MasukMASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan.
"Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi na isasahog kita sa pagkain namin. Ang mahal ng bilihin ngayon..." putak ni Tiya Belen kay Loyalty. Nakapameywang ito at nakataas ang isang kilay. "May trabaho na po ako, tiya. Huwag na po kayong mag-alala sa kakain ko dahil itong buwan tiyak na sasahod na ako." Nanlaki ang mga mata ni Tiya Belen at napangiti nang malawak. "Magkano ang sasahurin mo sa isang buwan, Loyalty? Mga dalawampung libong piso ba?" Mga tanong niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti at nagniningning ang mata pagdating sa pera. "Hindi ko pa po alam. Pero malaki pong kompanya ang inapplayan ko..." sagot ni Loyalty. Nawala ang ngiti ni Belen. Napaismid ito. "Hmmp... Loyalty, tandaan mo ang bayad natin sa kuryente at tubig. Huwag mong kakalimutan mag-ambag. Gumagamit ka ng kuryente at tubig... mga limang libo para sa ambag mo." Sa loob-loob ni Loyalty, pera lang talaga ang gusto ni Tiya Belen. Ang akala nila ng inay niya na magiging maayos siya kapag tumira kasama nito. Pero kabaliktaran ang inaasahan niya. Ayaw niya rin magsumbong sa inay niya dahil baka mag-alala pa ito. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral para makatulong sa pagtataguyod ng kanyang mga kapatid. Kaya ngumiti na lang si Loyalty kahit masakit na sa loob niya. “Opo, Tiya. Mag-aambag po ako kapag nakasahod na ako,” mahina niyang tugon, sabay yuko ng ulo. “Tandaan mo ‘yan ha, Loyalty. Ayoko ng paasa. Marami ka nang utang sa kabutihan ko,” dagdag pa ni Belen habang naglalakad papasok ng bahay. Tahimik lang si Loyalty na sumunod. Pumasok siya sa maliit na silid na tinutuluyan niya sa likod ng bahay. Isang kwartong gawa sa pinagtagpi-tagping playwud at may manipis na kurtinang nagsisilbing pinto. Pagkaupo niya sa kama, napahinga siya nang malalim. Pinunasan niya ang pawis sa noo, saka ngumiti nang marahan. Kahit gaano kahirap, masaya pa rin siya. Dahil ito na ang simula ng katuparan ng mga pangarap niya. Binuksan niya ang bag at kinuha ang isang lumang larawan ng pamilya nila. Nakangiti siya habang pinagmamasdan iyon. “Konting tiis pa, Inay at mga kapatid ko. Gaganda rin ang buhay natin,” mahinang sabi niya. Kinagabihan, bago siya matulog, pinangarap niya kung paano magiging maayos ang lahat kapag nagsimula na siyang magtrabaho. Hindi niya alam kung gaano kabigat o kahirap ang trabahong papasukin niya. Pero handa siyang harapin iyon para sa pamilya niya. Maagang nagising si Loyalty dahil unang araw ng kanyang trabaho. Hindi pa niya alam ang dress code nila sa kompanya. Panggabi pa naman ang pasok niya sa University. Kaya pagkatapos sa trabaho ay didiretso na siyang pumasok sa eskwelahan. "Mag-almusal ka muna, Loyalty. Baka sabihin mo napakasama kong tiyahin sa'yo. Tignan mo ipinagluto pa kita." Pagmamayabang na sabi ni Belen. "Salamat po, tiya. Pero sa opisina na lang po ako mag-aalmusal." Tanggi ni Loyalty. Alam naman niya na may kapalit ang pagmamagandang-loob ng kanyang tiyahin. "Aba, Loyalty... tinatanggihan mo ba ang pinaghirapan kong lutuin? Napakawalang-pakunswelo mo naman. Gumising pa ako ng maaga para umabot bago umalis." "E, sino naman po kasing may sabi na ipagluto n'yo ako ng almusal?" Napataas ang kilay ni Tiya Belen. “Aba, aba! Sumusagot ka na ngayon, ha? Ganyan ka ba pinalaki ng Inay mo?” madiin nitong sabi, sabay hampas ng sandok sa mesa. Agad namang natahimik si Loyalty. “Hindi po, tiya… Pasensya na po. Nagmamadali lang po talaga ako,” mahinahon niyang sagot. “Hmp! Kung nagmamadali ka, e ‘di sige. Pero tandaan mo, Loyalty, ang mga taong marunong tumanaw ng utang na loob, ‘yan ang pinagpapala. Sana hindi mo makalimutan kung sino ang tumulong sa’yo noong wala ka pang trabaho.” Tumango na lang si Loyalty kahit gusto na niyang pumikit sa inis. Bitbit ang kanyang lumang sling bag at folder ng mga requirements, nagpaalam na siya. “Aalis na po ako, tiya. Baka ma-late pa ako.” “’Wag kang magpapahiya, ha! Huwag mong sabihin sa