INICIAR SESIÓN“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”
Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya? Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay? Mariing napalunok ang dalaga bago pilit na tumango. “Let's go.” Binuksan na ni Enzo ang pinto ng sasakyan para sa kaniya. Walang kaimik-imik na sumakay si Adriana sa passenger seat habang si Yaya Jona naman ay sumama sa sasakyan ng Trio. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang Bugatti na minamaneho ni Enzo. Habang nasa biyahe ay katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan Tanging tunog lamang ng makina at ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig. Noong sandaling iyon ay nakatanaw lamang si Adriana sa bintana. Pinapanood niya ang kanilang nadaraanan na bago sa kaniyang paningin. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” wika ni Adriana habang nakasandal sa passenger’s seat ngunit ang tingin ay nakabaling pa rin sa may bintana. Sandali siyang nilingon ni Enzo bago nito muling itutok ang tingin sa daan. “Anong ibig mong sabihin, Miss Adriana? Wala naman akong maalala na kailangan kong sabihin sa ‘yo.” “¡No te hagas el tonto conmigo, Lorenzo! (Don’t play dumb with me, Lorenzo!) Noong nasa Madrid pa ako, may sinabi ka tungkol sa pagkawala ni daddy. Iyong sinasabi mong hindi aksidente ang pagkamatay niya. Ano bang ibig mong sabihin doon? Baka puwede mong sabihin sa akin dahil karapatan ko rin namang malaman ang totoong nangyari sa kaniya.” Nawala ang bahagyang ngiti sa labi ni Enzo. Naging seryoso ang ekspresyong mabilis na bumakas sa mukha nito. “Hindi pa ito ang tamang oras para pag-usapan iyon.” “Bakit hindi? Lorenzo, anak ako ng daddy ko. More than you, ako ang mas may karapatan sa kaniya kaya puwede ba… kung may nalalaman ka ay sabihin mo na sa akin.” Matalim ang tingin na nilingon ni Adriana si Enzo. Hinawakan niya ang braso nito ng napakahigpit. “Stop it, Miss Adriana! Baka maaksidente tayo sa ginagawa mo,” pag-aawat ni Enzo habang ang tingin ay diretso pa rin sa daan. “Hindi mo puwedeng idaan sa dahas ang lahat ng bagay. Kung sa daddy mo ay puwede ang ganiyan, ibahin mo sa akin. Hindi puwede sa akin ‘yan!” “¡No puedo creer esto! (I can’t believe this!)” iritableng tinanggal ni Adriana ang mga kamay niya mula sa pagkakapit sa braso ni Enzo saka muling naupo ng padabog. “Tengo derecho a saber la verdadera razón de su muerte, pero ¿por qué no quieren decirme la verdad? (May karapatan akong malaman ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay, pero bakit ayaw nilang sabihin sa akin ang katotohanan?)” “Minimal spanish word lang ang naiintindihan ko kaya puwedeng huwag kang magsalita ng ganiyan, Miss Adriana?! Baka mamaya ay minumura mo na pala ako hindi ko pa alam!” giit ni Enzo. Nag-ikot naman ng mata si Adriana dahil sa inis. “¡Te odio, Lorenzo! (I hate you, Lorenzo!) You sent me a message saying hindi aksidente ang pagkamatay ni dad. Tapos noong hiningian kita ng explanation tungkol sa sinabi mo, hindi ka naman makapagbigay. Niloloko mo ba ako? Or worst, ginag*go mo ba ako?” “It’s not what you think, Miss Adriana!” mabilis na tugon ni Enzo. “Ano bang tinatago mo sa akin? Ano bang alam mo na hindi mo kayang sabihin sa akin kasi hindi ko makuha ‘yong logic kung bakit hindi mo magawang magpaliwanag sa akin!” Hindi kaagad nakasagot si Enzo. Mahigpit lamang nitong hinawakan ang manibela. “Alam mo, Miss Adriana… may mga bagay na mas mabuting marinig mo sa tamang lugar.” “Saan ba ang tamang lugar na sinasabi mo? Dalawa lang naman tayo dito. Hindi pa ba ito tamang lugar para sa ‘yo?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Adriana. Naka-krus pa nga ang magkabilang braso niya habang nakatingin kay Enzo. “Huwag kang mainip, Miss Adriana! Nakalatag ang lahat sa plano. Ang mahalaga at ang pinaka importante ngayon ay makita mo ang daddy mo. Tiyak na kung nasaan man siya ngayon, matutuwa ‘yon dahil sa wakas ay umuwi ka para sa kaniya!” Hindi na umimik pa si Adriana. Malalim siyang nagbuntong hininga tsaka sumandal at naupo ng maayos. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay tuluyan nang pumasok ang sasakyang minamaneho ni Enzo sa isang malawak na compound. Agad na nanlaki ang mga mata ni Adriana nang mag-park ang lalaki sa pagitan ng magkabilang gilid ng mga mamahaling sasakyan. “Nandito na tayo,” ani Enzo. Nang mamatay ang makina ng sasakyan ay bumaba na ito. Pinagbuksan rin niya ng pinto si Adriana at inalalayan pa itong bumaba. Pagbaba ng dalaga, mga armadong lalaking naka-suit ang sumalubong sa kanila. Ang mga ito ay sumasaludo sa kaniya na para bang mga bumabati sa kaniyang pagdating habang sa ‘di kalayuan ay may iilang mga reporters na hindi makalapit dahil hinaharangan ng mga security sa lugar. “Ang daming tao...” bulong niya. Mahina lamang ang pagkakasabi niya ngunit narinig pa rin iyon ni Enzo at sinagot. “Malaking tao ang daddy mo. Malawak ang scope niya kaya dapat ay expected mo nang maraming makikiramay sa kaniya. Isa pa, mabuti siyang tao. Mabuti siyang ama at alam mo ‘yan ‘di ba?! Sinuportahan ka nga niya kahit na pinili mong hindi siya tulungan kahit nagka-crisis ang kumpanya niyo noon.” “We both know na hindi na ako kinailangan ni dad dahil nandiyan ka naman. Ikaw ang pumunan sa pagkukulang na ako dapat ang gumagawa kaya nga itinuring ka niyang tunay na anak kaysa sa akin.” “Siguro nga anak ang turing niya sa akin pero ano’ng laban ko sa iyo? Tunay ka niyang kadugo habang ako ay ampon lamang pero hindi na ‘yon importante ngayon. Ang mahalaga ay pumasok na tayo sa loob. Masyado na tayong pinagpi-piyestahan ng mga press.” Walang ano-ano, hinawakan ni Enzo ang kamay ni Adriana. Nanlaki pa ang mga mata ng dalaga nang hilahin ito ng binata papasok sa malaking memorial chapel. “Required bang holding hands kapag pumasok sa memorial chapel?” seryosong tanong ni Adriana. Nilingon niya si Enzo at nakita niyang tumatawa ito. Matapos ang ilang hakbang ay narating na nila ang bungad ng memorial chapel. “Okay ka lang?” tanong ni Enzo nang makitang napahawak si Adriana sa kaniyang dibdib. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko na wala na si daddy. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko na isang panaginip lamang ang lahat. Na isang malaking prank lang ito. Mula sa kabaong na ‘yon ay babangon siya at hihingi ng paumanhin sa akin dahil kinailangan pa niyang mag-effort na palabasin na namatay siya para lang umuwi ako.”” Lumunok si Enzo. Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi niya bago tumugon. “Tara! Silipin natin siya.” Tumango si Adriana saka nagsimulang maglakad patungo sa harap ng memorial chapel. Habang papalapit siya sa kabaong na nakapuwesto doon ay bumibigat ang mga paa niya hanggang sa hindi na niya kayang humakbang pa. Hinawakan lamang ni Enzo ang braso niya’t inalalayan siya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit. “Magandang araw po, Don Alejandro. Nagawa ko na po ang pangako ko sa inyo. Narito na po si Adriana. Narito na po ang inyong anak,” wika ni Enzo. Humawak siya sa kabaong at tumingin sa bangkay na nakaratay doon bago lingonin si Adriana. “Naniniwala ka na bang wala na siya?” “Ang bigat ng dibdib ko! Para akong hihimatayin. Lorenzo, iupo mo muna ako! Hindi ko kayang tumayo ng matagal dito.” Agad na tumango si Enzo. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Adriana at inalalayan ito paupo sa pinakamalapit na upuan ngunit bago pa man sila makaupo ay isang lalaki ang lumapit at biglang nagsalita. “Sino naman ‘yan, Enzo?! Girlfriend mo ba ‘yan?” turan ng lalaki. “Memorial chapel ito at hindi park kaya kung gusto mong makipag-date ay huwag ka dito. Irespeto mo ang burol ni papa.” “Papa?” napasalubong ang magkabilang kilay ni Adriana dahil sa narinig. Tumingin rin siya kay Enzo nang may pagtataka. “Bakit niya tinawag na papa si dad? Sino siya? Anak rin ba siya ni dad? Kapatid ko ba siya?”