MasukWALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty.
Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba pala ang magiging trabaho niya. "Ano 'yon?" tanong din ng tagamaneho na abala ang mata sa daan. "Saan po tayo pupunta?" Napangiti ang driver. "Alam mo, hija, wala ako sa posisyon para magsalita. Isa lang akong hamak na driver nila amo." Natahimik si Loyalty. Hindi na lang siya nagsalita at tumingin na lang sa labas. Mga ilang minuto ang naibiyahe nila ay huminto ang sinasakyang kotse ni Loyalty sa tapat ng may malaking gate. Awtomatikong bumukas ang gate. At pumasok ang kotse. Napalinga si Loyalty sa mahabang daan habang papalapit sila sa tila isang malaking bahay. Hindi nga bahay, para iyong hotel. Isang malaki at magandang hotel. "Puwede ka nang bumaba, ineng. Pumasok ka d'yan, pagkatapos ay kumaliwa ka. May kuwarto roon at hintayin mo ang hudyat," sabi ng matandang driver. "Salamat po." Pasasalamat ni Loyalty at mabilis na lumabas ng kotse. Inayos ni Loyalty ang kanyang black skirt na tumaas ng kaunti. Huminga siya ng malalim saka pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ni Loyalty sa loob ng bahay ay tila napako siya sa kinatatayuan. Ang ganda ng lugar—mga chandelier na kumikislap, mamahaling carpet, at mga painting na halatang imported. Para siyang napunta sa ibang mundo. Tahimik ang paligid. Tanging tunog ng kanyang mga hakbang ang maririnig sa marmol na sahig. Sinunod niya ang sinabi ng driver at kumaliwa. Doon ay nakita niya ang isang mahabang hallway na may mga pintuang kulay itim na may gintong numero sa gitna. Napahinto siya sa harap ng kuwarto. Hindi niya alam kung ito nga ang tinutukoy ng matandang driver, pero parang may kung anong humihila sa kanya para pumasok. Hinawakan niya ang door knob. Mainit-init pa ito, parang may tao sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit at bumungad sa kanya ang isang kuwartong puno ng amoy ng mamahaling pabango. “Loyalty Sarmiento?” malamig ngunit mahinahong tanong ng boses lalaki. “O-opo,” sagot niya, bahagyang nanginginig. Mag-isa lang siya sa loob ng kuwarto. “Good. You’re right on time. 'Wag kang matakot. Relax ka lang...” sabi ng boses. “Can you remove your top? Nanlaki ang mga mata ni Loyalty. “A-ano po?” "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, hubarin mo ang blouse mo." Napaamang si Loyalty. Hindi siya makapaniwala sa inutos ng mahiwagang boses. Nanigas ang katawan ni Loyalty. Parang natuyuan siya ng laway. Hindi siya agad nakapagsalita, at tanging tibok lang ng puso niya ang naririnig niya sa katahimikan ng silid. “Sir... a-ano pong ibig n’yong sabihin?” pautal niyang tanong, halos hindi lumalabas ang boses. “Calm down,” sabi ng boses naman ng babae. Naguluhan si Loyalty. May isa pa siyang kausap at isang babae. “We just want to see if you are fit for the job, Loyalty. Don't worry.” Napalunok si Loyalty. “Akala ko po tanggap na ako?” Sobrang naguguluhan na siya. "We’ll let you see us soon, but for now, we just want to make sure you’re really willing to take the job." "O-Oo naman po. Kaya nga po ako nag-apply." Mabilis na sagot ni Loyalty. "And then strip..." utos pa ng boses babae. "H-Huh? Bakit kailangan ko pong maghubad?" Mga tanong pa niya. "Because we want to make sure you are physically fit." Napalunok si Loyalty. Hindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig. Physically fit? Parang hindi iyon bahagi ng napag-usapan nila sa interview. “Puwede naman po sigurong may ibang paraan para malaman ‘yon, hindi po ba?” mahina niyang tanong, habang pilit pinipigil ang panginginig ng kanyang kamay. Tahimik sa loob ng kuwarto sa loob ng ilang segundo bago muling nagsalita ang babae. “Loyalty, if you’re uncomfortable, you can leave. But once you step out of that door, you’ll lose your chance. We only take people who can follow instructions without hesitation.” Ramdam ni Loyalty ang bigat ng mga salitang iyon. Para bang sinusubok talaga siya. Huminga siya nang malalim, at sa sandaling iyon ay naglaro sa isip niya ang lahat—ang pangangailangan niyang kumita, ang pag-asang makatulong sa pamilya, at ang pangarap