MasukCassandra Louise’s point of view“Good evening, ladies and gentlemen!” Umalingawngaw sa buong auction hall ang masiglang boses ng host nang tuluyan na itong pumasok sa stage, hawak ang mikropono at suot ang malapad na ngiti ng isang taong sanay manghikayat ng atensyon. Kasabay no’n ay bahagyang humina ang usapan sa paligid, at unti-unting napunta sa harapan ang tingin ng lahat. Magsisimula na ang pinaka-main event ng charity night. Ang auction. Ito ang pinakahihintay ng karamihan sa mga bisita. Halata naman sa mga mukha nila. Iyong iba ay nakaupo nang mas tuwid sa kani-kanilang upuan, ang iba nama’y nakasandal ngunit mas naging matalas ang tingin sa stage, at ang ilan ay tahimik lang na pinaglalaruan ang hawak na wine glass habang hinihintay kung anong unang ilalabas ng pamilya Sandejas. Hindi lang kasi ito basta-bastang paandar sa charity event. Lahat ng item na ilalabas sa auction ay may katumbas na prestige, influence, or value, at siyempre, lahat ng perang malilikom at mga kon
Cassandra Louise’s point of view“Breathe,” mahinang sabi ni Agnes sa tabi ko, tila napansin ang paninigas ko. “Hindi ka kakainin ng mga tao rito.” Tiningnan ko siya. “Easy for you to say. Kabisado mo na silang lahat.” “Not all of them,” she muttered, then leaned closer with a grin. “Pero kung may umepal, itutulak ko.” Napatawa ako nang mahina. “Very comforting.” Pagpasok namin sa loob, people in expensive gowns and tailored suits moved around the venue with practiced ease, exchanging greetings and business smiles as if they had all been trained to do exactly that. Nakakasilaw, nakakabingi, at medyo nakakaubos ng energy. Sa dami ng tao, si Reed pa talaga ang unang namukhaan ko. Nakatayo siya sa may gilid ng hall, may hawak na baso at kausap ang dalawang lalaking naka-formal suit. Pero nang mapadako ang tingin niya sa direksyon namin, agad siyang natahimik. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang makita ako, at maya-maya ay sumilay ang pamilyar na ngisi sa labi niya na para bang may
Cassandra Louise’s point of viewMuling bumalik ang braso niya sa bewang ko at mas lalo pa niya akong idinikit sa katawan niya, habang ang mga kamay ko naman ay unti unting humahawak sa buhok niya. Patuloy lang kaming nagpalitan ng halik, at tila wala ni isa sa amin ni Vicente ang gustong huminto o kumawala.“Uhm.” Mahina akong napasinghap nang maramdaman ko ang kamay ni Vicente na dahan dahang inaangat ang isa kong binti papunta sa gilid ng balakang niya. We continued kissing until he suddenly lifted me into his arms.Wala na akong pakialam kung masira man ang makeup o buhok ko. All I could think about was him and the way he was kissing me. Nahinto lang kami sa ginagawa namin nang biglang umugong sa buong kwarto ang boses ni Agnes mula sa labas ng pinto, kasabay ng sunod-sunod at malalakas nitong katok. “Kuya! Open the door!” Para akong biglang nabuhusan ng malamig na tubig. “P-put me down,” mahinang bulong ko, sabay tapik nang madiin sa balikat ni Vicente. “Now.” Napasinghal
Cassandra Louise’s point of view“H-hands off.” nauutal kong sambit, dala ng gulat na hindi ko agad naitago.Nanatili ang isang kamay ni Vicente sa gilid ng kanyang closet, sapat para ikulong ako sa pagitan ng katawan niya at ng malamig na kahoy. Tumaas ang kanang kilay niya habang titig na titig sa akin, para bang may kung anong aliw siyang nakukuha sa naging reaction ko.I was caught off guard. Masyado. Isang segundo lang ang pagitan mula sa pag-alis ko sa tabi niya hanggang sa bigla niya akong ikulong sa bisig niya, at sa maikling sandaling iyon, parang nawala ako sa aking sarilil. Hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko nagawang mag salita o mag reklamo. Ang mas nakakairita, hindi ko agad mahanap ang tiyempo para makaalis sa bisig niya. “V-vicente,” inis kong singhal nang sa wakas ay makabawi ako, saka agad na nagpumilit kumawala sa pagitan ng mga braso niya. Hinayaan naman niya ako, pero hindi siya tuluyang umurong. Nandoon pa rin ang ngiti sa sulok ng mga labi niya, seryoso, mapanu
Cassandra Louise’s point of viewFor a second, I just stood there, staring at them while trying to process the slip. Then I awkwardly scratched the back of my head, half-amused and half-nervous. “S-sorry,” mabilis na sabi ng make-up artist, si Pat, bago bahagyang kumindat sa akin na para bang sinasabing gets niya agad ang sitwasyon. Napahinga ako nang kaunti. At least she understood what I was trying to hide. Matagal ko na silang kakilala. Sila ang madalas na nag-aayos sa akin sa halos lahat ng events ko noon, noong nasa puder pa ako ng mga Ledesma at hindi pa magulo ang lahat. They had seen me at my best, in designer gowns and expensive heels, smiling for cameras and pretending everything in my life was perfectly in place. Seeing them here, in this room, while I stood in a life that was far from what I used to have, felt strangely unreal. “Kumusta?” tanong ni Aki habang inaayos niya ang hair kit niya sa harap ng vanity na nasa kwarto ko. “Buhay pa,” sagot ko, napangiti nang kau
Cassandra Louise’s point of viewNgayon ang araw ng charity event ng mga Sandejas. Nasa kwarto ako ni Vicente, abala sa pag-aayos ng isusuot niya habang siya naman ay parang walang balak tumulong sa sarili niya. Nakakainis, honestly. Ilang beses na akong sinabihan ni Agnes at maging ng mga magulang nila na huwag ko nang asikasuhin si Vicente para makapag-ayos din ako nang maaga, pero heto pa rin ako, nakatayo sa harap ng closet niya at pinipili ang susuotin ng lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Siguro dahil nasanay na lang ako. O baka sadyang mahina lang ako pagdating sa taong ito. Pinisil ko ang tela ng isang charcoal gray suit bago iyon inilabas at inilapag sa kama kasama ang puting long sleeves at necktie na babagay roon. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, saka ako bumaling sa kinaroroonan niya. “Akala ko ba wala kang balak sumama sa charity event n’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay habang inaayos ang c