“Ano namang ginagawa mo dito?” magka-krus ang magkabilang braso na tanong ni Adriana sa nakababata niyang kapatid. Hindi ito sumagot kaagad. Bagkus ay humakbang ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga at yumakap dito.Hindi nagustuhan ni Adriana ang ginawa ni Marco kaya agad niya itong tinulak palayo. “Don’t you ever try to do that again. Baka hindi lang ‘yan ang abutin mo sa akin.”Lumunok si Marco. Nanatili siyang kalmado sa kabila ng sungit na tinatamasa niya. “Huwag ka nang magalit sa akin. Nagpunta lang naman ako dito dahil nag-alala ako sa’yo. Tinawagan ko kasi iyang si Enzo kanina. Nabanggit niyang dinala ka niya dito kaya nagmadali akong pumunta.”“Hindi ka na sana nag-abala. Wala ka rin namang maitutulong!”“Grabe ka namang magsalita, Ate Adriana. Kapatid mo pa rin ako, of course nag-aalala ako sa’yo.”Ngumisi si Adriana. Makailang beses siyang umiling bago tumugon. “Hindi ko kailangan ng simpatya mo kaya puwede ba… umalis ka na!”Ramdam ni Yaya Jona ang bigat ng sitwasyon. Al
“I want to go home…”Napakagat labi si Enzo dahil sa tinuran ni Adriana. “Wala pang sinasabi ang doktor na pwede ka ng lumabas kaya magahinga ka na muna diyan.”“Where’s Yaya Jona?” tanong ng dalaga. “Sabihin mo sa kaniya na ilabas na ako dito. Mas magkakasakit ako kapag nag-stay ako dito ng mas matagal.”“Wala siya. Pinauwi ko muna para kumuha ng ilang gamit mo.”Pilit na tumayo si Adriana. Pinaiiral na naman niya ang katigasan ng ulo niya.“I said I want to go home! Ano bang mahirap maintindihan do’n?” Hinawakan ni Adriana ang heplock na nakakabit sa kaniyang kamay. Tinakot niya si Enzo at sa kaba nito ay wala itong nagawa kung hindi ang sumunod. “Fine! Tatawag lang ako ng nurse o ng doktor para magtanong kung puwede ka ng lumabas. Diyan ka lang ha? Huwag kang gagawa ng kahit ano’ng kalokohang ikapapahamak mo.”Baka magtungo sa nurse’s station ay muling tinapunan ng tingin ni Enzo ang dalaga. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging seryoso. “Excuse me… may I ask kung may result n
“Kumusta po siya, doc?”Halos sabay na napatayo sina Enzo at Yaya Jona nang lumabas ang doktor mula sa emergency room.Tinanggal ng doktor ang suot nitong face mask bago sumagot. “She's stable now.”Sabay na nakahinga nang maluwag sina Enzo at Yaya Jona.“Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ni Yaya Jona. “Bakit po siya nawalan ng malay?”“Severe exhaustion. Mataas ang stress level niya. M-may problema ba ang pasyente? Dahil bumigay ang katawan niya kaya siya nawalan ng malay.”Hindi nakaimik si Enzo. Parang may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya.“Sa totoo lang po ay kamamatay lang po ng ama niya. Nagluluksa po siya sa pagkawala nito kaya po siguro siya nawalan ng malay.” Kinagat ni Yaya Jona ang ibabang bahagi ng labi niya. Sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili kahit pa alalang-alala na siya sa alaga niya. “Pwede na ba namin siyang makita?”Tumango ang doktor. “Maari pero isa-isa lang dahil kailangang magpahinga ng pasyente.”Matapos umalis ng doktor a
Ilang hakbang pa ang layo ni Adriana mula sa kuwarto ng kaniyang ama ngunit hindi na niya maiangat ang kaniyang mga paa. Para na itong dumikit sa sahig. “Fúck, Adriana! Bakit ba apektadong-apektado ka sa pagkawala ng ama mo, samantalang hindi ka naman naging mabuting anak dito noong nabubuhay pa ito? Hindi ba’t mas pinili mo nga na magpakalayo at mamuhay mag-isa sa ibang bansa kaysa tulungan siya lalo na noong kailangan ka niya?” Halos iuntog na nito ang kaniyang ulo sa pader habang kausap ang kaniyang sarili. Noong sandaling iyon ay pinipilit pa rin niya na pasukin ang kuwarto ng kaniyang yumaong ama.Makalipas ang ilang minuto ay nahawakan na rin niya ang doorknob ng pintuan ng kuwarto ni Don Alejandro. Kung tutuosin ay mabilis niya lamang sana na mapapasok iyon ngunit hindi niya mawari kung bakit hirap na hirap siya.“I’m home, dad! Nakabalik na ako dito sa bahay at nandito ako sa kuwarto mo ngayon. Naaalala ko pa noong bata pa ako… palagi mo akong pinagbabawalan na pumasok dito.
Nanatiling tahimik si Adriana matapos marinig ang sinabi ni Enzo. Hindi na siya sumagot pa.Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Pilipinas, pakiramdam niya ay wala siyang sapat na salita para ilarawan ang bigat na nararamdaman niya. Galit siya. Nasasaktan siya. At higit sa lahat ay nalilito siya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya noong sandaling iyon."Kung buhay pa si dad..." mahinang sambit niya habang nakatingin sa kawalan. "Siguro sinigawan ko na siya."Bahagyang ngumiti si Enzo. "Sigurado akong sasagutin ka rin niya.""At sigurado rin akong hindi ko siya papatahimikin hangga't hindi niya ipinapaliwanag ang lahat."“Hindi na natin maibabalik ang panahon,” napabuntong hininga si Enzo tsaka itinuon ang tingin kay Adriana. “Kaso wala na siya. Siguro mas kailangan siya ng langit kaya siya kinuha kahit kailangan pa natin siya.”Ngumisi si Adriana. Pinitik niya ang noo ni Enzo bago tumugon. “Stúpid! Ano’ng kinuha ng langit ang pinagsasabi mo?! ‘Di ba sa ‘yo na mismo n
“Did you fúcking hear me, Lorenzo?! Ano’ng klaseng tao ang Marco na ‘yon? Dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi?”“Kung ako ang tatanungin ay oo. Dapat—dahil kapatid mo siya. Tsaka pinagkakatiwalaan din naman siya ng daddy mo. Binigyan pa nga siya ng mataas na posisyon sa kumpanya ‘di ba?! Kaya bakit hindi…” Enzo bit his lower lips. “Kayong dalawa na lang ang naiwan ng daddy niyo. Dapat siguro ay simulan mo nang kilalanin ang kapatid mo para mapadali ang buhay mo. Siya lang ang makakatulong sa ‘yo lalo na’t malaking responsibilidad ang gagampanan mo.”“Malaking responsibilidad? Ano’ng ibig mong sabihin?” Bumwelo si Enzo. Tumikhim siya bago sumagot. “Nakalagay sa last will and testament ng daddy mo na ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Kasama doon ang posisyon niya bilang presidente.”Sa gulat ay umawang ang bibig ni Adriana. Napaliyad siya mula sa kaniyang kinauupuan. “Seryoso ka ba diyan, Lorenzo?! Masyadong mabigat ‘yang sinasabi mo. Alam mong bata pa lang ay buhay prin
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."] Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa
Nanatiling tahimik si Adriana habang nakatitig lamang sa lalaki. Nakatikom ang labi niya at bakas sa kaniyang mukha ang galit at sakit.“Answer me, Lorenzo! Huwag kang umasta na parang wala kang alam!” Napabuntong-hininga si Enzo bago isinandal ang likod sa driver's seat. “Hindi ko alam ang buong
"What do you mean murdered?"Natigilan si Adriana matapos marinig ang tinuran ni Enzo. Hindi niya niya binalak pa na maglakad palayo. Bagkus ay unti-unti siyang lumingon kay Enzo. Nanatili namang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso."W-what did you just say?" tanong ni Adriana. Bakas s
“Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





