man lang nakasama ang ama mo sa mga huling sandali niya,” patuloy ni Yaya Jona. "Sana binigyan man lang kayo ng pagkakataon na makapag-bonding para may magandang alaala siyang binaon noong nawala siya." Sinamaan siya ng tingin ni Adriana bago nito kunin ang cellphone niya sa ibabaw ng coffee table. “I still can’t believe that he’s gone!” malumanay na wika nito. Sinubukan ni Adriana na tawagan ang numero ng kaniyang ama. Nagri-ring pa iyon ngunit wala na talagang sumasagot. Iyon ang pinakamasakit. Para iyong kutsilyong sumasaksak sa dibdib ng dalaga. Makalipas ang ilan pang sandali, nag-vibrate ang cellphone niya. Isang mensahe mula kay Enzo ang lumabas sa screen at dali-dali niya itong binuksan. Habang binabasa ang mensahe, nagtaka siya dahil imbis na flight details o funeral arrangement ang kaniyang matanggap ay iba ito sa kaniyang inaasahan. “Ayos ka lang, señorita? S-sino ba ‘yang nag-message sa ‘yo at parang nasira ang mukha mo? Anong sabi? M-may problema ba? Sa Pilipinas ba ‘yan?” sunod-sunod na tanong ni Yaya Jona. “Sumagot ka naman kasi kinakabahan ako sa ‘yo.” “It’s from Enzo, Yaya Jona…” malumanay ang boses na sagot ni Adriana. Lumunok siya at malalim na nagbuntong hininga bago muling nagpatuloy. “According to him, there is something that my father should have told me years ago. I don’t know if it’s a secret that he kept from me.” “Ano kaya ‘yon ‘no?!” Tumingin sa kawalan si Adriana. Napapaisip na siya kung ano nga kaya iyong dapat niyang malaman nang biglang mag-message muli si Enzo at nanlaki ang mga mata niya nang mabasa iyon. [“Your father's death was not an accident...]“Ano namang ginagawa mo dito?” magka-krus ang magkabilang braso na tanong ni Adriana sa nakababata niyang kapatid. Hindi ito sumagot kaagad. Bagkus ay humakbang ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga at yumakap dito.Hindi nagustuhan ni Adriana ang ginawa ni Marco kaya agad niya itong tinulak palayo. “Don’t you ever try to do that again. Baka hindi lang ‘yan ang abutin mo sa akin.”Lumunok si Marco. Nanatili siyang kalmado sa kabila ng sungit na tinatamasa niya. “Huwag ka nang magalit sa akin. Nagpunta lang naman ako dito dahil nag-alala ako sa’yo. Tinawagan ko kasi iyang si Enzo kanina. Nabanggit niyang dinala ka niya dito kaya nagmadali akong pumunta.”“Hindi ka na sana nag-abala. Wala ka rin namang maitutulong!”“Grabe ka namang magsalita, Ate Adriana. Kapatid mo pa rin ako, of course nag-aalala ako sa’yo.”Ngumisi si Adriana. Makailang beses siyang umiling bago tumugon. “Hindi ko kailangan ng simpatya mo kaya puwede ba… umalis ka na!”Ramdam ni Yaya Jona ang bigat ng sitwasyon. Al
“I want to go home…”Napakagat labi si Enzo dahil sa tinuran ni Adriana. “Wala pang sinasabi ang doktor na pwede ka ng lumabas kaya magahinga ka na muna diyan.”“Where’s Yaya Jona?” tanong ng dalaga. “Sabihin mo sa kaniya na ilabas na ako dito. Mas magkakasakit ako kapag nag-stay ako dito ng mas matagal.”“Wala siya. Pinauwi ko muna para kumuha ng ilang gamit mo.”Pilit na tumayo si Adriana. Pinaiiral na naman niya ang katigasan ng ulo niya.“I said I want to go home! Ano bang mahirap maintindihan do’n?” Hinawakan ni Adriana ang heplock na nakakabit sa kaniyang kamay. Tinakot niya si Enzo at sa kaba nito ay wala itong nagawa kung hindi ang sumunod. “Fine! Tatawag lang ako ng nurse o ng doktor para magtanong kung puwede ka ng lumabas. Diyan ka lang ha? Huwag kang gagawa ng kahit ano’ng kalokohang ikapapahamak mo.”Baka magtungo sa nurse’s station ay muling tinapunan ng tingin ni Enzo ang dalaga. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging seryoso. “Excuse me… may I ask kung may result n
“Kumusta po siya, doc?”Halos sabay na napatayo sina Enzo at Yaya Jona nang lumabas ang doktor mula sa emergency room.Tinanggal ng doktor ang suot nitong face mask bago sumagot. “She's stable now.”Sabay na nakahinga nang maluwag sina Enzo at Yaya Jona.“Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ni Yaya Jona. “Bakit po siya nawalan ng malay?”“Severe exhaustion. Mataas ang stress level niya. M-may problema ba ang pasyente? Dahil bumigay ang katawan niya kaya siya nawalan ng malay.”Hindi nakaimik si Enzo. Parang may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya.“Sa totoo lang po ay kamamatay lang po ng ama niya. Nagluluksa po siya sa pagkawala nito kaya po siguro siya nawalan ng malay.” Kinagat ni Yaya Jona ang ibabang bahagi ng labi niya. Sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili kahit pa alalang-alala na siya sa alaga niya. “Pwede na ba namin siyang makita?”Tumango ang doktor. “Maari pero isa-isa lang dahil kailangang magpahinga ng pasyente.”Matapos umalis ng doktor a
