LOGINAgnes Riley’s point of view
“Sa tingin mo ba sasama si Kuya sa event?” Tanong ko habang magkatabi kaming nagme-meryenda ni Ate Cassandra sa garden. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at mahinang ihip ng hangin ang bumabasag sa katahimikan. Nakalatag sa mesa ang iba't ibang pastries at tsaa, pero mas abala kaming magkuwentuhan kaysa kumain. Napatawa lang si Ate Cassandra. Mukhang hindi na niya kailangang pag-isipan ang isasagot. “No.” Bahagya siyang umiling habang umiinom ng tsaa. “Hindi niyo mapipilit 'yon.” Napahalakhak ako. “Bakit naman?” Ibinaba niya ang tasa bago humalukipkip. “Simple lang.” Isa-isa niyang itinuro ang mga daliri niya habang nagbibilang. “Takot sa tao.” “Masungit.” “Ayaw sa maraming tao.” “Certified introvert na suplado.” Hindi ko napigilang matawa nang malakas. “Naks.” “Kabisadong-kabisado mo na talaga si Kuya.” Napakibit-balikat siya. “Sanay lang.” “Isang buwan ba namang araw-araw kong kaaway.” Napatawa ulit ako. “Ugali na talaga ng kuya mo 'yan.” Napailing na lang ako habang natatawa. Sa loob lang ng halos isang buwan, sobrang naging close na kami ni Ate Cassandra. Minsan nga nakakalimutan na nilang maid lang siya rito dahil sobrang gaan niyang pakisamahan. Hindi siya mayabang, hindi rin siya mapili sa trabaho. Kapag may kailangang gawin, ginagawa niya agad nang walang reklamo. Pero sa tuwing napapansin niyang parang naiiba ang trato sa kanya, agad niya iyong pinipigilan. "Pantay-pantay lang tayo rito." Iyon palagi ang sinasabi niya. No special treatment. No favoritism. Pare-pareho lang silang nagtatrabaho sa mansion, At isa iyon sa mga dahilan kung bakit napakadali niyang mahalin bilang kaibigan. at isa iyon sa mga dahilan kung bakit napakadali niyang mahalin bilang kaibigan. Tumayo siya at inayos ang laylayan ng uniporme niya. “Sige.” “Iiwan na muna kita.” “Kailangan ko pang ayusin ang gamit ng kuya mo.” Napabuntong-hininga pa siya bago umiling. “Kapag dumating 'yon at may hindi nagustuhan... siguradong magdi-diwara na naman.” Napatawa ako. Hindi naman kasi siya nagsisinungaling. “Kapag nagalit pa naman 'yon...” pagpapatuloy niya habang napapikit. “Nakakasira ng buong araw.” “Napakasungit.” Pabiro niyang sambit. Napangiti ako. “Hay nako, Ate.” “Buti natitiis mo.” “Sabi ko nga sa'yo, lumipat ka na lang sa akin.” Natatawa siyang umiling. “Ayos na ako sa kuya mo.” Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko. Mahina siyang bumulong na parang may malaking sikreto. “Watch me tame him.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ate!” Napatawa lang siya nang mahina bago kumindat. Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad papunta sa opisina ni Kuya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala sa hallway. Napailing ako habang napapangiti. Hindi ko rin talaga maintindihan si Ate Cassandra. Pakiramdam ko... Nag-e-enjoy din siya sa pang-aasar at pakikipagbangayan kay Kuya. At sa totoo lang, mukhang si Kuya rin. Kailangan ko na talaga sigurong tigilan ang birong agawin si Ate at baka mapahamak pa ako kay Kuya. Habang nag mumuni muni ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa screen pero hindi ko na inabalang tingnan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko agad. “Hello, Mom?” “Kamusta ang ipinapagawa ko sa'yo?” Napabuntong-hininga ako. Bigla kong naalala ang charity auction. Crap. Hindi ko pa pala naaasikaso nang maayos. I had so many ideas in mind. Ang dami ko nang gustong idagdag sa event. Pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari dahil hindi pa ako nakakapag-meeting nang maayos sa mga organizers at coordinators. “Yes, Mom.” “I'll take care of it.” “Good.” Saglit na natahimik si Mom bago muling nagsalita. “Anyway...” “May tutulong sa'yo.” Napakunot-noo ako. “Mhm?” “Who?” “You'll see.” Sagot niya, pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Napatingin ako sa cellphone ko. Seriously? Yun lang? Wala man lang clue? Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang wala na akong choice kundi simulan na ang preparations. Hindi rin naman ito bago sa akin. Ako talaga ang laging inaatasan nina Mom at Dad kapag may mga ganitong klaseng event. According to them... Hindi raw boring ang mga event na pinaplano ko. I always make sure na lively ang atmosphere. Ayoko ng tahimik o sobrang formal. As someone na madaling antukin sa mga boring na gathering... I always make sure everyone enjoys. Halos buong hapon akong abala. Palipat-lipat ako ng table habang kinakausap ang iba't ibang coordinators. May inaayos na program flow, may kinakausap na suppliers, may chine-check na stage design, may ina-approve na menu. Everything had to be perfect. Hindi ko namalayang sobrang lalim na pala ng iniisip ko habang naglalakad. Hanggang sa may matigas akong nabunggo. Napaatras ako ng isang hakbang ay napakunot-noo ako habang inaayos ang hawak kong mga folders. “Who are you?” Automatic na tanong ko nang hindi man lang tumitingin nang maayos sa lalaking nabunggo ko. “Wow.” “Instead of saying sorry...” “'Who are you?' agad?” Bahagya niyang tinaas ang isang kilay. “Really?” Saka ko lang siya tuluyang tiningnan. Matangkad. Well-dressed. Mukhang mayabang. At higit sa lahat... Mukhang nakakairita. Napaismid ako. Wrong timing, busy ako at wala akong pasensya ngayon. “Fuck off.” “I'm busy.” Tumawa siya nang mahina. “Ikaw ang bumangga sa akin.” “You should be the one saying sorry.” Napailing ako habang mas lalo akong nainis. Napaka-kapal. He looked amused. As if entertaining para sa kanya ang inisin ako. “Well...” “I'm not gonna say sorry.” Bahagya siyang yumuko para tingnan ang hawak kong event layout. “And by the way...” “This sucks.” Mahina lang ang pagkakasabi niya. Pero sapat iyon para marinig ko. At sapat din iyon para tuluyan akong mainis. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak ko sa mga folders. Who the hell does this guy think he is? Anong karapatan niyang husgahan ang ilang linggo kong pinaghirapan? He doesn't even know me. He doesn't know the amount of work I've already put into this event. “You should die, fucker.” Walang emosyon kong sabi habang diretso siyang tinitigan. Nanatili lang ang ngisi sa labi niya. Mukhang lalo pa siyang natuwa. “So...” “That's how you welcome your guest?” Saglit siyang huminto. “Or should I say...” “Partner?” Parang biglang huminto ang oras. Nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me... Ito ang tinutukoy ni Mom? Oh, God. Please... Not him. Anything but him. Napapikit ako nang mariin bago muling tumingin sa kanya. “What a wonderful day.” Sarkastiko kong bulong. Napangisi siya lalo. “As I expected.” Napangisi siya lalo. “As I expected.” Napailing ako. “Shut up.” Hindi ko na namalayang kanina pa pala kami nagtatalo sa gitna ng venue. Unti-unti nang napapalingon sa amin ang mga coordinators, staff, at suppliers. Halos lahat ay nakatingin na sa amin. At base sa mga tingin nila... Mukhang iniisip nilang matagal na kaming magkakilala. If only they knew... Five minutes pa lang kaming nagkikita. At gusto ko na siyang ibaon sa lupa.Cassandra Louise’s point of view“Good evening, ladies and gentlemen!” Umalingawngaw sa buong auction hall ang masiglang boses ng host nang tuluyan na itong pumasok sa stage, hawak ang mikropono at suot ang malapad na ngiti ng isang taong sanay manghikayat ng atensyon. Kasabay no’n ay bahagyang humina ang usapan sa paligid, at unti-unting napunta sa harapan ang tingin ng lahat. Magsisimula na ang pinaka-main event ng charity night. Ang auction. Ito ang pinakahihintay ng karamihan sa mga bisita. Halata naman sa mga mukha nila. Iyong iba ay nakaupo nang mas tuwid sa kani-kanilang upuan, ang iba nama’y nakasandal ngunit mas naging matalas ang tingin sa stage, at ang ilan ay tahimik lang na pinaglalaruan ang hawak na wine glass habang hinihintay kung anong unang ilalabas ng pamilya Sandejas. Hindi lang kasi ito basta-bastang paandar sa charity event. Lahat ng item na ilalabas sa auction ay may katumbas na prestige, influence, or value, at siyempre, lahat ng perang malilikom at mga kon
Cassandra Louise’s point of view“Breathe,” mahinang sabi ni Agnes sa tabi ko, tila napansin ang paninigas ko. “Hindi ka kakainin ng mga tao rito.” Tiningnan ko siya. “Easy for you to say. Kabisado mo na silang lahat.” “Not all of them,” she muttered, then leaned closer with a grin. “Pero kung may umepal, itutulak ko.” Napatawa ako nang mahina. “Very comforting.” Pagpasok namin sa loob, people in expensive gowns and tailored suits moved around the venue with practiced ease, exchanging greetings and business smiles as if they had all been trained to do exactly that. Nakakasilaw, nakakabingi, at medyo nakakaubos ng energy. Sa dami ng tao, si Reed pa talaga ang unang namukhaan ko. Nakatayo siya sa may gilid ng hall, may hawak na baso at kausap ang dalawang lalaking naka-formal suit. Pero nang mapadako ang tingin niya sa direksyon namin, agad siyang natahimik. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang makita ako, at maya-maya ay sumilay ang pamilyar na ngisi sa labi niya na para bang may
Cassandra Louise’s point of viewMuling bumalik ang braso niya sa bewang ko at mas lalo pa niya akong idinikit sa katawan niya, habang ang mga kamay ko naman ay unti unting humahawak sa buhok niya. Patuloy lang kaming nagpalitan ng halik, at tila wala ni isa sa amin ni Vicente ang gustong huminto o kumawala.“Uhm.” Mahina akong napasinghap nang maramdaman ko ang kamay ni Vicente na dahan dahang inaangat ang isa kong binti papunta sa gilid ng balakang niya. We continued kissing until he suddenly lifted me into his arms.Wala na akong pakialam kung masira man ang makeup o buhok ko. All I could think about was him and the way he was kissing me. Nahinto lang kami sa ginagawa namin nang biglang umugong sa buong kwarto ang boses ni Agnes mula sa labas ng pinto, kasabay ng sunod-sunod at malalakas nitong katok. “Kuya! Open the door!” Para akong biglang nabuhusan ng malamig na tubig. “P-put me down,” mahinang bulong ko, sabay tapik nang madiin sa balikat ni Vicente. “Now.” Napasinghal
Cassandra Louise’s point of view“H-hands off.” nauutal kong sambit, dala ng gulat na hindi ko agad naitago.Nanatili ang isang kamay ni Vicente sa gilid ng kanyang closet, sapat para ikulong ako sa pagitan ng katawan niya at ng malamig na kahoy. Tumaas ang kanang kilay niya habang titig na titig sa akin, para bang may kung anong aliw siyang nakukuha sa naging reaction ko.I was caught off guard. Masyado. Isang segundo lang ang pagitan mula sa pag-alis ko sa tabi niya hanggang sa bigla niya akong ikulong sa bisig niya, at sa maikling sandaling iyon, parang nawala ako sa aking sarilil. Hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko nagawang mag salita o mag reklamo. Ang mas nakakairita, hindi ko agad mahanap ang tiyempo para makaalis sa bisig niya. “V-vicente,” inis kong singhal nang sa wakas ay makabawi ako, saka agad na nagpumilit kumawala sa pagitan ng mga braso niya. Hinayaan naman niya ako, pero hindi siya tuluyang umurong. Nandoon pa rin ang ngiti sa sulok ng mga labi niya, seryoso, mapanu
Cassandra Louise’s point of viewFor a second, I just stood there, staring at them while trying to process the slip. Then I awkwardly scratched the back of my head, half-amused and half-nervous. “S-sorry,” mabilis na sabi ng make-up artist, si Pat, bago bahagyang kumindat sa akin na para bang sinasabing gets niya agad ang sitwasyon. Napahinga ako nang kaunti. At least she understood what I was trying to hide. Matagal ko na silang kakilala. Sila ang madalas na nag-aayos sa akin sa halos lahat ng events ko noon, noong nasa puder pa ako ng mga Ledesma at hindi pa magulo ang lahat. They had seen me at my best, in designer gowns and expensive heels, smiling for cameras and pretending everything in my life was perfectly in place. Seeing them here, in this room, while I stood in a life that was far from what I used to have, felt strangely unreal. “Kumusta?” tanong ni Aki habang inaayos niya ang hair kit niya sa harap ng vanity na nasa kwarto ko. “Buhay pa,” sagot ko, napangiti nang kau
Cassandra Louise’s point of viewNgayon ang araw ng charity event ng mga Sandejas. Nasa kwarto ako ni Vicente, abala sa pag-aayos ng isusuot niya habang siya naman ay parang walang balak tumulong sa sarili niya. Nakakainis, honestly. Ilang beses na akong sinabihan ni Agnes at maging ng mga magulang nila na huwag ko nang asikasuhin si Vicente para makapag-ayos din ako nang maaga, pero heto pa rin ako, nakatayo sa harap ng closet niya at pinipili ang susuotin ng lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Siguro dahil nasanay na lang ako. O baka sadyang mahina lang ako pagdating sa taong ito. Pinisil ko ang tela ng isang charcoal gray suit bago iyon inilabas at inilapag sa kama kasama ang puting long sleeves at necktie na babagay roon. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, saka ako bumaling sa kinaroroonan niya. “Akala ko ba wala kang balak sumama sa charity event n’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay habang inaayos ang c