opisina n’yo na sa bahay ko ka nakatira. Baka isipin nila pinapabayaan kita dito,” pahabol pa ni Tiya Belen habang nag-aayos ng pinggan. Napahinga nang malalim si Loyalty paglabas ng bahay. Inilabas niya ang maliit na panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis sa leeg. Mainit na agad kahit maaga pa. Habang naglalakad papunta sa sakayan, pinilit niyang ngumiti. “Kayang-kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili. “Para kay Inay. Para sa mga kapatid ko.” Pagdating niya sa kompanya, napanganga siya sa laki ng gusali. Makintab ang sahig, may mga receptionist na nakaayos ang uniporme at bawat empleyado ay abala sa kani-kanilang mga laptop. Napalunok siya at nanginginig ang kamay habang inabot ang ID sa guard. “First day mo?” tanong ng guard, sabay ngiti. “Opo,” mahina niyang tugon. “Ako po si Loyalty Sarmiento.” “Ah, oo. Nasa listahan ka. Sa HR ka muna pumunta sa third floor, ‘yung opisina sa dulo.” “Salamat po,” sabi niya, sabay ngiti. Habang paakyat ng hagdan, bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi dahil sa kaba lang, kundi sa saya at pag-asa. Ito na ‘yung simula ng bagong yugto sa buhay niya. Kahit may mga taong kagaya ni Tiya Belen na laging bumubunganga, hindi iyon makakabura sa pangarap niyang balang araw, siya naman ang tutulong sa iba, lalo na sa Inay niya. Pagpasok niya sa HR office, sinalubong siya ng babaeng nakangiti. “Hi, you must be Loyalty Sarmiento?” “Yes, ma’am,” sagot niya, mahina pero puno ng respeto. “Welcome to Marasigan Corporation,” sabi nito, sabay abot ng kamay. “We’re glad to have you on board.” Napangiti si Loyalty. Parang nagbalik sa kanya ang mga araw na sobrang hirap na hirap siya sa paghahanap ng trabaho. Pero ngayon, ramdam niyang worth it lahat ng kanyang pagod. “Thank you po, ma’am,” sagot niya habang nakangiti. "May susundo sa'yo at dadalhin ka sa totoong trabaho mo..." "H-Ho? A-Ano po 'yon?" tanong niya na parang mali ang kanyang dinig.“LOYALTY!” Sigaw ni Carla. Pumunta siya sa San Gabriel para dalawin ang kaibigan at ipinatawag din siya nito. Napaharap si Loyalty kay Carla. Kumaway ito sa SA kanya habang nakangiti. Niyakap niya ang kaibigan. “Buti at hindi ka naligaw,” sabi niya. “Muntikan na nga. Buti nga at natandaan KO papunta dito.” Tugon ni Loyalty. Kinayag ni loyalty si Carla papunta SA bahay nila. Nang makapasok SA loob ay inaok niya itong maupo. Napalinga si Carla sa loob ng bahay nila Loyalty. Humanga siya sa ganda nito. Mukhang bagong gawa ang bahay ng kaibigan niya. “Ang ganda na Ng bahay niyo. Ipinagawa mo ulit?” tanong niya. “Ah, oo. Gamit ang Pera na bigay ni Sir Kyle.” “Ang swerte mo talaga…” “Paano matatawag na swerte iyon? Iniwan ko ang anak ko sa kanila. Kapalit ng karangyaan.” Masakit pa rin sa kanyang dibdib ang ginawa. Tahimik na napabuntong-hininga si Carla. Umupo siya sa tabi ni Loyalty at marahang hinawakan ang kamay nito. "Loyalty, huwag mong isipin na ipinagpalit mo ang anak
KANINA pa naghihintay si Kyle sa pag-uwi ni Felicity. Napatingin siya sa malaking wall clock sa pader. Alas diyes na ng gabi pero wala pa ang asawa niya.Napatulog na niya si junior. Hind niya alam kung paano pa pagtatakpan si Felicity. Hindi na kasi natutuunan ng pansin nito ang kanilang anakNapabuntong-hininga si Kyle.Kanina pa siya pabalik-balik sa sala. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa pinto, umaasang anumang oras ay bubukas iyon at papasok si Felicity.Pero nananatiling tahimik ang buong mansyon. Napatingin siya sa baby monitor na nasa ibabaw ng mesa. Mahimbing na natutulog si Junior sa kanyang kuna.Marahan siyang ngumiti."Good boy..." pabulong niyang sabi.Hinaplos niya ang maliit na kamay ng anak bago marahang kumot ang itinakip dito."Bakit parang ako na lang ang kasama mo palagi?" mahina niyang tanong kahit alam niyang hindi naman siya masasagot ng sanggol.Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Noong mga unang araw, halos ayaw pang bitawan ni Felicity ang bat