Ilang hakbang pa ang layo ni Adriana mula sa kuwarto ng kaniyang ama ngunit hindi na niya maiangat ang kaniyang mga paa. Para na itong dumikit sa sahig. “Fúck, Adriana! Bakit ba apektadong-apektado ka sa pagkawala ng ama mo, samantalang hindi ka naman naging mabuting anak dito noong nabubuhay pa ito? Hindi ba’t mas pinili mo nga na magpakalayo at mamuhay mag-isa sa ibang bansa kaysa tulungan siya lalo na noong kailangan ka niya?” Halos iuntog na nito ang kaniyang ulo sa pader habang kausap ang kaniyang sarili. Noong sandaling iyon ay pinipilit pa rin niya na pasukin ang kuwarto ng kaniyang yumaong ama.Makalipas ang ilang minuto ay nahawakan na rin niya ang doorknob ng pintuan ng kuwarto ni Don Alejandro. Kung tutuosin ay mabilis niya lamang sana na mapapasok iyon ngunit hindi niya mawari kung bakit hirap na hirap siya.“I’m home, dad! Nakabalik na ako dito sa bahay at nandito ako sa kuwarto mo ngayon. Naaalala ko pa noong bata pa ako… palagi mo akong pinagbabawalan na pumasok dito.
Nanatiling tahimik si Adriana matapos marinig ang sinabi ni Enzo. Hindi na siya sumagot pa.Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Pilipinas, pakiramdam niya ay wala siyang sapat na salita para ilarawan ang bigat na nararamdaman niya. Galit siya. Nasasaktan siya. At higit sa lahat ay nalilito siya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya noong sandaling iyon."Kung buhay pa si dad..." mahinang sambit niya habang nakatingin sa kawalan. "Siguro sinigawan ko na siya."Bahagyang ngumiti si Enzo. "Sigurado akong sasagutin ka rin niya.""At sigurado rin akong hindi ko siya papatahimikin hangga't hindi niya ipinapaliwanag ang lahat."“Hindi na natin maibabalik ang panahon,” napabuntong hininga si Enzo tsaka itinuon ang tingin kay Adriana. “Kaso wala na siya. Siguro mas kailangan siya ng langit kaya siya kinuha kahit kailangan pa natin siya.”Ngumisi si Adriana. Pinitik niya ang noo ni Enzo bago tumugon. “Stúpid! Ano’ng kinuha ng langit ang pinagsasabi mo?! ‘Di ba sa ‘yo na mismo n
“Did you fúcking hear me, Lorenzo?! Ano’ng klaseng tao ang Marco na ‘yon? Dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi?”“Kung ako ang tatanungin ay oo. Dapat—dahil kapatid mo siya. Tsaka pinagkakatiwalaan din naman siya ng daddy mo. Binigyan pa nga siya ng mataas na posisyon sa kumpanya ‘di ba?! Kaya bakit hindi…” Enzo bit his lower lips. “Kayong dalawa na lang ang naiwan ng daddy niyo. Dapat siguro ay simulan mo nang kilalanin ang kapatid mo para mapadali ang buhay mo. Siya lang ang makakatulong sa ‘yo lalo na’t malaking responsibilidad ang gagampanan mo.”“Malaking responsibilidad? Ano’ng ibig mong sabihin?” Bumwelo si Enzo. Tumikhim siya bago sumagot. “Nakalagay sa last will and testament ng daddy mo na ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Kasama doon ang posisyon niya bilang presidente.”Sa gulat ay umawang ang bibig ni Adriana. Napaliyad siya mula sa kaniyang kinauupuan. “Seryoso ka ba diyan, Lorenzo?! Masyadong mabigat ‘yang sinasabi mo. Alam mong bata pa lang ay buhay prin
Nanatiling tahimik si Adriana habang nakatitig lamang sa lalaki. Nakatikom ang labi niya at bakas sa kaniyang mukha ang galit at sakit.“Answer me, Lorenzo! Huwag kang umasta na parang wala kang alam!” Napabuntong-hininga si Enzo bago isinandal ang likod sa driver's seat. “Hindi ko alam ang buong
"What do you mean murdered?"Natigilan si Adriana matapos marinig ang tinuran ni Enzo. Hindi niya niya binalak pa na maglakad palayo. Bagkus ay unti-unti siyang lumingon kay Enzo. Nanatili namang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso."W-what did you just say?" tanong ni Adriana. Bakas s
“Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa
“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dala







