LOGINNAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak.
"Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumayag ka lang..." tila nakikiusap na sabi ni Felicity, ang babaeng kaharap niya. Nakita ni Loyalty ang luha sa mga mata nito, luha ng matinding pagnanais na magkaroon ng sariling pamilya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kyle. Matangkad, matipuno, at may mukhang puno ng awtoridad. Agad na napahinto ang hininga ni Loyalty nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi maipaliwanag ang kakaibang kaba at kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan. Tinignan muna ni Leon ang kanyang asawa bago ibaling ang matalim na tingin kay Loyalty. Dahan-dahan siyang lumapit at tumayo sa tabi ni Felicity habang hindi inaalis ang paningin sa dalaga. "Totoo ang sinabi ng aking asawa," mariing sabi ni Kyle. "Kailangan namin ng iyong tulong, Loyalty. Bilang kapalit, ibibigay ko ang lahat ng iyong nais. Pera, ari-arian, o kahit anong materyal na bagay, makukuha mo ang lahat basta matupad mo ang iyong pangako." Napakuyom ni Loyalty ang kanyang mga kamay. Alam niyang malaking halaga ang iaalok sa kanya ng mag-asawa. Ito ang tanging paraan upang malutas ang matinding suliraning pinagdaraanan ng kanyang pamilya. Ngunit sa kabilang dako, alam din niyang hindi ito magiging madali. Hindi lang basta pagbubuntis ang hinihingi sa kanya, kailangan niyang isuko ang kanyang katawan sa lalaking kaharap. "Alam ko ang iyong kalagayan," patuloy pa ni Felicity. "Ang pag-aaral mo at masusuportahan mo ang buong pamilya mo sa probinsya. Lahat iyon ay matatapos sa oras na pumayag ka. Ito ang tanging pagkakataon mo, Loyalty. Huwag mong sayangin." Napatingin si Loyalty kay Felicity na muling lumuhod sa harapan niya. "Pakiusap, Loyalty. Maging ina ka muna ng aking anak. Kapag ipinanganak mo na siya, ibibigay namin ang lahat ng pangangailangan mo. Wala ka nang haharapin pang suliranin. At pangako... hindi ka namin pipilitin na manatili kung ayaw mo na." Nanginginig ang buong katawan ni Loyalty habang pinakikinggan ang mga ito. Ang kalooban niya ay tumututol, ngunit ang kanyang isip ay napipilitang tanggapin ang katotohanan. Wala siyang ibang mapagkukunan ng tulong kundi ang mag-asawang ito. "Kailangan... kailangan ko munang malaman ang lahat ng kondisyon," nanginginig na sagot ni Loyalty habang iniiwas ang tingin sa matalim na mga mata ni Kyle. "Ano... ano ang aking gagawin? Paano... paano ko ipagbubuntis ang inyong anak?" Napangiti nang bahagya si Felicity. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Sa simpleng paraan lamang, Loyalty. Kailangan mong makipagtalik sa aking asawa. Dito ka maninirahan sa aming tahanan hanggang sa ipanganak mo ang sanggol. At kapag lumabas na siya, ibibigay mo siya sa amin at malaya ka na." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Loyalty nang marinig ang mga salitang iyon. Kailangan niyang ibigay ang kanyang kadalisayan sa lalaking hindi niya asawa, sa asawa ng babaeng kaharap niya. "Kailangan ko ang iyong sagot ngayon din," madiing singit ni Kyle. "Pumayag ka at ang lahat ng iyong problema ay matatapos. Kung hindi... ikaw ang mananagot sa lahat ng kahihinatnan ng iyong pamilya." Tumingin si Loyalty sa mag-asawa. Nakita niya ang matinding pagnanasa sa mukha ni Felicity at ang matigas na paghahangad sa mga mata ni Kyle. Sa oras ding iyon, napagtanto niyang wala na siyang ibang pagpipilian. Ang kanyang kalooban ay napapailalim na ng kanyang kinabukasan at ng kanyang pamilya. "Pumapayag na ako..." mahinang sagot ni Loyalty habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Gagawin ko ang hinihingi ninyo. Ngunit pangako ninyo, ibibigay ninyo ang lahat ng inyong sinabi. At kapag tapos na ang lahat, palalayain ninyo ako nang walang kahit anong kondisyon." Napangiti nang matamis si Felicity at niyakap ang dalaga. "Maraming salamat, Loyalty. Maraming salamat. Hindi ka namin sasaktan. Ikaw ang aming tagapagligtas." Ngunit sa likuran nila, nakatitig lamang si Kyle kay Loyalty. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata, hindi lamang pagnanais na magkaroon ng anak. Mayroon doon ang bagay na ikinakatakot ni Loyalty... ang pagnanais na angkinin din siya bilang kanya. "Mula ngayon, ikaw ay akin na..." bulong ni Kyle sa sarili habang nakatitig sa inosenteng mukha ng dalaga. "Hindi ko pa man nakukuha ang anak na nais ko... ngunit tiyak na makukuha rin kita." UMUWI si Loyalty sa bahay ng kanyang tiya. Wala siyang taong naabutan sa bahay. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto na ibinigay para sa kanya. Ibinaba niya lang ang kanyang bag at ibinagsak ang katawan sa kama. Nakayakap siya sa kanyang sarili habang ang mga luha ay kusang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang matinding kirot sa kalooban sa napagpasyahan niyang gawin. Sumagi sa isip niya ang kanyang pamilya sa probinsya. Ang Nanay niya na mag-isang itinataguyod ang kanyang dalawa pang kapatid. Simula noong mawala ang Tatay niya ay parang nawalan ng kulay ang buhay ang kanilang buong pamilya. Napilitan siyang lisanin ang kanilang tahanan upang maghanapbuhay at tumulong sa lahat ng kanyang makakaya. Nakita niya kung paano unti-unting nanghina ang kanyang ina dahil sa sobrang pagtatrabaho, at kung paano napipilitang tumigil sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid dahil sa kakulangan ng pera. "Kailangan kong gawin ito... para sa kanila... ito lang ang tanging paraan," bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Kahit anong sakripisyo, kakayanin ko. Basta makita ko lang na maayos at masagana ang buhay ninyo..." Ngunit sa kabila ng kanyang pagtitiwala, hindi niya maalis sa kanyang isipan ang mukha ni Kyle. Ang matalim na mga mata at ang di-mababanggit na damdaming naramdaman niya tuwing nakatitig ito sa kanya. Kinilabutan siya sa alaala ng mga salitang binitawan nito. Alam niyang hindi magiging madali ang kanyang tatahakin, lalo pa't kailangan niyang ibigay ang kanyang sarili sa asawa ng ibang babae. "Kakayanin mo ito, Loyalty. Matatapos din ang lahat kapag naipanganak ko na ang sanggol. At makakabalik ka rin sa dati mong buhay," pampalakas-loob niya sa sarili. Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata. Dahan-dahang dinadala siya ng antok at doon ay muling nabuhay ang mga alaala ng nakaraan.“LOYALTY!” Sigaw ni Carla. Pumunta siya sa San Gabriel para dalawin ang kaibigan at ipinatawag din siya nito. Napaharap si Loyalty kay Carla. Kumaway ito sa SA kanya habang nakangiti. Niyakap niya ang kaibigan. “Buti at hindi ka naligaw,” sabi niya. “Muntikan na nga. Buti nga at natandaan KO papunta dito.” Tugon ni Loyalty. Kinayag ni loyalty si Carla papunta SA bahay nila. Nang makapasok SA loob ay inaok niya itong maupo. Napalinga si Carla sa loob ng bahay nila Loyalty. Humanga siya sa ganda nito. Mukhang bagong gawa ang bahay ng kaibigan niya. “Ang ganda na Ng bahay niyo. Ipinagawa mo ulit?” tanong niya. “Ah, oo. Gamit ang Pera na bigay ni Sir Kyle.” “Ang swerte mo talaga…” “Paano matatawag na swerte iyon? Iniwan ko ang anak ko sa kanila. Kapalit ng karangyaan.” Masakit pa rin sa kanyang dibdib ang ginawa. Tahimik na napabuntong-hininga si Carla. Umupo siya sa tabi ni Loyalty at marahang hinawakan ang kamay nito. "Loyalty, huwag mong isipin na ipinagpalit mo ang anak
KANINA pa naghihintay si Kyle sa pag-uwi ni Felicity. Napatingin siya sa malaking wall clock sa pader. Alas diyes na ng gabi pero wala pa ang asawa niya.Napatulog na niya si junior. Hind niya alam kung paano pa pagtatakpan si Felicity. Hindi na kasi natutuunan ng pansin nito ang kanilang anakNapabuntong-hininga si Kyle.Kanina pa siya pabalik-balik sa sala. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa pinto, umaasang anumang oras ay bubukas iyon at papasok si Felicity.Pero nananatiling tahimik ang buong mansyon. Napatingin siya sa baby monitor na nasa ibabaw ng mesa. Mahimbing na natutulog si Junior sa kanyang kuna.Marahan siyang ngumiti."Good boy..." pabulong niyang sabi.Hinaplos niya ang maliit na kamay ng anak bago marahang kumot ang itinakip dito."Bakit parang ako na lang ang kasama mo palagi?" mahina niyang tanong kahit alam niyang hindi naman siya masasagot ng sanggol.Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Noong mga unang araw, halos ayaw pang bitawan ni Felicity ang bat