NAPAIWAS ng tingin si Felicity."Huwag mong ipilit ang gusto mo. Palagi pa rin naman tayong magkasama. Andito ako, oh. Si Kyle, nag-aalaga ng anak niya..." sabi ni Felicity.Tahimik lang na nakatingin si Larry sa kanya."Felicity...""Huwag na nating pag-awayan ito."Umiling si Larry."Hindi ako nakikipag-away. Gusto ko lang malaman kung hanggang kailan tayo mananatili sa ganitong sitwasyon."Napabuntong-hininga si Felicity."Ano pa ba ang gusto mong marinig?""Ang totoo."Natahimik siya. Marahan siyang umiwas ng tingin at tumingin sa bintana."Hindi ko alam ang mangyayari sa amin ni Kyle.""Pero mahal mo pa rin siya."Napapikit si Felicity. Hindi niya itinanggi. Hindi rin niya inamin. Sapat na ang pananahimik niya para maintindihan ni Larry ang sagot.Mapait itong napangiti."Kaya pala kahit magkasama tayo, pakiramdam ko may pader pa rin sa pagitan natin."Dahan-dahang tumayo si Larry at isinuot ang kanyang polo."Ayaw kong maging kapalit lang ng isang lalaking hindi mo pa nakakalimu
HINDI mapakali si Loyalty. Ang laki na ng naitulong ni Kyle sa buhay niya. Ang pagbibigay ng tatlong milyong piso ay sobra-sobra na. Parang gusto niyang ibalik ang sobrang halaga. Ayaw niyang isipin ni Kyle na pera lang ang habol niya. Paulit-ulit niyang tinitigan ang cellphone. Ilang beses niyang sinubukang mag-type ng mensahe. "Sir Kyle, maraming salamat po..." Maya-maya ay binura rin niya. Huminga siya nang malalim saka muling nag-type. "Sir Kyle, pakiramdam ko po ay sobra ang ipinadala ninyo..." Ilang segundo niya iyong tinitigan bago muling binura. Hindi niya alam kung ano ang tamang salitang dapat na sabihin. Ayaw naman niyang isipin ng dating amo na parang maghahabol pa siya or nagpapansin siya. Magkakaroon pa ng hindi magandang impretasyon ang pagpapadala niya Ng mensahe. Napabuntong-hininga si Loyalty. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin. Lumabas si Wella mula sa kusina at napansin ang anak. "Anak, kanina ka pa nakatitig sa cellphone mo." Napatingin si Loyal
“NAPAKALAKING pera nito, anak…” sabi ni Wella.Natigilan din si Lissie. “Sino naman pong magbibigay ng ganyan lalaking pera sa atin?”Napatingin si Wella sa kanyang panganay. Nagtatanong ang mga tingin niya sa anak.“Si Sir Kyle ang nagpadala niyan…” sagot ni Loyalty.Hindi alam ni Loyalty na ganoon kalaking pera ang ibibigay ni Kyle sa kanya para sa kabayaran ng pagiging surrogate niya.Dapat ba siyang maging masaya dahil sa malaking pera kapalit nang pag-iwan niya sa kanyang sariling anak?Napatingin sina Wella at Lissie sa kanya. Pareho silang natigilan."Si... Sir Kyle?" mahinang ulit ni Lissie.Tahimik na tumango si Loyalty."Iyan ang natitirang kabayaran sa kasunduan namin."Napabuntong-hininga si Wella."Kaya pala sinabi mong tapos na ang lahat."Tahimik lang si Loyalty. Tinitigan niya ang mensahe sa cellphone. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.Tatlong milyong piso.Halagang sapat para hindi na sila muling maghirap. Halagang sapat para matupad ang mga panga
KARGA ni Loyalty ang pamangkin niya na anak ni Limon. Bumalik sa kanyang pag-aaral si Limon kaya siya ang nag-aalaga ngayon sa anak ng kapatid niya. Naikasal na ang kapatid niya at napagawa na rin ang bahay nila. “Anak, akin na si Princess. Papaliguan ko muna,” sabi ni Wella. Napaharap siya sa Inay niya at kinuha nito ang bata sa kanya. Pilit niyang pinapasigla ang aura para makita nilang masaya pa rin siya. Pero sa loob-loob niya durog na durog siya. May kulang na bahagi sa puso niya. Napangiti si Wella habang kinakarga ang apo. "Salamat, anak. Malaking tulong ka talaga sa amin." "Wala po iyon, Inay," sagot ni Loyalty. Tahimik siyang naupo sa bangkong kawayan sa may harapan ng bahay. Pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro sa kalsada. Maya-maya ay narinig niya ang mahinang tawa ni Princess habang pinapaliguan ito ng kanyang ina. Napangiti rin siya. Mahilig talaga siya sa mga bata. Pero kasabay ng ngiting iyon ay may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang i
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya







