Masuk"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay.
"Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kanyang pamilya sa malayong probinsya sa Leyte. Dahil sa kahirapan ng buhay kailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral. May pangtustos na siya sa pag-aaral niya, mayroon pa siyang pampadala ng pera sa Inay at mga kapatid niya. "Halika na... ikaw na susunod na iinterbiyuhin," utos ng babaeng nakasalamin kay Loyalty. Napahinga ng malalim si Loyalty. "This is it, Loyalty. Kaya mo 'to," pagpapalakas niya ng loob. Kanina pa siya kinakabahan, halos dalawa na lamang sila natitira at mag-aalas singko na ng hapon. Nagtataka naman siya na lahat ng mga babaeng nauna sa kanya ay puros hindi natanggap. Ang dinig niyang sinasabi ng mga ito ay tatawagan na lamang daw sila. Lalo tuloy siyang ninerbiyos na masyadong mapili ang nag-iinterview sa kanila. Tumayo na si Loyalty at inayos ang sarili. Ibinaba niya ang tumaas na black skirt niya. Naka-semi formal siya. Para na ngang office girl ang kanyang attire. While blouse at black pencil skirt na may maiksing slit sa gilid. Tinernuhan din niya iyon ng black shoes na may 2 inches na heels. Pak na pak! Ready na siya para sa kanyang interview at gagawin niya ang lahat para siya matanggap. Hindi siya uuwing luhaan gaya ng mga naunang nag-apply. "Good luck, girl!" Sabi ng babaeng katabi ko. Pagkatapos ko ay siya na ang kasunod. Pang-30 ata siya sa listahan. Sa sobrang dami ay inabot talaga ng uwian. "Miss Sarmiento, halika na. Hinihintay ka na ni Sir sa loob," tawag muli ng babae. Napangiti ako at nahiya ng konti. Muli akong huminga ng malalim at pilit pinapakalma ang kinakabahan kong dibdib. Nang makalapit siya sa babae ay binuksan niya ang pinto. Dahan-dahan pang pumasok sa loob ng opisina si Loyalty at tila nag-aalangan dahil sa kaba. Nagtaka siya sa loob ng opisina. Wala namang tao sa loob. May lamesa at isang upuan. Napalingon si Loyalty sa babae. "Nasaan po ang mag-iinterview sa akin?" tanong ni Loyalty. "Andito si Sir. Kakausapin ka niya. Maupo ka na, Miss Sarmiento." Sagot ng babae na ngumiti ng payak. Nagtaka naman si Loyalty na nagpalinga-linga sa buong silid. Walang tao, maliban sa kanilang dalawa ng babaeng may hawak ng papel niya. "Maupo ka na, Miss Sarmiento," utos ng babae. Tumalima naman si Loyalty at hinintay ang pagdating ng sinasabing Sir na mag-i-interview sa kanya. Ilang segundo pa ang hinintay niya, lumabas ang babae at nai-lock ang pinto. Naiwan siya sa loob na mag-isa. "Miss Loyalty Sarmiento?" Napasinghap si Loyalty nang may tumawag sa kanyang buong pangalan. Hindi niya malaman kung sasagot ba siya o hindi. "O-Opo," sagot niya na natatakot na. "Can you stand up?" Nagtaka siya sa boses. Pinapatayo siya? Kasama ba iyon sa interview? "I said, stand up..." madiing ulit ng boses. Mabilis siyang tumayo na nag-aalangan pa rin. "Please turn around, Miss." Muling utos ng boses. Napaamang si Loyalty. Naguguluhan at nalilito siya dahil sa kakaibang interview sa kanya. Dahan-dahan siyang nagtaas ng kamay. "A-Ano pong ibig sabihin ng mga pinapagawa n'yo? Hindi po model ang inaaplayan ko, kundi assistant. Pero part time lang po dahil nag-aaral pa po ako." "Hmm... how old are you?" "Eighteen po." Sagot ni Loyalty. "You’re too young for the position." Napakunot ang noo ni Loyalty. “Pero kaya ko naman po, Sir. Marunong po akong mag-organize ng files, mag-assist, at mabilis po akong matuto. Kung pagbibigyan n’yo lang po ako ng pagkakataon—” “Sit down.” Malamig at mababa ang boses na pumigil sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo, pinipilit itago ang nanginginig niyang mga kamay. Hindi pa rin niya makita kung saan nanggagaling ang boses. Tanging ilaw mula sa lampshade sa mesa lang ang bukas sa loob ng opisina, kaya’t kalahati ng silid ay natatabunan ng anino. “Why do you want this job?” tanong ng lalaki, tila nasa likod ng kurtinang naghahati sa opisina. Napakagat si Loyalty sa labi. “Kailangan ko po ng trabaho para makapagpatuloy ako sa pag-aaral. Gusto ko rin pong makatulong sa pamilya ko sa Leyte.” Tahimik. Ilang segundo rin bago muling nagsalita ang lalaki. “Marami na akong narinig na ganyan. Pero karamihan sa kanila… hindi nagtatagal.” Hindi na siya nakasagot. Pilit niyang pinapakalma ang sarili habang iniipit sa palad ang strap ng sling bag niya. Narinig niyang kumalansing ang metal doorknob. Bumukas ang pinto sa loob, isang maliit na silid sa kanan at saka lumabas ang isang lalaking nakasuot ng dark gray suit. Matangkad ito, may matalim na tingin, at halatang sanay mag-utos. “Sir Alaric…” sabi ng babaeng kanina ay nagbukas ng pinto, bago ito tuluyang lumabas at isinara muli ang pinto sa kanila. Tumigil ang paghinga ni Loyalty sa kaba. ‘Ito na siguro ang Sir na sinasabi nila.’ Lumapit ang lalaki sa mesa, binuksan ang folder at tumingin sa kanya. “So, Loyalty Sarmiento. From Leyte. Eighteen years old. Taking Business Administration?” “O-Opo.” Tinitigan siya nito ng diretso. “You know this is a private company, not an internship program, right?” Tumango siya. “Opo, Sir. Pero handa po akong matuto at magtrabaho nang maayos.” Maya-maya ay bahagyang kumunot ang noo ni Sir Alaric. “You remind me of someone…” bulong nito, tila para sa sarili. Hindi na lang kumibo si Loyalty. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. “Alright,” ani Alaric matapos ang ilang segundo. “Let’s see if your loyalty matches your name. You’ll start tomorrow. 8 a.m. sharp.” Napasinghap si Loyalty, hindi agad makapaniwala. “T-tanggap na po ako?” Tumingin lang ito sa kanya, malamig pero matalim ang mga mata. “For now.” Iyon lang ang sinabi nito bago muling tumalikod at bumalik sa loob ng maliit na silid, iniwang nakatulala si Loyalty. Hindi makapaniwala kung dapat ba siyang matuwa o kabahan dahil natanggap na siya sa trabaho.“LOYALTY!” Sigaw ni Carla. Pumunta siya sa San Gabriel para dalawin ang kaibigan at ipinatawag din siya nito. Napaharap si Loyalty kay Carla. Kumaway ito sa SA kanya habang nakangiti. Niyakap niya ang kaibigan. “Buti at hindi ka naligaw,” sabi niya. “Muntikan na nga. Buti nga at natandaan KO papunta dito.” Tugon ni Loyalty. Kinayag ni loyalty si Carla papunta SA bahay nila. Nang makapasok SA loob ay inaok niya itong maupo. Napalinga si Carla sa loob ng bahay nila Loyalty. Humanga siya sa ganda nito. Mukhang bagong gawa ang bahay ng kaibigan niya. “Ang ganda na Ng bahay niyo. Ipinagawa mo ulit?” tanong niya. “Ah, oo. Gamit ang Pera na bigay ni Sir Kyle.” “Ang swerte mo talaga…” “Paano matatawag na swerte iyon? Iniwan ko ang anak ko sa kanila. Kapalit ng karangyaan.” Masakit pa rin sa kanyang dibdib ang ginawa. Tahimik na napabuntong-hininga si Carla. Umupo siya sa tabi ni Loyalty at marahang hinawakan ang kamay nito. "Loyalty, huwag mong isipin na ipinagpalit mo ang anak
KANINA pa naghihintay si Kyle sa pag-uwi ni Felicity. Napatingin siya sa malaking wall clock sa pader. Alas diyes na ng gabi pero wala pa ang asawa niya.Napatulog na niya si junior. Hind niya alam kung paano pa pagtatakpan si Felicity. Hindi na kasi natutuunan ng pansin nito ang kanilang anakNapabuntong-hininga si Kyle.Kanina pa siya pabalik-balik sa sala. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa pinto, umaasang anumang oras ay bubukas iyon at papasok si Felicity.Pero nananatiling tahimik ang buong mansyon. Napatingin siya sa baby monitor na nasa ibabaw ng mesa. Mahimbing na natutulog si Junior sa kanyang kuna.Marahan siyang ngumiti."Good boy..." pabulong niyang sabi.Hinaplos niya ang maliit na kamay ng anak bago marahang kumot ang itinakip dito."Bakit parang ako na lang ang kasama mo palagi?" mahina niyang tanong kahit alam niyang hindi naman siya masasagot ng sanggol.Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Noong mga unang araw, halos ayaw pang bitawan ni Felicity ang bat
NAPAIWAS ng tingin si Felicity."Huwag mong ipilit ang gusto mo. Palagi pa rin naman tayong magkasama. Andito ako, oh. Si Kyle, nag-aalaga ng anak niya..." sabi ni Felicity.Tahimik lang na nakatingin si Larry sa kanya."Felicity...""Huwag na nating pag-awayan ito."Umiling si Larry."Hindi ako nakikipag-away. Gusto ko lang malaman kung hanggang kailan tayo mananatili sa ganitong sitwasyon."Napabuntong-hininga si Felicity."Ano pa ba ang gusto mong marinig?""Ang totoo."Natahimik siya. Marahan siyang umiwas ng tingin at tumingin sa bintana."Hindi ko alam ang mangyayari sa amin ni Kyle.""Pero mahal mo pa rin siya."Napapikit si Felicity. Hindi niya itinanggi. Hindi rin niya inamin. Sapat na ang pananahimik niya para maintindihan ni Larry ang sagot.Mapait itong napangiti."Kaya pala kahit magkasama tayo, pakiramdam ko may pader pa rin sa pagitan natin."Dahan-dahang tumayo si Larry at isinuot ang kanyang polo."Ayaw kong maging kapalit lang ng isang lalaking hindi mo pa nakakalimu
HINDI mapakali si Loyalty. Ang laki na ng naitulong ni Kyle sa buhay niya. Ang pagbibigay ng tatlong milyong piso ay sobra-sobra na. Parang gusto niyang ibalik ang sobrang halaga. Ayaw niyang isipin ni Kyle na pera lang ang habol niya. Paulit-ulit niyang tinitigan ang cellphone. Ilang beses niyang sinubukang mag-type ng mensahe. "Sir Kyle, maraming salamat po..." Maya-maya ay binura rin niya. Huminga siya nang malalim saka muling nag-type. "Sir Kyle, pakiramdam ko po ay sobra ang ipinadala ninyo..." Ilang segundo niya iyong tinitigan bago muling binura. Hindi niya alam kung ano ang tamang salitang dapat na sabihin. Ayaw naman niyang isipin ng dating amo na parang maghahabol pa siya or nagpapansin siya. Magkakaroon pa ng hindi magandang impretasyon ang pagpapadala niya Ng mensahe. Napabuntong-hininga si Loyalty. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin. Lumabas si Wella mula sa kusina at napansin ang anak. "Anak, kanina ka pa nakatitig sa cellphone mo." Napatingin si Loyal
“NAPAKALAKING pera nito, anak…” sabi ni Wella.Natigilan din si Lissie. “Sino naman pong magbibigay ng ganyan lalaking pera sa atin?”Napatingin si Wella sa kanyang panganay. Nagtatanong ang mga tingin niya sa anak.“Si Sir Kyle ang nagpadala niyan…” sagot ni Loyalty.Hindi alam ni Loyalty na ganoon kalaking pera ang ibibigay ni Kyle sa kanya para sa kabayaran ng pagiging surrogate niya.Dapat ba siyang maging masaya dahil sa malaking pera kapalit nang pag-iwan niya sa kanyang sariling anak?Napatingin sina Wella at Lissie sa kanya. Pareho silang natigilan."Si... Sir Kyle?" mahinang ulit ni Lissie.Tahimik na tumango si Loyalty."Iyan ang natitirang kabayaran sa kasunduan namin."Napabuntong-hininga si Wella."Kaya pala sinabi mong tapos na ang lahat."Tahimik lang si Loyalty. Tinitigan niya ang mensahe sa cellphone. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.Tatlong milyong piso.Halagang sapat para hindi na sila muling maghirap. Halagang sapat para matupad ang mga panga
KARGA ni Loyalty ang pamangkin niya na anak ni Limon. Bumalik sa kanyang pag-aaral si Limon kaya siya ang nag-aalaga ngayon sa anak ng kapatid niya. Naikasal na ang kapatid niya at napagawa na rin ang bahay nila. “Anak, akin na si Princess. Papaliguan ko muna,” sabi ni Wella. Napaharap siya sa Inay niya at kinuha nito ang bata sa kanya. Pilit niyang pinapasigla ang aura para makita nilang masaya pa rin siya. Pero sa loob-loob niya durog na durog siya. May kulang na bahagi sa puso niya. Napangiti si Wella habang kinakarga ang apo. "Salamat, anak. Malaking tulong ka talaga sa amin." "Wala po iyon, Inay," sagot ni Loyalty. Tahimik siyang naupo sa bangkong kawayan sa may harapan ng bahay. Pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro sa kalsada. Maya-maya ay narinig niya ang mahinang tawa ni Princess habang pinapaliguan ito ng kanyang ina. Napangiti rin siya. Mahilig talaga siya sa mga bata. Pero kasabay ng ngiting iyon ay may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang i
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t







