LOGIN“Daddy, puwede po ba kaming pumunta sa penthouse mo? I want to see your big TV,” muling hiling ni Piper habang lumilingon sa akin.“Hindi puwede, Piper. May mga kailangan akong asikasuhin sa penthouse ngayon. Mas mabuting ihatid ko na lang kayo sa inyo,” direkta kong tanggi.Bago pa makapagsalita ang bata ay sumingit na si Hannah. Malumanay ang tono niya, ngunit may halong panunumbat.“Minsan na nga lang mag-request si Piper na pumunta sa penthouse mo, tatanggihan mo pa, Ydrael? Bata lang siya. Hinahanap-hanap ka lang naman niya.”Napakuyom muli ang mga kamao ko. Ramdam ko ang ginagawa niyang pangongonsensya. Sa pag-aakala kasi ni Hannah, wala na akong ibang kasama sa penthouse dahil sa balitang patay na si Evorie. Hindi pa alam ng publiko na ligtas na ang asawa ko, at wala ring balak si Hannah na palampasin ang pagkakataong ito. Nakikita ko sa mga kilos niya ang intensyong muling pumapel sa buhay ko at subukang ibalik ang kung anong meron kami noon, dahil sa isip niya, bakante na mul
YDRAEL ALISTAIR“Daddy!”Isang matinis na tinig ang nagpahinto sa paglalakad ko, dahilan para mapatigil din ang mga pulis na kasalukuyang umaakay kina Yshmael, Art, at Graciano.Napalingon ako sa isang batang babae na patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko habang nakangiting sumusunod ang kaniyang ina mula sa likuran. Si Piper. Mabilis siyang yumakap sa binti ko habang bakas ang labis na tuwa sa kaniyang mukha.Naibaling ko ang tingin kay Yshmael. Nakaposas ang mga kamay niya sa likuran habang hawak ng dalawang pulis. Nakatingin siya sa amin. Bahagyang matalim ang kaniyang titig at mahigpit na nakatikom ang kaniyang panga. Ngunit kahit dama ko ang nag-aalab na galit sa reaksyon ng mukha niya, napansin ko ang mabilis na pagdaan ng matinding sakit sa kaniyang mga mata. Ang nag-iisa niyang anak ay hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang sulyap. Hindi siya kilala ng sarili niyang dugo. Sa mata ni Piper, ako ang ama, at siya naman ay isang estranghero lamang.“Hi, Ydrael. Kumusta? Mab
Ayaw pa ngang umalis ng loko dahil panay pa rin ang lingon sa akin habang dahan-dahang naglalakad patungo sa hagdan. Halatang nangongonsensya sa ekspresyon ng mukha niya. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. Nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan, doon ko lang pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga.Tumungo ako sa kuwarto namin. Pagkapasok ko, nanatili akong nakatayo sa gitna ng malawak na silid. Na-miss ko ang penthouse na ito. Na-miss ko ang kuwarto namin na punong-puno ng mga alaala at mga sandaling puno ng pagmamahalan.Napaupo ako sa kama.“Sa wakas... nakabalik din ako,” bulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang malambot na comforter ng kama.Napatayo na ako matapos magmuni-muni at naisipan maligo para maalis ang lagkit ng katawan ko.Matapos kong maligo, nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower bago nagpalit ng isang maluwag at komportableng T-shirt at shorts. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Sana nga tuloy-tuloy na ito. Ayaw ko nang bumalik sa mga panahong
EVORIE POVBiyahe na kami pabalik sa penthouse. Pagkatapos ng isang buwan na hindi kami nagkita, heto kami ngayon, magkadikit na tila ayaw nang muling maghiwalay.“Alistair...”“Hm? Yes, baby?” agad niyang sagot pagkalingon sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa palad ko. Kanina pa namamawis ang kamay ko kahit naka-aircon naman sa loob ng sasakyan. Ayaw niya itong bitawan, na para bang kapag binitiwan niya ako kahit saglit lang ay bigla na lang akong maglalaho na parang bula.“Pwede bang kabilang kamay ko naman ang hawakan mo?”Mahina siyang natawa at marahang binitawan ang kaliwa kong kamay. Ibibigay ko sana ang kanan ko, pero hindi na natuloy dahil ang palad niya ay dumiretso na sa kaliwa kong hita. Marahan niya iyong hinahaplos at paminsan-minsan ay pinipisil.“Gusto ko sanang umidlip habang nasa biyahe tayo,” saad ko sa mahinang tinig.“Pwede ka namang umidlip. Medyo matatagalan pa bago tayo makarating sa Sapphire Building dahil mabigat ang traffic sa unahan,” sagot niya, sak
EVORIE EVENatigilan ako, napatili sa gulat at mabilis kong hinablot si Ginger para protektahan siya. Napalingon ako sa likod at laking gulat ko nang makitang ang tatlong lalaking nagdala sa amin rito ay tuluyang natamaan ng mga bala sa ulo at dibdib. Duguan silang bumagsak sa malamig na semento, at nawalan ng buhay.Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Alistair. Inaasahan kong magpapanic siya pero nagulat ako nang makitang hindi man lang siya kumurap. Humakbang siya papalapit sa akin. Bago pa ako makapagsalita, sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko habang ang kaniyang malalaking kamay ay nakapulupot sa akin.“Ligtas ka na, mahal ko. At hindi na ako papayag pa na malayo ka pa sa akin. Kayo ni Ginger,” pabulong na wika niya, dumiin ang kaniyang yakap na tila ba natatakot na maglaho ako na parang bula kapag binitawan niya ako.Mas napahigpit din ang yakap ko sa kaniya. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang matipunong dibdib, ninana
EVORIE EVE Nasa isang bakanteng lote kami sa labas ng maingay na lungsod. Tanging ilang abandonadong container, matataas na damo, at mga nakaparadang lumang sasakyan ang makikita sa paligid. Nakatayo kami ni Ginger sa gitna ng lugar habang nakabantay sa amin ang tatlong armadong tauhan ni Yshmael. Hinihintay nila ang pagdating ng asawa ko. At hinihintay ko ang pagkakataong tuluyan kaming makalaya ng kaawa-awa kong anak. Pagod na ako sa sitwasyon namin. Sino ba namang hindi mapapagod? Naiipit lang naman kami ng anak ko dahil sa agawan ng posisyon at kapangyarihan. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng batang nasa tabi ko. “Mommy, darating kaya si Daddy Uncle para iligtas tayo?” tanong ng bata habang napapatingala sa akin. Isang matamis na ngiti ang ipinasilay ko para kahit paano ay maibsan ang takot at kaba niya. “Oo, darating siya. Hindi titigil ang Daddy Uncle mo hangga't hindi niya tayo nakukuha,” nakangiting sagot ko. “Kapag nakasama na natin si Daddy Uncle, puwede po bang Dad
Ydrael Alistair“Good morning po, Mr. CEO,” bati ng mga empleyadong nadadaanan ko sa lobby ng Vanderbilt Holdings.“Good morning,” bahagyang may galak na sagot ko. Ramdam ko ang gulat nila dahil sa hindi inaasahang pagtugon ko.“Anong nakain ni Sir Ydrael ngayon? Bakit bigla siyang tumutugon sa pag
Mabilis kong hinawakan ang isang flower vase nang mahalata kong mahuhulog na ito mula sa mesa dahil sa malakas na pag-alog niyon. Ilang babasaging gamit na ang nabasag namin ngayong gabi at ayaw ko nang madagdagan pa.Nailibot ko ang aking paningin habang ang katawan ko ay nakayukod sa ibabaw ng ba
“Don’t compliment me much, Eve, you don’t know kung gaano kalaki ang epekto niyon sa akin,” aniya, habang ang kanyang baritonong boses ay may bahid ng panganib at babala.Napangiti lamang ako nang nakatitig sa kanyang mga mata.“So, the ill-tempered CEO likes a compliment very much?” tugon ko, ang
“Nasaktan ako noong nakipaghalikan ka kay Rafael. Alam mo ba kung anong pakiramdam ng isang taong hindi na nakakakita?”Napahigpit ang hawak niya sa tuwalya. “Dalawa lang ang option sa isipan nila. It’s either normal imagination or pure exaggeration. At ako? I don’t even know if I chose the latter.