NAPAIWAS ng tingin si Felicity."Huwag mong ipilit ang gusto mo. Palagi pa rin naman tayong magkasama. Andito ako, oh. Si Kyle, nag-aalaga ng anak niya..." sabi ni Felicity.Tahimik lang na nakatingin si Larry sa kanya."Felicity...""Huwag na nating pag-awayan ito."Umiling si Larry."Hindi ako nakikipag-away. Gusto ko lang malaman kung hanggang kailan tayo mananatili sa ganitong sitwasyon."Napabuntong-hininga si Felicity."Ano pa ba ang gusto mong marinig?""Ang totoo."Natahimik siya. Marahan siyang umiwas ng tingin at tumingin sa bintana."Hindi ko alam ang mangyayari sa amin ni Kyle.""Pero mahal mo pa rin siya."Napapikit si Felicity. Hindi niya itinanggi. Hindi rin niya inamin. Sapat na ang pananahimik niya para maintindihan ni Larry ang sagot.Mapait itong napangiti."Kaya pala kahit magkasama tayo, pakiramdam ko may pader pa rin sa pagitan natin."Dahan-dahang tumayo si Larry at isinuot ang kanyang polo."Ayaw kong maging kapalit lang ng isang lalaking hindi mo pa nakakalimu
HINDI mapakali si Loyalty. Ang laki na ng naitulong ni Kyle sa buhay niya. Ang pagbibigay ng tatlong milyong piso ay sobra-sobra na. Parang gusto niyang ibalik ang sobrang halaga. Ayaw niyang isipin ni Kyle na pera lang ang habol niya. Paulit-ulit niyang tinitigan ang cellphone. Ilang beses niyang sinubukang mag-type ng mensahe. "Sir Kyle, maraming salamat po..." Maya-maya ay binura rin niya. Huminga siya nang malalim saka muling nag-type. "Sir Kyle, pakiramdam ko po ay sobra ang ipinadala ninyo..." Ilang segundo niya iyong tinitigan bago muling binura. Hindi niya alam kung ano ang tamang salitang dapat na sabihin. Ayaw naman niyang isipin ng dating amo na parang maghahabol pa siya or nagpapansin siya. Magkakaroon pa ng hindi magandang impretasyon ang pagpapadala niya Ng mensahe. Napabuntong-hininga si Loyalty. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin. Lumabas si Wella mula sa kusina at napansin ang anak. "Anak, kanina ka pa nakatitig sa cellphone mo." Napatingin si Loyal
“NAPAKALAKING pera nito, anak…” sabi ni Wella.Natigilan din si Lissie. “Sino naman pong magbibigay ng ganyan lalaking pera sa atin?”Napatingin si Wella sa kanyang panganay. Nagtatanong ang mga tingin niya sa anak.“Si Sir Kyle ang nagpadala niyan…” sagot ni Loyalty.Hindi alam ni Loyalty na ganoon kalaking pera ang ibibigay ni Kyle sa kanya para sa kabayaran ng pagiging surrogate niya.Dapat ba siyang maging masaya dahil sa malaking pera kapalit nang pag-iwan niya sa kanyang sariling anak?Napatingin sina Wella at Lissie sa kanya. Pareho silang natigilan."Si... Sir Kyle?" mahinang ulit ni Lissie.Tahimik na tumango si Loyalty."Iyan ang natitirang kabayaran sa kasunduan namin."Napabuntong-hininga si Wella."Kaya pala sinabi mong tapos na ang lahat."Tahimik lang si Loyalty. Tinitigan niya ang mensahe sa cellphone. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.Tatlong milyong piso.Halagang sapat para hindi na sila muling maghirap. Halagang sapat para matupad ang mga panga
KARGA ni Loyalty ang pamangkin niya na anak ni Limon. Bumalik sa kanyang pag-aaral si Limon kaya siya ang nag-aalaga ngayon sa anak ng kapatid niya. Naikasal na ang kapatid niya at napagawa na rin ang bahay nila. “Anak, akin na si Princess. Papaliguan ko muna,” sabi ni Wella. Napaharap siya sa Inay niya at kinuha nito ang bata sa kanya. Pilit niyang pinapasigla ang aura para makita nilang masaya pa rin siya. Pero sa loob-loob niya durog na durog siya. May kulang na bahagi sa puso niya. Napangiti si Wella habang kinakarga ang apo. "Salamat, anak. Malaking tulong ka talaga sa amin." "Wala po iyon, Inay," sagot ni Loyalty. Tahimik siyang naupo sa bangkong kawayan sa may harapan ng bahay. Pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro sa kalsada. Maya-maya ay narinig niya ang mahinang tawa ni Princess habang pinapaliguan ito ng kanyang ina. Napangiti rin siya. Mahilig talaga siya sa mga bata. Pero kasabay ng ngiting iyon ay may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang i
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan







