LOGIN"CEO, hindi ko alam na may tinatago kang anak."
Hindi napigilan ng assistant ni Caelan ang magbiro. Napatawa pa ito. Ngunit bago pa man tuluyang lumabas ang tawa nito— dahan-dahang lumingon si Caelan. Malamig. Napakalamig. "..." Agad na natigil ang assistant. "Ahem." "Ahem, ahem." Mabilis itong tumingin kung saan-saan. Parang bigla itong naging interesado sa mga puno, sasakyan, at ulap sa paligid. Wala siyang nakitang kahit ano. Pero nagkunwari pa rin siyang may hinahanap. Samantala, yumuko naman si Caelan sa batang babae. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?" Kumurap-kurap si Vivi. Parang hindi nito maintindihan kung bakit kailangan pa iyon itanong. "Kasi ikaw ang Daddy ko." Kasabay noon ay cute itong umiling. Parang sinasabing napakadaling sagutin ng tanong na iyon. Natigilan si Caelan. Habang ang assistant naman ay mabilis na umiwas ng tingin para hindi matawa. Ngumiti na lamang si Caelan. Pagkatapos ay marahan niyang binuhat ang bata. "Nasaan ang mommy mo?" "Naliligaw ka ba?" Cute na umiling si Vivi. Pagkatapos ay itinuro ang katabing gusali. "Doon si Mommy." Napatingin si Caelan sa direksyong itinuro nito. Maison Étoile. Bago muling kumurap si Vivi. "Doon." Napalambot ang ekspresyon ni Caelan. "Doon kayo kumakain?" Sa isip niya, marahil ay doon nag-almusal ang bata kasama ang pamilya nito. Samantala, iba naman ang naisip ni Vivi. Sa kanya, ang ibig sabihin ng tanong ay kung saan siya kumakain ng pagkain ni Lola Chloe. Kaya mabilis siyang tumango. "Opo." "Masarap ang shiken doon." Napatawa si Caelan. "Chicken?" Tumango si Vivi. "Shiken." "Chicken." "Shiken." "Chicken." "Shiken." Tuluyang napatawa ang assistant sa tabi. Maging si Caelan ay napailing na lamang. "Okay. Shiken." Agad na lumiwanag ang mukha ni Vivi. "Yay!" Parang proud na proud sa kanyang tagumpay. "Sinong kasama mo?" tanong ni Caelan. Napakunot-noo si Vivi. Pagkatapos ay itinuro si Caelan. "Kasama ko si Daddy." Tahimik ang paligid. Napapikit si Caelan. Habang ang assistant nito ay mabilis na tumalikod para itago ang tawa. Muling inayos ni Caelan ang kanyang tanong. "I mean, sinong kasama mo sa restaurant?" Biglang naunawaan ni Vivi. "Ahhh." Tumango siya. "Si Mommy." Kumunot ang noo ni Caelan. "Si Mommy lang?" Cute na humagikgik si Vivi. "Ngayon may Daddy na." Sabay palakpak ng maliliit nitong kamay. Tuluyang natahimik si Caelan. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o hindi. Bawat tanong niya ay iba ang sagot ng bata. Ngunit kahit ganoon— hindi niya maramdaman ang pagkainis. Sa halip— pakiramdam niya ay gumagaan ang kanyang loob. Parang matagal na niyang kilala ang batang ito. Biglang hinawakan ni Vivi ang kanyang mukha. "Daddy." "Hm?" "Gwapo ka." Natigilan si Caelan. Pati assistant niya ay napatigil. "Talaga?" Tumango si Vivi. "Mas gwapo ka kaysa sa cartoons." Tuluyang natawa ang assistant. Habang si Caelan naman ay hindi alam kung paano sasagot. Pagkatapos ay seryosong nagsalita si Vivi. "Pero mas maganda si Mommy." Nanlaki ang mga mata ng assistant. Halos mabulunan ito sa sariling laway. Samantalang si Caelan ay napatitig lamang sa bata. "Talaga?" Tumango nang mariin si Vivi. "Pinakamaganda." Mayabang pa nitong itinaas ang baba. Parang siya mismo ang pinupuri. "Mommy is the best." "Maganda." "Mabait." "Masarap magluto." "Bumibili ng ice cream." "At hindi ako pinapalo." Natigilan si Caelan. "Pinapalo ka?" Agad na umiling si Vivi. "Hindi." "Good girl kasi ako." Muling natawa ang assistant. Samantalang si Caelan ay napailing na lamang. Napakadaldal. Napakakulit. At napakagulo kausap. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit— ayaw niya itong ibaba. Parang natural lamang na hawakan ang batang ito. Parang natural lamang na kausapin ito. "Daddy." Muling tawag ni Vivi. "Hm?" Nag-isip muna ang bata. Pagkatapos ay masayang ngumiti. "Kailan ka uuwi sa bahay?" Nanigas si Caelan. "..." Hindi rin nakasagot ang assistant. Samantalang si Vivi ay nakatitig lamang sa kanya. Punong-puno ng inosenteng pag-asa ang malalaki nitong mata. At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— walang ideya si Caelan kung paano sasagot. Iniba ni Caelan ang paksa. "Anong pangalan mo?" tanong niya habang nakatingin sa batang nasa kanyang mga bisig. Agad namang umiling si Vivi. Hindi man lang nagdalawang-isip. "Hindi alam ni Daddy si Vivi?" Natigilan si Caelan. Maging ang assistant niya ay napakurap. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakatawa ang paraan ng bata sa pagsasalita. Parang sigurado na sigurado itong kilala siya. At sigurado ring dapat kilala niya ito. Nang makita ni Vivi na natahimik si Caelan, cute itong nag-pout. Halatang hindi masaya sa naging reaksyon nito. "Daddy." Malungkot nitong tawag. "Ako si Vivi." Pagkatapos ay itinuro ang sarili gamit ang maliit nitong daliri. "Ang buo kong pangalan ay Kae—." Bago pa man matapos ni Vivi ang sasabihin nito— isang boses ang tumawag sa kanya. "Via!" Agad na lumingon si Vivi. At sa sumunod na segundo— masaya itong natawa. Lumingon din ang assistant sa direksyon ng boses. Kasunod nito ay lumingon si Caelan. At natigilan.Sabay-sabay na lumabas sina Chloe, Mia, Grace, at Lily mula sa rest area.Halos hindi sila makapaniwala sa nakita.Tahimik silang nakatingin habang papalapit sina Vaelisse, Vivi, at Caelan.Unang nagsalita si Mia."Siya?!"Halatang gulat na gulat.Nagkatinginan ang tatlo pa.At tila pare-pareho ang pumapasok sa kanilang isip.Napangiti si Vaelisse.At marahan siyang tumango."Ipapakilala ko."Lumipat ang tingin niya kay Caelan."Siya ang ama ni Vivi.""Caelan Dravik Valecrest."Tahimik na ngumiti si Caelan."Good morning."Magalang niyang bati."At salamat.""Sa pag-aalaga ninyo kina Elisse at Vivi nitong mga nakaraang taon."Tuluyang natigilan ang apat.Parang tumigil ang oras.Hindi pa rin sila makapaniwala.Tahimik na napaatras si Grace.At maya-maya ay may naalala.Mahina niyang paulit-ulit na binulong."Kaeliviane...""Valecrest...""Kael...""Via...""El...""Cael..."Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata.At bigla niyang napatakip ang bibig."Sandali!"Halos mapasigaw siya.
Unti-unting pumasok ang sinag ng araw sa loob ng villa.Tumama ito sa malaking bintana ng silid.At dahan-dahang nagbigay-liwanag sa buong kwarto.Biglang iminulat ni Vaelisse ang kanyang mga mata.Ring... Ring... Ring...Paulit-ulit na tumutunog ang kanyang cellphone.Agad siyang bumangon at inabot ang teleponong nasa ibabaw ng bedside table.Nang makita niya ang pangalan sa screen, mabilis niya itong sinagot."Hello, Tita Chloe?""Elisse!"Halatang nag-aalala ang boses ni Chloe."Nasaan ka?""Okay ka lang ba?""Buti naman at sumagot ka na."Doon lamang napagtanto ni Vaelisse ang isang bagay.Hindi pala siya nakabalik sa restaurant kahapon.Kung tutuusin, tuwing sinusundo niya si Vivi ay ibinabalik muna niya ang kanyang e-bike sa restaurant.Kapag nakikita iyon ni Chloe, alam nitong ligtas siyang nakauwi.Ngunit kahapon...Napakaraming nangyari.Napabuntong-hininga siya."Pasensya na, Tita.""Maraming nangyari kahapon."Pagkatapos ay nagsimula niyang ikuwento ang nangyari.Sinabi niy
Napabuntong-hininga si Vaelisse.Tahimik siyang nag-isip.Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Sa huli—unti-unti siyang tumango."Sige."Mahina niyang sabi."Pumapayag ako."Bahagyang gumaan ang ekspresyon ni Caelan.Ngunit bago pa siya makapagsalita—muling nagsalita si Vaelisse."Pero..."Napatingin siya rito."Hindi ba malalaman ng iba ang tungkol sa atin?""Kahit anong ingat natin...""Kapag may nakakitang ikaw ang naghahatid at sumusundo sa amin...""Malalaman nilang may relasyon ka sa amin."Tahimik na nag-isip si Caelan.Pagkatapos ay umiling."Hindi na mahalaga."Natigilan si Vaelisse.Nagpatuloy siya."Nalaman nga ni Jordan ang impormasyon.""Ibig sabihin...""May paraan na para makarating ito sa ibang tao.""Kung hindi ngayon...""Sa ibang araw.""Lalabas at lalabas din ang katotohanan."Tahimik na nakinig si Vaelisse."Sa ngayon..."Dagdag ni Caelan."Ang kailangan nating gawin...""Ay paghandaan ang mga susunod na mangyayari."Tumango siya nang bahagya.
