LOGINSABAY na lumabas ng bahay ang mag-asawa. Kasunod nila si Meriam at Fiona na bagama't may ngiti sa labi ay bakas naman ang lungkot sa mga mukha.Ngayong araw na kasi bubukod sina Caitlyn at Ezekiel. Habang inaayos pa ng driver at ilang katulong ang mga luggage sa kotse ay niyakap niya ang ina upang muling magpaalam."Ingat kayo," iyon na lamang ang sinabi ni Meriam.Matapos ay si Fiona naman ang sunod na yumakap. "Tawag ka lang, Ate. Kapag gusto mo nang kausap."Tumango lang si Caitlyn. "Lagi naman akong bibisita."Si Ezekiel na nasa isang tabi ay nagsalita, "'Wag po kayong mag-alala at 'di ko po pababayaan si Caitlyn."Lumawak ang ngiti sa labi ni Meriam, alam niyang magiging maayos ang buhay ng anak sa piling nito—tiwala siya roon.Matapos nang mahabang paalamanan ay sumakay na ang mag-asawa sa kotse. Binaba ni Caitlyn ang bintana ng sasakyan saka kumayaw sa ina at kapatid.Ganoon din ang ginawa ng dalawa hanggang sa umandar na nag kotse paalis sa lugar.Mahigit dalawang oras ang nag
NANINGKIT ang mata ni Caitlyn habang ang cellphone ay nasa tenga pa rin. Naku-curious tuloy siya kung anong ibabalita nitong maganda."Kumusta naman ang kaso? Kailan ba ang susunod na trial?""Mga isang linggo pa. 'Wag mo nang masyadong isipin 'yun. Ang balita ko ay may nangyayari rin diyan sa inyo?""Kanino mo nalaman?" ani Caitlyn, medyo nabigla at updated sa nangyayari sa kanila kahit nasa malayo ito saka may kinakaharap ding problema."Of course, twenty-four seven nakabantay ang mga tauhan ko sa'yo.""Really? Ba't 'di ko man lang napapansin. Kahit sila Mommy, walang sinasabi.""Kasi 'di naman nila alam. Half of my top security, pinadala ko riyan just to make sure na walang mangyayaring masama sa'yo at sa pamilya mo."Napangiti si Caitlyn sa narinig at saglit pa silang nag-usap bago nito tuluyang tapusin ang tawag. Pagbaba ng phone ay tinanong siya ni Fiona na tahimik lang sa tabi, nakikinig."Ate, 'yun ba 'yung isa mo pang kapatid?""Oo.""Mukhang close kayo."Saglit na napaisip s
MAHIGIT isang linggo na ang nakakalipas mula nang makunan si Fiona. May pagkakataon na normal ang ang reaksyon nito habang lumilipas ang araw pero kapag mag-isa lang, alam ni Caitlyn na lihim itong umiiyak—hindi matanggap na kung kailan unti-unti nang minamahal ang bata sa sinapupunan ay saka naman mawawala.Gabi-gabi, lumalabas siya ng kwarto para alamin kung anong nangyayari kay Fiona, minsan naririnig niya itong umiiyak at sinisisi ang sarili. Ngunit madalas ay paulit-ulit itong humihingi ng tawad sa anak dahil naging pabayang ina.Naaawa si Caitlyn pero wala naman siyang magawa dahil magaling magtago ng nararamdaman si Fiona. Kapag kasama sila, lagi lang itong nakangiti na para bang hindi gabi-gabing nagluluksa.Kaya kapag may pagkakataon ay sinasama niya ito kapag lalabas siya. Minsan magmo-mall o hindi naman ay kakain lang sa restaurant.Dahil lagi lang naman silang nasa bahay ay naisipan niyang isama ito nang muli siyang mag-take ng art class."Ayoko," tanggi ni Fiona.Nasa kwa
NAGISING si Caitlyn dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Iniwan nilang bukas ang bintana at hindi na nagbukas ng aircon para hindi malamigan si Fiona at hindi rin mainitan.Kinusot-kusot niya ang mata saka nag-unat. Una niyang nilingon ang katabi at nang makitang natutulog pa ito ay maingat siyang bumangon sa kama upang hindi magising ang kapatid.Pagkatapos ay bumalik siya sa sariling kwarto para maghilamos at sipilyo. Pinusod lang niya ang buhok saka lumabas para bumaba.Pasado alas-otso na ng umaga kaya dumaan siya sa dining area pero wala na siyang naabutan na kumakain. Pagdating naman sa kusina ay mga katulong lang ang nandoon."Si Mommy?""Good morning po, Ma'am. Nasa may garden po ata, gusto mo na po bang kumain?""Later." Pagkatapos ay kumuha siya ng mug para magtimpla ng kape. Nang matapos ay dumiretso siya sa labas, mula sa patio ay nakikita niya ang ina na abala sa mga alaga nitong halaman.Hindi na niya ito inabala pa at nang mangalahati sa iniinom ay bumal