niyang makaahon sa hirap. “P–pwede po bang malaman muna kung anong klaseng trabaho ito?” mahina ngunit matatag na tanong niya. Narinig niya ang bahagyang paghinga mula sa kabilang panig ng kuwarto. “You’ll know everything soon, Ms. Sarmiento. But first, we need to see if you have what it takes.” Unti-unti siyang napaatras. Hindi pa man niya nakikita ang mga kausap, ramdam na niya ang kakaibang presensiya sa paligid. Parang may mga matang nakamasid sa kanya sa dilim. “O-Okay…” mahina niyang sabi, halos pabulong, habang pilit niyang pinatatag ang sarili. “Pero gusto kong malinaw, wala po akong gagawin na labag sa dangal ko.” "Just strip, Loyalty. Walang mawawala sa'yo. Gusto kong makita ang katawan mo." Naestatwa si Loyalty at nang makahuma ay tinakpan ang kanyang maselang parte. Hindi pa nga niya alam kung alin ang unang tatakpan. Ang kanyang boobs ba o ibaba? "Gagawin mo ba?" tanong sa kanya ng babaeng hindi niya nakikita. Nanginginig ang mga kamay ni Loyalty. Para sa trabahong makukuha niya ay pikit-mata siyang naghubad. Itinira lang niya ang kanyang underwear. "Umikot ka..." Sinunod ni Loyalty ang boses at umikot. "Hmm. You passed. I want you to undergo a full body medical check-up." Nahihiyang napatakip si Loyalty ng kanyang katawan. Nanuot ang lamig sa kanyang balat. "Wear a robe. May inilagay akong puting robe diyan para sa'yo." Nakita naman agad ni Loyalty ang robe at kinuha iyon saka isinuot. "Loyalty, you will receive one hundred thousand every month, plus a monthly allowance. You won’t have to spend on anything while you’re staying in the mansion." Nalaglag ang panga ni Loyalty sa narinig na magiging sweldo niya. "S-Seryoso po? Isang daang libong piso ang sasahurin ko buwan-buwan?" tanong na hindi makapaniwala. "Yes..." sagot ng boses. "May contract na nasa ibabaw ng lamesa. Basahin mo and then give us your decision." Napatingin si Loyalty sa mesa at nasa ibabaw nga ang isang white folder. Lumapit siya sa mesa at kinuha ang folder. Kinuha ang dokumento sa loob. Binasa niya iyon, lahat ng nakasaad sa kontrata. Nanlaki ang mga mata ni Loyalty. "S-Surrogacy? Ibig sabihin... magbubuntis ako para sa inyo? Iyon ang trabaho ko?"“LOYALTY!” Sigaw ni Carla. Pumunta siya sa San Gabriel para dalawin ang kaibigan at ipinatawag din siya nito. Napaharap si Loyalty kay Carla. Kumaway ito sa SA kanya habang nakangiti. Niyakap niya ang kaibigan. “Buti at hindi ka naligaw,” sabi niya. “Muntikan na nga. Buti nga at natandaan KO papunta dito.” Tugon ni Loyalty. Kinayag ni loyalty si Carla papunta SA bahay nila. Nang makapasok SA loob ay inaok niya itong maupo. Napalinga si Carla sa loob ng bahay nila Loyalty. Humanga siya sa ganda nito. Mukhang bagong gawa ang bahay ng kaibigan niya. “Ang ganda na Ng bahay niyo. Ipinagawa mo ulit?” tanong niya. “Ah, oo. Gamit ang Pera na bigay ni Sir Kyle.” “Ang swerte mo talaga…” “Paano matatawag na swerte iyon? Iniwan ko ang anak ko sa kanila. Kapalit ng karangyaan.” Masakit pa rin sa kanyang dibdib ang ginawa. Tahimik na napabuntong-hininga si Carla. Umupo siya sa tabi ni Loyalty at marahang hinawakan ang kamay nito. "Loyalty, huwag mong isipin na ipinagpalit mo ang anak
KANINA pa naghihintay si Kyle sa pag-uwi ni Felicity. Napatingin siya sa malaking wall clock sa pader. Alas diyes na ng gabi pero wala pa ang asawa niya.Napatulog na niya si junior. Hind niya alam kung paano pa pagtatakpan si Felicity. Hindi na kasi natutuunan ng pansin nito ang kanilang anakNapabuntong-hininga si Kyle.Kanina pa siya pabalik-balik sa sala. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa pinto, umaasang anumang oras ay bubukas iyon at papasok si Felicity.Pero nananatiling tahimik ang buong mansyon. Napatingin siya sa baby monitor na nasa ibabaw ng mesa. Mahimbing na natutulog si Junior sa kanyang kuna.Marahan siyang ngumiti."Good boy..." pabulong niyang sabi.Hinaplos niya ang maliit na kamay ng anak bago marahang kumot ang itinakip dito."Bakit parang ako na lang ang kasama mo palagi?" mahina niyang tanong kahit alam niyang hindi naman siya masasagot ng sanggol.Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Noong mga unang araw, halos ayaw pang bitawan ni Felicity ang bat
NAPAIWAS ng tingin si Felicity."Huwag mong ipilit ang gusto mo. Palagi pa rin naman tayong magkasama. Andito ako, oh. Si Kyle, nag-aalaga ng anak niya..." sabi ni Felicity.Tahimik lang na nakatingin si Larry sa kanya."Felicity...""Huwag na nating pag-awayan ito."Umiling si Larry."Hindi ako nakikipag-away. Gusto ko lang malaman kung hanggang kailan tayo mananatili sa ganitong sitwasyon."Napabuntong-hininga si Felicity."Ano pa ba ang gusto mong marinig?""Ang totoo."Natahimik siya. Marahan siyang umiwas ng tingin at tumingin sa bintana."Hindi ko alam ang mangyayari sa amin ni Kyle.""Pero mahal mo pa rin siya."Napapikit si Felicity. Hindi niya itinanggi. Hindi rin niya inamin. Sapat na ang pananahimik niya para maintindihan ni Larry ang sagot.Mapait itong napangiti."Kaya pala kahit magkasama tayo, pakiramdam ko may pader pa rin sa pagitan natin."Dahan-dahang tumayo si Larry at isinuot ang kanyang polo."Ayaw kong maging kapalit lang ng isang lalaking hindi mo pa nakakalimu
HINDI mapakali si Loyalty. Ang laki na ng naitulong ni Kyle sa buhay niya. Ang pagbibigay ng tatlong milyong piso ay sobra-sobra na. Parang gusto niyang ibalik ang sobrang halaga. Ayaw niyang isipin ni Kyle na pera lang ang habol niya. Paulit-ulit niyang tinitigan ang cellphone. Ilang beses niyang sinubukang mag-type ng mensahe. "Sir Kyle, maraming salamat po..." Maya-maya ay binura rin niya. Huminga siya nang malalim saka muling nag-type. "Sir Kyle, pakiramdam ko po ay sobra ang ipinadala ninyo..." Ilang segundo niya iyong tinitigan bago muling binura. Hindi niya alam kung ano ang tamang salitang dapat na sabihin. Ayaw naman niyang isipin ng dating amo na parang maghahabol pa siya or nagpapansin siya. Magkakaroon pa ng hindi magandang impretasyon ang pagpapadala niya Ng mensahe. Napabuntong-hininga si Loyalty. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin. Lumabas si Wella mula sa kusina at napansin ang anak. "Anak, kanina ka pa nakatitig sa cellphone mo." Napatingin si Loyal
“NAPAKALAKING pera nito, anak…” sabi ni Wella.Natigilan din si Lissie. “Sino naman pong magbibigay ng ganyan lalaking pera sa atin?”Napatingin si Wella sa kanyang panganay. Nagtatanong ang mga tingin niya sa anak.“Si Sir Kyle ang nagpadala niyan…” sagot ni Loyalty.Hindi alam ni Loyalty na ganoon kalaking pera ang ibibigay ni Kyle sa kanya para sa kabayaran ng pagiging surrogate niya.Dapat ba siyang maging masaya dahil sa malaking pera kapalit nang pag-iwan niya sa kanyang sariling anak?Napatingin sina Wella at Lissie sa kanya. Pareho silang natigilan."Si... Sir Kyle?" mahinang ulit ni Lissie.Tahimik na tumango si Loyalty."Iyan ang natitirang kabayaran sa kasunduan namin."Napabuntong-hininga si Wella."Kaya pala sinabi mong tapos na ang lahat."Tahimik lang si Loyalty. Tinitigan niya ang mensahe sa cellphone. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.Tatlong milyong piso.Halagang sapat para hindi na sila muling maghirap. Halagang sapat para matupad ang mga panga
KARGA ni Loyalty ang pamangkin niya na anak ni Limon. Bumalik sa kanyang pag-aaral si Limon kaya siya ang nag-aalaga ngayon sa anak ng kapatid niya. Naikasal na ang kapatid niya at napagawa na rin ang bahay nila. “Anak, akin na si Princess. Papaliguan ko muna,” sabi ni Wella. Napaharap siya sa Inay niya at kinuha nito ang bata sa kanya. Pilit niyang pinapasigla ang aura para makita nilang masaya pa rin siya. Pero sa loob-loob niya durog na durog siya. May kulang na bahagi sa puso niya. Napangiti si Wella habang kinakarga ang apo. "Salamat, anak. Malaking tulong ka talaga sa amin." "Wala po iyon, Inay," sagot ni Loyalty. Tahimik siyang naupo sa bangkong kawayan sa may harapan ng bahay. Pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro sa kalsada. Maya-maya ay narinig niya ang mahinang tawa ni Princess habang pinapaliguan ito ng kanyang ina. Napangiti rin siya. Mahilig talaga siya sa mga bata. Pero kasabay ng ngiting iyon ay may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang i
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t