Pagkaalis ng grupo ni Caelan—isang itim na kotse ang huminto sa harap ng lumang pabrika.Masayang naghuhum ang lalaking nagmamaneho.Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas—napakunot-noo siya.Nasaan ang dalawang armadong bantay?Dapat ay nakatayo ang mga ito sa harap ng gate.'Baka nasa meeting.'Kaswal niyang naisip.Kaya bumusina siya.Beep!Tahimik.Walang lumabas.Muli siyang bumusina.Beep! Beep!Tahimik pa rin.Nakailang busina pa siya.Ngunit wala pa ring sumasagot.Unti-unting uminit ang kanyang ulo."Nasaan ang mga tao ko..."galit niyang bulong.Pinatay niya ang makina.At bumaba ng sasakyan.Diretso siyang naglakad papunta sa malaking bakal na gate.Pagdating niya roon—agad niya itong itinulak.Ngunit sa halip na bumungad ang naka-lock na gate...Madali itong bumukas.Naningkit ang kanyang mga mata."Wala na ngang bantay...""Hindi pa isinara ang gate?"Lalong uminit ang kanyang ulo.Ngunit nang tuluyan niyang maitulak ang gate—agad siyang natigilan.Sa harapan niya...
"Anong sabi mo?"malamig na ulit ni Jordan.Halos hindi siya makapaniwala.Lumulunok ang gangster."Boss...""Yung mga tao natin...""Nakahiga na sa labas.""Tapos...""Yung dalawang lalaki...""Mas... masyado silang malakas."Huminga siya nang malalim."At 'yung babae...""Masyado siyang mabilis.""Hindi namin sila kaya."Tahimik ang buong silid.Nagpatuloy ang lalaki."Nakapasok na sila.""Nalampasan na nila ang dalawang frontier natin.""Dalawang minuto lang...""Nilinis nila ang unang palapag.""At paakyat na sila rito.""Siguro mga—"BOOM!Hindi na niya natapos ang sasabihin.Sa isang malakas na sipa—bumukas ang pinto.Kasabay noon ay tumalsik ang gangster.Diretso itong sumubsob sa harap ni Jordan.Sa pintuan—nakataas pa ang paa ni Harvey.Marahan niyang ibinaba iyon.Pagkatapos ay pinunasan ang sariling ilong gamit ang hinlalaki.Parang ginagaya ang isang action movie hero.Sa likuran niya—nakatayo si Caelan.Tahimik.Malamig.Nakaipasok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon.
Natahimik ang dalawang bantay.Nagkatinginan sila.At sa sumunod na segundo—sabay silang humagalpak sa tawa."Hahahaha!"Pakiramdam nila ay narinig nila ang pinakamalaking biro sa buong buhay nila.Ngumisi ang unang bantay."Bagama't mukhang mabaho pakinggan ang pangalan ng gang namin...""Hindi kami parang utot na madaling mawala."Tumawa rin ang kasama niya."Tama.""Hindi ganoon kadaling burahin ang Gallus Gang."Tahimik na humakbang si Harvey."Alam ko."Mahinahon niyang sabi."Pero..."Bahagya siyang ngumiti."Mas madali kayong itaboy kaysa sa utot."Bago pa makapag-react ang unang bantay—isang mabilis na sipa ang tumama sa dibdib nito."Ugh!"Tumalsik ito paatras.Halos hindi nito naintindihan ang nangyari.Natigilan ang pangalawang bantay.At agad na itinuro si Harvey."Ang lakas ng loob mo—"Hindi na nito natapos ang sasabihin."Ang dami mong sinasabi."Kaswal na sabi ni Harvey.Sa isang iglap ay bumagsak din ang lalaki sa sahig matapos ang isang mabilis na suntok.Napaatras
Naglalakad noon si Caelan sa hallway habang nasa likod niya sina Director Hunts at Harvey.Patungo sila sa isa pang facility na balak niyang inspeksyunin.Ngunit sa loob-loob niya—halos matawa na siya nang baliw.Dahil nakita niya ang eksaktong ekspresyon ni Vaelisse nang marinig nito ang sigaw ni
Tahimik na naghihintay si Caelan.Habang si Harvey naman ay nakatayo sa gilid na parang bodyguard na nanonood ng pinakaimportanteng usapan sa mundo.Sa wakas—tumingin si Vivi kay Caelan.Kumurap-kurap.At tila pinag-iisipan nang mabuti ang tanong.Pagkatapos ay nagsalita."Daddy.""Hm?""Pwede ka
Tumayo si Caelan mula sa kanyang upuan.Inayos niya ang kanyang suit.Pagkatapos ay kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng upuan."Harvey.""Yes, Boss?""Maghanda ka ng donation."Tumango si Harvey."Magkano?"Kaswal niyang tanong.Parang sanay na siya sa mga ganitong bagay.Ngunit ang sumunod na
Ilang sandali pa ang lumipas.Patuloy na umaandar ang sasakyan sa mga pangunahing kalsada ng Asterion City.Tahimik ang paligid.O mas tamang sabihing—dapat sana ay tahimik.Dahil mula pa kanina ay hindi mapakali si Caelan sa likurang upuan.Minsan inaayos ang kanyang kuwelyo.Minsan ang kurbata.