BAGO pa man makasagot ang assistant ay biglang tumunog ang cellphone nito. "Saglit lang po, Miss," paalam nito saka naglakad palayo upang kausapin ang caller.Pinagmasdan lang ito nina Caitlyn at Fiona hanggang sa makabalik."Pinasasabi ni Sir Sandro na bumalik na umuwi na po kayo ngayon," saad ng assistant. "Ako na po ang bahalang umasikaso."Kahit naguguluhan ay sumunod naman ang dalawa. Ngunit bago tuluyang umalis ay nagtanong pang muli si Caitlyn. "Alam ba ni Kuya ang nangyari sa'min ni Fiona?"Tumikhim ang assistant, tila nag-aalinlangan pero sinabi pa rin ang totoo. "Yes po, Miss. May mga tauhan kaming nakabantay sa inyo simula nang umalis kayo sa bahay."Hingang malalim ang ginawa ni Caitlyn, kuntento na siya sa sagot kaya tuluyan na silang umalis ni Fiona.Nang nasa kotse na sila ay saka lang ito nagkomento. "Siguro… nag-worry sila nang sabihin kong may banta sa buhay ko."Sumang-ayon si Caitlyn. "Tama ka… 'di nga biro 'yung pinagdaanan natin kanina at kung iisipin. Iyon ang u
PAUWI na sila Caitlyn mula sa sementeryo. Si Fiona sa passenger seat ay hindi pa rin humuhupa ang pag-iyak.Habang nasa loob sila, binisita ang relatives nito na walang awang pinatay ay hindi niya rin napigilang maging emosyonal. Naaalala niya ang pinagdaanan sa kamay ng mga ito.Hindi niya ikakailang nagtanim siya ng galit sa mga ito pero hindi makatarungan ang nangyari. Mas gugustuhin niya pang makitang mabulok ang mga ito sa kulungan kaysa makitang nakabaon na sa lupa.At ang kaawa-awang bata… Nakakalungkot dahil kahit masasamang tao ang magulang nito at tiyuhin, nakita niyang mabuti ito sa kanya.Naaalala niyang patakas siyang pinupuntahan ni Boyet at kung ano-ano ang tinatanong. Minsan naman ay ito ang nagkukuwento hanggang sa mahuli ng magulang at pagbabawalang lumapit sa kanya.Kapag may pagkain ito, binibigyan din siya at makailang ulit siyang gustong tulungan na tumakas pero laging nabibigo o hindi naman ay nahuhuli ng magulang.Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Caitlyn ay may
AKMANG ibibigay na ni Amor ang cellphone nang biglang dumating si Lando, sumigaw ng, “Hoy!” Saka dali-daling lumapit sabay hablot ng cellphone mula sa hipag.Umiwas naman ng tingin si Fiona pero hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ang matalim na tingin nito. Walang duda na tama ang hinala niyang
NILUKOB ng takot si Fiona sa banta ni Lando, hindi niya akalaing iba-blackmail siya nito. Bigla siyang nanlamig sa kaba, iniisip kung kailan pa kaya nito naisip na gawin ang mga bagay na iyon?Si Amor naman sa kabilang dako ay agad hinampas ang likod ng bayaw, sabay agaw ng cellphone. “Ano bang gin
NANG magmulat ng mata si Caitlyn ay siya na lamang ang mag-isa sa kama. Pagod siyang bumangon sa kama at inalis ang hot compress bag na nilagay niya sa tiyan. Pagkatapos ay tiningnan niya ang higaan, walang bahid ng kahit na anong mantsa kaya nakahinga siya nang maluwag.Pagkatapos ay pumasok siya
ASIWANG ngumiti si Jude saka pinaliwanag ang nangyari at kung maaari bang mag-stay roon kahit isang gabi si Fiona.“Gusto mong matulog rito?” tanong ni Ezekiel sa dalaga.Tumango-tango si Fiona, may mapang-akit na ngiti. “Kung papayag ka, Uncle.”Nanatiling blangko ang tingin ni Ezekiel sa dalaga p







