LOGIN“Ang saya niyo yatang lahat. Anong mayroon?” may kalamigan kong saad sa kanila bago nagpatuloy sa paglalakad.
Inalalayan ako nang bahagya ni Reagan habang si Fed naman ay nakasunod sa likod ko. Nang nakalapit na ako sa mesa, nakita ko sa gilid ng nanlalabo kong paningin kung paano biglang napatayo ang aking ina nang mapansin ang aking itsura.“Y-Ydrael, anong nangyari sa mukha mo?” may gulat na tanong niya at bakas ang pag-aalala sa kaniyang tinig.“Someone tried toPumasok ang isang tauhan, bitbit sa kaniyang mga bisig si Evorie na wala pa ring malay, habang karga naman ng isa pang lalaki ang umiiyak na si Ginger. Nang makita ni Violet ang mukha ni Evorie, lalo pang nag-init ang kaniyang dugo. Akma na niyang susugurin at sasaktan ang walang kalaban-labang babae nang mabilis siyang harangan at hawakan sa magkabilang braso ng mga tauhan ni Yshmael.“Bitawan ninyo ako! Papatayin ko ang babaeng 'yan!” hiyaw ni Violet, nanginginig sa inis ang kanyang katawan.“Hindi mo 'yan puwedeng galawin o saktan, Violet!” seryoso at malamig na saway ni Yshmael. Lumapit siya at hinarap ang babae. “Pera ang habol mo, 'di ba? Kaya huwag mong tatangkain na saktan si Evorie. Kailangan malinis at maayos siya bago natin ipadala ang mga litrato kay Uncle Ydrael. Kailangan natin si Evorie para pilitin siyang bumaba sa puwesto niya bilang CEO at Chairman ng dalawang malalaking kumpanyang hawak niya.”Napatigil si Violet. Unti-unting humupa ang
Habang unti-unting bumabagal ang takbo ng itim na SUV ni Rafael papalapit sa tollgate palabas ng Metropolis, agad na napasingkit ang kaniyang mga mata. May kakaiba sa senaryo. Hindi ordinaryo ang dagsa ng mga armadong lalaki na nakapuwesto sa gilid ng kalsada, at bawat sasakyang dumaraan ay isa-isang maingat na sinusuri ng mga ito.Mabilis na kinabig ni Rafael ang manibela para umatras at humanap ng ibang malulusutan, pero huli na ang lahat. Sa isang iglap, dalawang magkasunod na sasakyan ang humarurot at marahas na humarang sa mismong likuran ng kaniyang kotse. Doon nagsimulang gumapang ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Mabilis na nagsibabaan ang mga tauhang binayaran ni Yshmael. Galit at marahas nilang pinalibutan ang kaniyang SUV, habang paulit-ulit na pinupukpok ng isang tauhan ang salamin ng bintana gamit ang dulo ng baril nito upang pilitin siyang lumabas. Wala nang nagawa si Rafael kundi buksan ang pinto, pero pagkatapak pa lamang ng kaniyang paa sa sem
Mas lalong dumiin ang pagkakabaon ng mga kuko ni Yshmael sa kaniyang palad. Nagdidilim ang kaniyang paningin sa ginawa ng kaniyang kapatid. Malaki na nga ang problemang kinakaharap nila, pero mas pinili pa nito ang sariling damdamin kaysa tulungan siyang mapasakamay ang malaking kumpanya ng mga Vanderbilt.“Bwisit na Rafael! Hindi siya nag-iisip!” hindi mapigilang hiyaw ni Yshmael sa galit.Halos sumabog na sa sobrang pagkainis ang isip ni Yshmael. Hindi siya makapaniwalang hindi itinatak ng kaniyang kapatid sa kukote nito ang sinabi niya noon—na mas mabuting mapabagsak muna nila ang kanilang tiyuhin. Dahil kapag wala na ito sa puwesto at putol na ang mga koneksyon nito, puwede nang gawin ni Rafael ang gusto niya. Kung gusto nitong maangkin muli si Evorie, magagawa na nito iyon nang malaya dahil wala nang kapangyarihan ang kanilang tiyuhin para labanan sila. Pero napakabòbo ng kapatid niya. Mas inuna pa nito ang katangahan kaysa sa konkreto niyang plano.
THIRD PERSON POVMabilis na umakyat si Yshmael sa ikalawang palapag ng mansyon at tinungo ang kwarto ni Ginger. Pero pagkapagbukas niya ng pinto, tanging bakanteng kama at ilang nakakalat na laruan ang kaniyang naabutan. Wala roon ang bata, maging ang yaya nito ay hindi rin mahagilap sa loob ng silid.Kaagad na nagpatawag si Yshmael ng mga tauhan upang ipahanap ang kaniyang pamangkin sa buong mansyon. Kasunod niyon ay ang padabog na pag-akyat ni Violet, na ngayon ay nakabalabal na ng silk robe sa ibabaw ng kaniyang bikini, bakas ang matinding inis sa mukha.“Nawawala si Ginger! Wala siya sa kwarto niya at hindi rin siya makita sa buong mansyon!” bungad ni Yshmael, nagngangalit ang mga panga sa galit.Mabilis na pumasok sa isip ni Yshmael ang naganap na pagtakas ni Evorie.“Baka umalis na si Rafael kasama ang bata. Siya... siya mismo ang nagtago kay Evorie kagabi matapos itong makatakas sa poder ko!”Hindi agad naniwala si Violet.
THIRD PERSON POV10:30 A.M.Huminto ang kotse ni Rafael sa isang kubling bahagi ng lumang warehouse, ilang metro lang ang layo mula sa safehouse kung saan niya pansamantalang itinago si Evorie. Pagkaparada ng sasakyan, mabilis niyang binuhat ang anak pababa at agad na lumapit sa pinto kung saan naghihintay ang kaniyang dating asawa.Nang bumukas ang pinto, tila napawi ang lahat ng pagod sa mukha ni Evorie nang makita ang maliit na bata.“Mommy Evie!” umiiyak na sigaw ni Ginger.Agad na ibinaba ni Rafael ang bata kaya patakbo itong lumapit sa ina at isinubsob ang mukha sa hita nito.Nang kumalas ang bata sa pagkakayakap, napa-squat si Evorie sa harap nito. “Ginger... anak. Kumusta?” naiiyak na bulong ni Evorie.Napaiyak ang bata at muli itong yumakap sa ina.“Mommyyy... akala ko patay ka na,” humahagulgol nitong sabi kaya mahigpit siyang niyakap ni Evorie.“Buhay ako. B-Buhay na buhay, at hindi pa ako puwedeng mamatay. Ayokong iwan kang mag-isa, anak,” naluluhang sabi ni Evorie habang
THIRD PERSON POV8 A.M.Tahimik ang paligid sa likod ng malawak na garden ng Dadan Mansion. Sa gitna ng bahagyang madamong bahagi nito, mag-isang naglalaro si Ginger kasama ang kanilang alagang aso, isang maputing Samoyed na nagngangalang Archie. Malayang tumatakbo ang aso habang ang bata naman ay hindi pa rin maalis ang lungkot sa mukha habang nakikipaglaro rito.Marahang lumapit si Rafael sa kaniyang anak. Napa-squat siya sa harap nito para magpantay ang kanilang mga mukha bago ito mahinahong kinausap.“Ginger, anak... gusto mo bang makita ang mommy mo?” tanong ni Rafael, na siyang ikinatigil ng bata.“Pero patay na po si Mommy,” sagot ni Ginger. Bahagyang namumula na naman ang gilid ng kaniyang mga mata dahil sa matinding lungkot at pangungulila sa kaniyang ina.Hinawi ni Rafael ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng anak bago muling nagsalita. Mas malalim ang kahulugan ng bawat kataga niya.“Paano kung sabihin ko sa'yong buhay pa siya? Gusto mo ba siyang makita?”Sa is
Evorie Eve“Kanina pa kita hinahanap. Halos nilibot ko na ang buong mansiyon pero dito lang pala kita makikita,” ani Yshmael noong sumulpot siya bigla sa tahimik na back garden na tinatambayan ko ngayon.Alas-nuwebe na ng gabi. Makulimlim ang kalangitan at ang ihip ng hangin ay may dalang babala ng
“Ulam pa po, Pa?” offer ko kay Rolando, pilit na nagpapakitang-tao sa tatay na dakilang konsintidor.“I’m already full, Evorie,” aniya bago pinahiran ang gilid ng labi gamit ang linen napkin. Tumingin siya sa akin nang diretso, at ang mga mata ay tila nangingilatis. “So... naghiwalay na nga talaga
“Ikaw rin naman ah. Hindi ka itinuring na ina ni Ginge—” Inis na pinalo ni Rolando ang mesa para patahimikin silang dalawa. Napatingin ako sa matanda. Alam kong ayaw niyang malaman ko na hindi ko totoong anak si Ginger kaya siya mabilis na umeksena. Lahat sila, akala nila ay hindi ko pa alam ang t
Evorie Eve“Ayos ka lang ba?” tanong ni Alistair sa kabilang linya habang magkausap kami sa phone. Nasa loob ako ng banyo at sinadya ko siyang tawagan dahil alam kong kanina pa siya nag-aalala sa akin. Ramdam kong hindi siya mapakali mula nang malaman niyang naririto ako sa poder ni Rafael.“Oo, a







